CHAPTER 11

1012 Words
LAI'S POV Nang maihatid na ako pauwi ni Zion, agad akonhGnagtungo sa kwarto ko at nahiga. Napahawak ako sa dibdib ko dahil kanina pa abnormal ang pagtibok ng puso ko. Kakapikit ko pa lang ng aking mga mata nang biglang tumunog ang cellphone ko, kaya naman agad ko itong kinuha. I rolled my eyes nang makita ko ang caller id.  "Ano na naman ba kailangan nito?" Inis kong sabi.  "Hello, Miel?" Pambungad ko.  "Lai, I just wanted to say sorry about what happened last time." Sagot nito.  "Ayos na yon. Yun lang ba? Kasi inaantok na ako." I said. Actually, ayoko na siyang makausap at mas lalong ayoko na siyang makita. Kotang kota na ako sa mga katarantaduhan niya. "Actually, i still love you. Pwede bang bumalik ka na?" He asked.  "But i moved on. I already moved on. Sana ikaw din. Inaantok na ko. Bye." Then i dropped the call. Sa tingin ko kailangan ko na magpalit ng number. Dahil nawala ang antok ko, naisipan kong tumambay muna sa balkonahe para magpalipas ng oras "Mapaglaro din kayo ano? Di kayo lumabas kanina nung nagpunta kami sa park, tapos ngayon ang dami dami niyo." Inis na sabi ko habang tinitignan ang mga bituin.  "Aasa ako na makikita din niya kayo." Pahabol ko. Napadako ang tingin ko sa mga sticky notes na nakapatong sa desk ko. Kinuha ko yun kasama ang ballpen ko at nagsulat, pero nakailang punit din ako. Padabog kong ibinaba ang ballpen ko. Kinuha ko na lang ang gitara ko at tinugtog ang kantang "Treacherous" ni Taylor Swift. "Put your lips close to mine,  As long as the don't touch,  Out of focus, eye to eye Till the gravity's too much.  And i'll do anything you say,  If you say it with your hands And i'll be smart to walk away,  But you're quickstand  This slope is, treacherous  This path is, wreckless  This slope is treacherous  And I,i,i like it " Hindi ko na tinapos ang pagkanta at napagdesusyunan ko nang matulog. Pero di mawala sa isip ko yung pagiging sweet niya. The way he touches my face, the way he hugs me. Biglang bumilis ulit ang heartbeat ko at di ko maiwasan ang mapangiti.  "Damn." At ipinikit ko na lang ang mga mata ko para makatulog na ako.  The next day, Maaga ko sinundo si Zion. Nang palabas na siya ng gate, biglang nag slow motion lahat. Honestly, ang gwapo niya lalo na kapag nasinagan ng araw. He's too much. Di ko maalis tingin ko sa kanya. Bakit ganun?  "Ang aga mo ata pumunta, Lai." Nabalik ako sa realidad nung magsalita si Zion.  "Ayoko kasing malate ulit."  Nang makasakay siya ay agad kong pinatakbo ang scooter.   "Maaraw ngayon. Ramdam ko yung sinag ng araw eh." Sabi ni Zion.  "Yep. Napakaganda nga ng araw ngayon eh." Sagot ko. "Kamusta tulog mo? Did you sleep well?" Tanong niya. "Oo." Sagot ko. Hindi ko na sinabing tumawag si Miel dahil ayoko nang mag-alala siya. Tahimik lang kami habang nasa biyahe papasok sa school. ZION'S POV "Zion!" Sigaw ni Gab nang makarating kami sa school.  "Bakit? Namimiss mo na naman ako?" Pabiro kong sagot.  "Hindi yon." Agad akong nakaramdam ng kaba sa susunod na mga sasabihin nito. Kapag ganito ang kaibigan ko alam kong may hindi magandang balita. "Ano ba yun Gab? Spill." Sambit ko Mukhang may gustong sabihin si Gab na di niya masabi.  "Spill it out." Pangungulit ko.  "Zion" Bumitaw naman sa pagkakahawak sa akin si Lai. Hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko ngayon. That voice. That familiar voice. It's been a long time. Nang marinig ko ang boses niya ay nagsibalikan sa akin ang mga alaala na kasama ko siya....Those bittersweet memories i spent with her. "A-Azy?" Mahinang sambit ko. Nagulat ako nang bigla niya ako niyakap.  "I miss you, Zion." Naiiyak na sabi ni Azy. Di ko alam kung ano ang pumasok sa akin pero niyakap ko din siya pabalik.  "Uhm Azy, ito nga pala si Lai. Kaibigan at Classmate namin ni Zion." Pagpapakilala ni Gab.  "Hi" rinig kong bati ni Lai.  "Nag shake hands sila." Bulong sa akin ni Gab.  "Bakit ka nga pala andito?" Tanong ko kay Azy.  "Dito na ko nag aaral. Culinary din kinuha ko. Gusto kong bumawi sa'yo." Nagulat ako nang kinuha niya ang mga kamay ko. "I'm sorry for leaving you behind. Pinagsisisihan kong sinabi ko sa'yo na magiging pabigat ka lang." Hindi pa rin nag sisink-in sa akin ang mga pangyayari ngayon. Bakit andito siya? Bakit siya bumalik? "Uh, tara na baka malate pa tayo." Rinig kong sinabi ni Lai. Naramdaman ko na may biglang kumapit sa braso ko.  "Ako na, Lai. Simula ngayon ako na ang magsisilbing mata ni Zion." Rinig kong sambit ni Azy kay Lai. Bakas sa tono ng pananalita nito ang sarcasm at warning. I wanted to apologize kay Lai dahil sa inuugali ni Az, pero hindi ko nagawa nang biglang kumapit si Azy sa braso ko.  "Hahawakan ka sana ni Lai, kaso pinigilan na siya ni Azy." Nagulat ako nang biglang bumulong si Gab sa kaliwang tenga ko.  "Let's go?" Sambit ni Azy at agad na kaming naglakad papalayo. Hindi  ko alam kung kasunod namin si Lai at si Gab.  "Gab?" Sabi ko.  "Nasa likod mo lang kami." Sagot nito. Napangiti naman ako. Dahil alam kong kasunod ko lang sila.  "Nasa classroom na tayo." Sabi ni Lai. Agad akong inihatid ni Azy sa upuan ko.  "Uhm, Lai? Would you mind if you could transfer seat?" Rinig kong sabi ni Azy kay Lai.  "Azy, she's been sitting beside me bago pa talaga ako mag---" "Sure." Di ko mapigilan ang hindi makaramdam ng inis dahil sa pagpayag agad ni Lai at sa inaasal ni Azy towards her. "Azy, you shouldn't act like that. She's my friend." sabi ko sa kanya.  "Wala naman akong ginawang mali ah. I just want you to be by my side. And same as mine." She said.Mukhang kailangan kong mag adjust kay Azy. Honestly, mas nasanay ako na si Lai ang katabi ko. Napabuntong hininga na lang ako. Why does fate complicates us?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD