“Jane, paki abot mo nga sa akin yung mga sinampay dyan”,pakiusapng kasambahay na si Lea kay Jane. Dalawalang araw mula nang umalis sila sa House #38 ay bumalik si Lea dito kasama si Jane upang kunin ang mga natitirang sinampay. Noong huling araw kasi nila dito ay naglaba pa si Lea ng iilang damit dahil alam niyang magiging abala sila sa paglilipat. Ayaw na ayaw niya kasing matatambakan ng labada. Lalo pa’t may mga ilang gawain na nag aabang sa kanya. Dagdag pa rito ang nalalapit nanamang pasukan ng mga bata. Hindi maiaalis kay Lea ang kabahan habang nasa loob ng bahay lalo pa nang pumunta sila sa likod bahay. Isa kasi siya sa mga naging saksi sa halos lahat ng kababalaghan ng bahay sa loob ng dalawang taong pagtira dito. Kaya naman, laking pasasalamat niya nang samahan siya ni Jane na b

