Janice's POV Maaga akong nagising kinabukasan dahil na rin siguro sa hindi pamilyar na lugar. Nag-a-adjust pa 'yong katawan ko sa panibagong tirahan. Nagluto ako ng simpleng agahan, itlog, ham at toasted bread. After kumain ay agad ko rin iyong hinugasan. Tahimik akong pumunta sa sala. Ang laki naman nito para sa isang tao, ang lungkot tingnan. Bigla ko tuloy na-miss ang aso ko. Lucas have been with me since 13, halos siya ang kasama ko kapag wala sina mommy at daddy. Kamusta na kaya siya? I haven't visisted him since that day. Hindi ko kaya na harapin siya, feeling ko kasi ay napakalaki ng kasalanan ko sa kaniya. He protected me 'till his last breath and I didn't even protect her back. Umiling ako para iwaksi ang ala-ala na iyon. Tinungo ko na lang ang play room para makigamit ng PC.

