Chapter 3

868 Words
"Wow! May puno pala dito ate oh, tignan mo.", masiglang sabi ni Chloe sa kanyang kapatid na si Jane. Habang hindi pa sila tuluyang nakakalipat sa bahay, binibisita nila ito araw-araw. Kadalasan, pinapatulong si Jane at Chloe sa paunti-unting paglilinis ng bahay. At ang pinakapaboritong gawain ng mga bata, ang magwalis sa bakuran nito.Mas malawak kasi ang bakuran nito kung ikukumpara sa bahay nila ngayon. Hapon na iyon nang magwalis ang magkapatid sa bakuran. Dahil nga sa matagal na bakante ang bahay, madaming nawalis ang magkapatid na dahon at mga ilang natuyong damo. Inilagay nila ito sa isang sako at dun nila napansin ang puno malapit sa gate, puno ng atis. "Oo nga no. Puno yata yan ng atis eeh", sagot ni Jane. "Atis? Masarap ba yun? Kuha kaya tayo?", sambit ni Chloe "Nako huwag muna, tsaka na, pag dito na talaga tayo nakatira.", balik na tugon ni Jane. Sumang-ayon naman agad si Chloe na walang halong pagtutol sa nakatatandang kapatid. Nagpatuloy ito sa pagwawalis ng mga nakikitang dumi. Samantalang si Jane naman ay nagpupunas ng mga bintana. Kaunting araw na lang ang hihintayin nila at tuluyan na silang makakalipat dito. Ilang sandali pa ay nakuha nanaman ng puno ang atensyon ni Chloe. Hindi naman siya gutom nang mga sandaling iyon. Hindi naman ang bunga ng puno ang tumawag ng pansin niya kundi isang marka sa katawan ng punong ito. "Ay tignan mo to ate oh, Krus to diba?”,muling pagtawag ng pansin ni Chloe sa kaniyang atenang mapansin ang Krus na nakamarka sa puno. Hawak niya padin ang tingting at dustpan habang pinapakita sa kapatid ang marka, ito pa nga ang ginamit niyang panturo dito. Palibhasa'y hindi katoliko ang kanilang pamilya kaya madali niyang napansin ang markang ito. Minsan lang kasi sila nakakakita ng ganito kaya naman, agad na pumasok sa isip nila na isang debotong katoliko ang may-ari ng bahay. "Oo nga no!”, sagot ni Jane sa kapatid. "Nakita ko din yang marka na yan kanina aah, dun sa likod at dito ooh", sabay turo ni Jane sa kongkretong pader ng garahe malapit sa gate ng bahay. "Katoliko nga siguro ang may-ari nito. Buti nalang green na pintura. Kung pula, naku aakalain kong dugo yan!", sabi naman ni Chloe. "Parang sa horror lang no? Pero bakit naman ang dami? Baka may nakalibing sa puno na yan! Hala ka!", pananakot ni Jane. "Ate naman eh! Sabi mo nga madami diba? Ibig sabihin may nakalibing din dyan sa pader. At sa likod ng bahay? Ang dami naman!", takot na sabi ni Chloe. Natawa si Jane sa ginawang pananakot sa kapatid pero sa kabila nun, may konti siyang pangamba sa kanyang nakikita. Hindi niya kasi lubos na maipaliwanag ang mga krus na nakamarka sa labas at palibot ng bahay. Halos bawat pader sa harap at likod ng bahay at maging sa puno, nakamarka ang krus na ginamitan ng berde na pintura.Napakadami. Ngayon lang sila nakakita ng ganito. Nang minsang may nakita silang ganito, iisang lugar lang naman ang may marka. Hindi tulad sa bahay na ‘to. Ang alam niya kasi, ginagamit iyon ng mga katoliko sa kanilang mga bahay. Pero hindi sa ganitong klase naparaan. Dalawa lang kasi ang alam ng mga batang ito tungkol sa ganitong marka. Ang krus ay para bantayan ang bahay. Para magkaroon ng patuloy na blessings ang bahay. At ang isa pa, ang krus ay panlaban sa masasamang elemento gaya ng mga kapre, maligno, dwende at kaluluwang ligaw. Ganon nalang ba katakot ang may-ari o dating nakatira sa bahay para gawin yun? Matinding proteksyon o blessing ba ang kailangan ng pamilyang dating nakatira rito para halos punuin ang buong bahay ng marka ng krus? Sa pagkakatanda nila, walang nakatira dito noon. Dalawa kasi ang bahay ng may-ari. Ang isa ay kanilang tinitirahan tuwing bibisita sila sa subdivision at ang pangalawa ay ito, ginagamit lang nila upang iparada ang isa pa nilang sasakyan. Kaya, para saan ang mga krus na iyon? Gaano na kaya katagal na nakamarka ang mga ito sa bahay? Habang patuloy na nag-iisip, nagmamadaling tinapos ng magkapatid ang gawain sa bahay na yun. Pareho silang takot kaya hindi sila nagpaabot pa ng dilim. Dali-dali nilang tinipon ang mga basura at iniwan ito malapit sa puno. Matapos nito, lumabas agad sila ng gate at kinandado ito. Agad silang nagtatakbo sa kanilang bahay at ipinaalam ang mga kakaibang nakita. Dahil nga sa relihiyon ng kanilang pamilya, hindi na pinagtuunan pa ng pansin ang kanilang mga kwento. Inisip ng mga magulang nila na dala lang ito ng madalas nilang panonood ng horror movies ng mga bata. Napagsabihan pa nga silang itigil ang panonood ng mga ganitong uri ng pelikula para hindi malason ang kanilang isipan ng mga kwento ng kababalaghan. Isa lang ang hiling ng mga bata. Na sana, pwedeng tabunan ng pintura ang mga krus na nakamarka sa kanilang bagong titirahan. Tutal, hindi naman sila naniniwala dito. At isa pa, para mabawasan ang kanilang takot. Ngunit mukhang malabong mangyari iyon dahil kailangan pa nilang ipagpaalam ang ganitong bagay sa may-ari. Ayaw naman itong ungkatin pa ng papa nila dahil maliit na bagay lang naman ito para sa kaniya. Ngunit, mukhang nagkakamali siya. Minsan, tama rin na pakinggan ang mga bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD