bc

Pawfriend

book_age18+
845
FOLLOW
2.1K
READ
second chance
doctor
twisted
bxg
genius
lucky dog
others
abuse
rebirth/reborn
victim
like
intro-logo
Blurb

WARNING: MATURE CONTENT

After the death of her mother and remarriage of her father, Janice Guevarra decided to live on her own with her dog, Lucas. A gift from her mom. They were inseparable ever since Lucas was brought to their house.

They were living peacefully in a small apartment, when an unexpected incident happen that separates the both of them. Will they able to unite again? Will they able to recognized each other? Or will they live on the new given lives separately?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Lucas! I'm home sweetie!" sigaw ko nang makapasok ako sa apartment ko. Nagtataka ako nang walang sumalubong sa akin. "Lucas?" tawag ko ulit. Nakarinig ako ng kalabog mula sa kitchen kaya agad akong nagtungo roon. `Di ako makagalaw sa nasaksihan ko. May kutsilyo sa sahig tapos may nagkalat ang kulay pula na likido. May mga pagkain din sa sahig. Agad akong lumapit sa aso ko. "Lucas baby? What happened?" tanong kahit alam kong hindi niya ako masasagot. Nakapikit lang ang mata nito. Kinarga ko siya at hiniga sa mesa. Niyugyog ko siya para naman magising. Kinakabahan ako. "Lucas ano ba," naiiyak na saad ko. Maramdaman ko naman ang paggalaw nito pero nanatiling nakapikit ang mata nito. Nagbitiw ako nang malalim na buntonghininga, napahawak na rin ako sa sentido ko. "Kapag ikaw hindi gumising, itatapon kita sa labas," pagbabanta ko. Na-realize ko kasi agad na nagpapanggap lang siyang tulog. Siguro dahil naabutan kong magulo ang bahay. Tila naintindihan niya naman ang sinabi ko at agad-agad na bumangon. He also bark while wagging his tail. "Sabi na nga ba, eh. Ikaw talagang aso ka napakapasaway mo. Pinag alala mo `ko?" sermon ko rito. Yumuko ito at umaalulong. Lucas is my Golden Retriever dog. 8 years old pero makulit pa rin hanggang ngayon. He’s the only family that I have. Mom died 7 years ago. Si Papa naman nag-asawa na ng iba. Hindi na ako sumama sa kaniya. I don't feel like I'm welcome to his new family anyway. Niligpit ko ang kalat na ginawa niya. Tinutulungan niya rin ako kaya natatawa ako kasi inapak-apakan niya `yong basahan sa sahig na para bang pinupunasan niya ng nagkalat na ketchup. Pagkatapos maglinis ay pumunta na ako ng kwarto para makapagshower. "Lucas, stay. Maliligo lang ako," bilin ko sa kaniya. Huminto naman siya sa harap ng pinto ng bathroom. Matalinong aso naman si Lucas kaya hindi ako nahihirapan sa kaniya. Hindi na kami mapaghiwalay simula nang dinala siya ni Mommy sa bahay. That's also the reason why I cherish Lucas so much. He is the living proof of my mother's existence. Paglabas ko ay naroon pa rin siya at nakaupo. Tumahol ito nang makita niya ako. I pat his head before heading to my closet. Kumuha ako ng pamalit at nilagay sa kama. Natawa naman ako nang biglang tumalikod si Lucas nang magbihis ako ng underwear. He really acts like a real person. "Puwede ka nang humarap," saad ko sa kaniya nang matapos akong magbihis. Umupo ako sa kama at kinuha ang laptop ko. Tumabi naman siya sa akin habang nakaunan sa binti ko. "Nabored ka ba?" tanong ko sa kaniya habang hinihimas tenga niya. Sinagot niya ako ng isang tahol. "Okay lang naman mabored. Pero `wag kang magkakalat kasi napapagod si mommy lalo," saad ko. I find my comfort kapag kinakausap ko siya kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. "Baby? Malapit na akong gumraduate!" natutuwang saad ko sa kaniya, tumayo naman ito at umikot-ikot sa kama na parang nakikisaya rin siya sa akin. Natigilan naman ako nang biglang may nag email sa akin. It was a notice. Bayarin sa school since malapit na ang final exam. Hindi pa ako nakakabawi kasi malaki ang nagastos ko sa Thesis ko. Tapos matagal pa ang sweldo ko sa part-time job na kinuha ko. Ayoko namang manghingi kay papa. Nakakahiya kasi siya na ang nagbabayad ng apartment ko at ang bills nito. Scholar naman ako sa school kaya hindi gano’n kalaki ang babayaran ko. Tanging mga fines at projects lang nababayaran ko. Malinis ang record ko sa school. I'm a dean lister. Nagising na lang ako nang may nararamdaman ako sa mukha ko. Para akong nilalawayan. Maingay rin ang cellphone ko. Bumangon ako at tumambad sa akin ang mukha ni Lucas. "What's wrong?" humikab ako habang hinihimas ang tenga niya. Tumahol siya sa akin at lumapit sa bedside table. Nakita ko ang phone ko at panay ang vibrate. "Oh my god! I'm late!" Agad akong tumayo at dumeretso ng banyo. Minadali ko lahat ang gagawin ko. `Di ko na pinatuyo ang buhok at agad na nagbihis. Lumabas agad ako ng kwarto at tumungo sa kitchen para uminom ng tubig. Nakasunod naman sa akin si Lucas kagat-kagat ang ID ko. "Thank you," tipid na sagot ko at sinuot na ang sneakers