ZION'S POV Makalipas ang ilang linggo dumating na ang buwan ng Disyembre. Mas lalo akong naexcite dahil malapit lapit na akong umamin kay Lai. "So hindi mo pa sinabi nung birthday niya?" Tanong ni Gab. "Yeah. Sa tingin ko, hindi pa yun ang right timing." Sagot ko. "So kailan ang right timing na yan?" Tanong ulit ni Gab. "The day after Christmas." Sagot ko. Mukhang nagets na niya ang ibig kong sabihin dahil alam niya na pupunta kami sa plaza sa araw na iyon. "Christmas party na natin bukas. I'm so excited!" Halos mapatalon ako nang biglang umakbay si Lai sa akin. "Lai ang bigat mo!" Reklamo ko. "Hehe. Sorry na" Sagot ni Lai. 20 days na lang ang iintayin ko. Malapit lapit na akong umamin. Pinangako ko sa sarili ko na sa araw na iyon talagang aamin na ako. "Tara kain tayo s

