Sa kabila ng mga nararanasang kababalaghan sa House #38, nagpatuloy padin sa pangungupahan dito ang buong mag-anak. Wala rin naman silang magagawa dahil ang haligi ng tahanan ang nagdedesisyon kung saan sila uupa. Kailangan nilang kumpletuhin ang kontrata at nasa kanila na ang desisyon kung itutuloy pa nila ito o hindi para sa ikalawang taon. Sa katunayan, parang naging normal nadin sa kanila na manirahan sa nakakatakot na bahay na yun. May mga ilang pagkakataon pa nga na pinagkwekwentuhan nalang nila ang mga paranormal experiences ng bawat isa. Pero hindi padin nila tiyak kung bakit nga ba ito nangyayari sa bahay. Ang ilan sa mga kalaro ng magkakapatid ay ilag at hindi pumapasok sa bahay kahit niyaya pa nila ito. Ang sabi pa nga, pinagbabawalan daw sila ng kanilang mga magulang na pumaso