ko. Nag-iwan ako ng pagkain sa dalawang bowl at inilapag sa sahig. "Lucas, come here," tawag ko sa kaniya. Umupo naman ito sa harap ko. "Here's your breakfast at ito naman mamayang tanghali. If you heard the alarm puwede ka mo na tong kainin okay?" saad ko sa kaniya saka hinalikan ang tutok ng ulo niya. "Wait for me for dinner," bilin ko bago lumabas ng apartment. Kumatok naman ako sa katapat na pinto. Buti na lang at bumukas ito agad. "Nay, iiwan ko na po sa inyo si Lucas. Late na po ako sa exam namin," saad ko bago ibinigay ang susi sa kaniya. "Pasensya na po talaga sa abala." "Nako okay lang hija. Kumain ka ba? Mas inuuna mo pa ang aso mo kesa sa sarili mo," saad niya. "Sa school na po ako kakain late na po kasi talaga ako," Nagpaalam na ako sa kaniya at patakbong bumaba ng hagdan. `Buti na lang at nakaabot ako sa jeep. Sana lang walang traffic. Nang makarating sa gate ng school ay agad kong tinakbo ang daan patungong room. `Buti na lang at wala pa ang proof. Nakita ko si Missy sa may bandang likod at kumakaway sa akin. Naka-arrange `yong mga armchairs nang one seat apart. "Nice, bakit ka late?" bungad na tanong sa akin ni Missy nang makaupo ako. "Buti na lang wala pa ang proctor." "Napuyat ako kasi nag-review ako kagabi," saad ko habang inihahanda ang mga kakailanganin ko. "Bakit late ang proctor?" "Nako sabi nila, may nagtangkang manloob sa bahay ni Maam Perez kagabi kaya hindi makakapunta si ma'am. May tinawagan silang substitute na proctor. Papunta na raw," kwento niya. Basta chismis talaga andami niyang nalalaman. "Hoy! Medyo malapit lang sa inyo `yon ah. Mag ingat ka," paalala niya. "Lagi naman akong nag-lolock tsaka andiyan naman si Lucas," kampanteng saad ko. "Nako `di mo alam baka hindi takot sa aso `yong magnanakaw," saad niya. `Di na ako sumagot kasi dumating na ang proctor. Nagsimula na ang exam mahirap `yon kaya laking pasasalamat ko na nag-study ako. At least nasagutan ko halos lahat ng tanong. Maagang natapos ang exam namin. Sobrang sakit ng ulo ko. Ginawang one day `yong exam, 6 subject lahat `yon na may 100 items. May galit `ata `yong gumawa ng exam papers. 3 pm pa kaya nilakad ko na lang ang pagitan ng school at apartment. Sanay na rin akong maglakad ng malayo. Mas nakakatipid kasi sa pamasahe. Nadaanan ko ang pet store at naisipang bilhan ng bagong dog food si Lucas since paubos na `yong sa kaniya. Dumaan na rin ako sa Convenience store para bumili ng makakain. Hindi kasi ako nakapag-breakfast at lunch. "Excuse me miss," tawag ng isang lalaki. Lumingon naman ako sa kaniya ng lumapit ito sa akin. "Gusto ko kasing bumili ng gatas para sa anak ko. Ano mas magandang brand ang puwedeng bilhin?" Mukha ba akong crew rito sa convenience store? Wala pa naman akong anak kaya `di ko alam kung anong isasagot. "Ilang taon na po ba anak niyo?" tanong ko. Ayoko namang magmukhang maldita. Saka marunong akong rumespeto sa matatanda. "3 buwan," saad niya sabay kamit sa batok niya na parang may gusto siya sabihin pero nahihiya siya. "Actually, `yong anak na tinutukoy ko ay `yong aso namin. Nakita ko kasing may hawak ka na dog food," nahihiyang saad niya. Napatingin naman ako sa hawak ko. Kaya naman pala. "Nako kuya. Wala po akong alam sa gatas na pang aso, allergic kasi yung aso ko sa gatas," sagot ko. "Ganoon ba? Sige salamat. Pasensya na sa istorbo," nang makaalis siya ay binayaran ko na ang pinamili ko at umuwi. Saktong pag-akyat ko sa taas ay nakita ko ang kakalabas lang na si Lucas mula sa apartment ni Nanay Helen. "Lucas!" masayang tawag ko. Lumuhod ako para salubungin siya ng yakap nang tumakbo ito papunta sa akin. "Naging good boy ka ba? Baka pinahirapan mo si nanay ah." Tumahol-tahol bilang pagsagot niya. Tumayo ako at nagmano kay nanay Helen. "Pagpalain ka nawa ng Panginoon, hija," saad niya "Salamat po sa pagbabantay kay Lucas Nay. Pasensiya na po talaga," saad ko sa kaniya. "Nako, walang anuman. Natutuwa nga ako sa aso na iyan," saad niya at binigyan ng pat si Lucas sa ulo. Gustong-gusto niya kasi `yon. Feeling niya may na-accomplish siyang maganda. Pumasok na ako ng apartment at siniguradong nakalock ang pinto. "Lucas, don't let anyone enter our apartment ah," saad ko sa kaniya. Alam kong naiintindihan niya ko kasi matalino siya. Pagkatapos naming kumain ay agad akong naglinis ng katawan at nagbihis ng kumportableng damit. Agad namang tumabi sa akin si Lucas. "Two months from now, ga-graduate na ako. matutupad ko ang wish ko kay mom," wala sa sariling saad ko habang nakatingin sa kisame. Umungol naman si Lucas. "We can spend more time together after graduation Lucas. Gusto mo ba `yon?" tanong ko habang marahang kinakamot ang likod ng tenga niya. Umungol siya ulit bilang sagot.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.0K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook