Hindi malilimutan ang bawat karanasan sa loob ng House #38. Ito ang matitiyak ng pamilyang itinampok sa kwentong ito. Gaya nga ng una niyong nabasa, base ito sa totoong pangyayari. Kung gusto mong subukan, bakit hindi mo tignan kung may pulang swing sa playground ng subdivision ninyo? Yung kasya ang apat hanggang sa anim na tao. Kung meron man, baka sa lugar niyo matatagpuan ang sinasabing bahay sa kwentong ito na hanggang ngayon ay nagdudulot padin ng matinding kilabot sa tuwing mapag-uusapan. Mula nang umalis ang pamilya sa bahay na ‘to ay may iba’t ibang kababalaghan din ang kanilang naranasan. Maaring higit pa nga sa kanilang napagdaaanan sa House #38. Pero, baliwala na sa kanila ang mga ito dahil hindi matatawaran ang karanasan nila sa bahay, lalo na ang ala-alang iniwan nito. Sa tu

