I'm rushing to school kasi ngayon `yong pictorial namin for graduation. Suot ko ang dress na niregalo sa akin ni Mom. `Buti nalang at kasya pa sa akin. Stretchable kasi ang tela. Nag-makeup na rin ako ng light para at least hindi ako maputla sa picture.
"Nice! Ang ganda mo!" bungad sa akin ni Missy. Pina-ikot niya pa ako habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
"Heh! Nambola ka pa. Tara na nga." hinila ko na siya papasok sa studio. Naglista kami ng name at naghintay na matawag ang pangalan. `Di naman kami naghintay ng matagal kasi maaga kami kaya hindi pa crowded ang studio.
"Imagine? After 7 weeks gagraduate na tayo!" nasasabik na saad ni Missy habang sinusubo ang hawak na ice cream.
Napagpasiyahan kasi naming maglibot-libot muna dahil maaga pa. "Anong plano mo after graduation?"
"Mag-a-apply ng trabaho," deretsong sagot ko.
"Hindi ka magma-masteral? Board exam?" sunod-sunod na tanong niya. Umupo ako sa malapit na bench.
"Hindi na muna. Mag-iipon muna ako para sa amin ni Lucas." nakangiting saad ko at tinuloy ang pagkain ng ice cream.
"Alam mo puro ka Lucas. Kaya hindi ka nagkaka-boyfriend, e. Mas priority mo aso mo." pabirong saad niya. Inirapan ko siya.
"Syempre siya na lang ang mayro’n ako," saad ko habang nakatingin sa malayo. Nagkalat sa paligid ang mga batang naglalaro. May mga tao ring naglalakad lakad sa paligid.
"Nandito pa ako, aba!" kunwaring pagtatampo niya. She even cross her arms and pouted.
"Tumigil ka nga! Nagmumukha kang pato." Tumawa ako para maasar siya. Agad na napalitan ng inis ang mukha niya.
"Ang cute ko kaya `pag naka-pout," reklamo niya habang nakanguso pa rin.
"Excuse me? Ikaw ba `yong babae sa convenience store?" lumapit sa amin ang isang lalaki na may hawak na Chow-chow na naka-leash. Namumukhaan ko siya. Siya `yong nagtatanong ng gatas .
"Hello po," magalang na bati ko sa kaniya.
"Kilala mo ba `yan?" pabulong na tanong ni Missy habang nakatingin sa lalaki.
"Nagkita kami last week sa convenience store," pabulong na sagot ko. Itinuon ko ang pansin ko sa asong hawak niya. Halatang tuta pa.
"`Yan po ba `yong aso niyo?" tanong ko. Tumango siya bilang sagot.
"Napakaliit talaga ng mundo `no? Lagi tayong nagkikita." natatawang saad nito. Kung makalagi naman `to, twice pa lang naman kaming nagkita, eh.
"Halika na, hinahanap na tayo ni tito," biglang saad ni Missy. Hindi na ako nakapagpaalam ng maayos dahil agad akong hinila ni Missy.
"Ano ba? Ang bastos ko tuloy tingnan," angal ko sa kaniya.
"I don't like him." prangka ni Missy habang patuloy pa rin sa paglalakad. panay rin ang sulyap niya sa likod.
"Ha? Bakit? Kilala mo ba `yon?" tanong ko.
"No. Basta, ewan. Nailang ako, eh. Napaka-uncomfortable. Saka hindi mapagkakatiwalaan ang hitsura," saad niya. Agad ko namang hinila ang buhok niya dahilan para matigil siya sa paglalakad.
"Alam mo? Napaka judgemental mo." saad ko sa kaniya.
"Hindi naman sa gano’n pero... parang gano’n na nga. Basta `di ko siya bet," saad niya. Nag usap pa kami ng ibang bagay bago napagdesisyunang umuwi.
"Lucas," tawag ko ng makapasok ako sa apartment. Agad itong tumakbo papunta sa akin. Tumalon-talon pa ito na para bang nasasabik siyang makita ako.
"How's your day baby?" malambing na saad ko at lumuhod para magka-level na kami. Dinilaan niya ang kamay at mukha ko kaya dumeretso na ako ng kwarto at nag-shower. Paglabas ko narinig ko ang pagtahol ni Lucas mula sa sala. Agad akong nagbihis at lumabas ng kwarto.
"Oh? Nanay Helen?" tawag pansin ko rito. Nakikipaglaro kasi ito kay Lucas na panay ang talon at sobrang kulit
"Janice. May nagpapabigay raw sa’yo oh." Inabot niya sa akin ang ibang tangkay ng rosas. May card din na nakadikit.
Hi.
`Yon lang ang nakasulat. "Kanino raw galing Nay?" tanong ko.
"Hindi sinabi, eh. Kumatok lang siya sa apartment ko at sinabi na ibigay ko raw sa’yo," paliwanag niya. Umupo ako sa tabi niya habang nakatingin pa rin sa rosas.
"May nobyo ka na ba eneng?" biglang tanong ni nanay. Agad naman akong napalingon sa kaniya at mabilis na umiling.
"Nako nay. si Lucas lang lalaki sa buhay ko," sabay naman kaming tumawa dahil do’n. Tumahol din si Lucas na parang nakikisabay sa akin.
"Oh pano? Ako'y babalik na," saad niya at tumayo. Malakas pa naman si Nanay kahit sa edad niya 68.
"Dito na po kayo maghapunan, Nay," alok ko sa kaniya na tinanggihan niya.
"Salamat hija pero kakatapos ko lang kumain," tanggi niya at nagtungo na sa pinto. nakasunod lang ako sa likod niya. "Hija `wag mong kalimutang mag lock ah. Mahirap na," paalala niya bago lumabas.
Kinabukasan ay weekend kaya wala akong gagawin sa school at wala akong trabaho. `Buti na lang mabait `yong boss ko. Naisipan kong i-lakad si Lucas sa labas kasi matagal-tagal na rin mula no’ng nakalabas siya.
Hawak-hawak ko ang leash niyang nakakabit sa katawan niya habang naglalakad kami papunta sa malapit na park. At dahil nga naexcite si Lucas ay panay ang likot at pagtakbo niya. Nahihirapan tuloy sa pagpigil sa kanya.
"Lucas behave," sita ko pero hindi siya nakinig sa akin at biglang tumakbo kaya nabitawan ko siya.
"Lucas!" Agad ko siyang hinabol. Natakot ako nang bigla siya tumawid ng kalsada. "Lucas! Come back."
Naabutan ko siyang tinatahulan ang lalaking nasa harap niya. "Lucas that's bad," sita ko at agad na kinuha ang leash.
"Oh, ikaw ulit," biglang saad nung lalaki kaya napalingon ako sa kaniya. Siya `yong lalaki sa convenience store.
"Lagi na tayong nag kikita ah?" amuse na saad niya. "Tadhana na ba ito?" dugtong niya.
Agad akong napangiwi sa sinabi niya. Tumawa lang ako at agad umalis. Nagtungo kami sa park.
"Lucas, kunin mo `to ah," itinapon ko ang ang bolang hawak ko na agad naman niyang sinundan. Inilapag niya ito sa harap ko at umupo while wagging his tail and sticking his tongue out.
"Good job." binigyan ko siya ng treat at pinat sa ulo. Naglaro pa kami bago umuwi. Pagkatpos kong maglinis ng katawan ay kumain na kami ng pananghalian.
"Let's watch a movie, Lucas," saad ko at umupo sa sofa. I pat my lap to motion him na lumapit. Agad naman siyang umakyat ng sofa at humiga sa mga binti ko. Nasa kalagitnaan kami ng panunuod ng biglang tumahol si Lucas.
"Hey what's wrong?" Tumayo siya at humarap sa pinto habang tumatahol pa rin. `Di pa siya nakuntento kasi bumaba siya ng sofa at lumapit sa pinto. May kung anong tinatahol siya. Hindi kaya may nakikita siyang hindi ko nakikita? Ano ba `yan! Kung ano-ano kasi kinukuwento ni Missy, eh.
Lumapit ako sa kaniya at lumuhod. Napasigaw naman ako nang biglang may kumatok sa pinto. Dahan-dahan akong tumayo at sumilip sa peep hole. Wala namang tao.
"Sino `yan?" tanong ko ngunit wala naman sumagot kaya lumabas ako pero wala namang tao. Lumabas din si Lucas at tumakbo sa hagdan. Nakatayo lang siya roon at may inaamoy. Hindi na rin siya tumatahol.
"Lucas let's come inside na," aya ko. Papasok na sana ko nang makita ko ang plastic bag na nakasabit sa doorknob. Rosas at isang keychain ang laman noon. Gulat akong napatitig sa keychain na hawak ko. Keychain `yon ni mommy. Ako ang nagbigay sa kaniya nito!
Agad kong hinila si Lucas at pumasok na sa loob ng apartment. Nilock ko agad ang pinto. This can't be! Sinong nagbigay nito?
Nararamdaman ko noon pa man na hindi simpleng aksidente ang pagkamatay ni mommy. Pero hindi sila nag imbestiga at sinabing aksidente lang daw. Nawalan lang daw ng preno ang kotse.
"Lucas! Look at this, keychain ni mommy." Pinakita ko sa kanya `yon, inamoy amoy niya pa ito at lumapit sa akin. Niyakap ko siya nang mapansin ko ang nakatuping papel sa loob ng plastic bag.
See you soon, cupcake, `yon lang ang nakasulat doon.
Sino kaya ang gumagawa nito?
Anong kailangan niya?
Siya kaya ang nagbanta sa buhay ni mommy?
Ang dami kong tanong. I wanted to call the police pero alam kong kulang pa ang ebidensya ko. Gusto ko ring tawagan si papa kaso baka hindi niya ako paniwalaan. Naniniwala kasi siyang aksidente din ang nangyari kay mommy kasi minsan na raw nawalan nang preno `yong kotse namin noon.
He's also blaming his self. Kasi feeling niya kasalanan niya. Sana raw `di niya pinagamit kay mommy `yon. Sana raw pinaayos niya agad `yon.
But it's too late now. Pinagmasdan ko ulit ang papel na hawak ko. Mahuhuli rin kita. Malalaman ko rin ang katotohanan. I'll make you pay for everything.
Niligpit ko na ang mga `yon sa drawer ng kwarto ko. Niligpit ko na rin ang mga gamit sa sala at napagpasyahang matulog. Agad naman tumabi si Lucas sa akin.
"Huhulihin natin siya Lucas, pagbabayarin natin siya sa lahat ng kasalanan niya. We’ll give mom the justice she deserve," saad ko sa kaniya. Tumahol naman siya at tumitig sa mata ko. Niyakap ko siya at ipinikit ang mata.
"Ikaw nalang ang meron ako Lucas. Don't leave me, okay?" saad ko. Umalulong lang ito at dinilaan ang mukha ko.
"Promise `yan ah," bulong ko sa kaniya. Iniimagine ko na si mom ang kayakap ko and I immediately found myself sleeping comfortably.