Kung inaakala niyong puro kababalaghan lang ang nangyayari sa bahay na ‘to, nagkakamali kayo. Bukod kasi sa mga katatakutan sa inuupahang bahay, may isa pang pangyayari ang higit na ‘di malilimutan ng nasabing pamilya. Isang dagok na unti-unting susubok sa katatagan ng kanilang mag-anak. Sa totoo lang, hindi nila malaman kung pagkakataon nga lang ba o sadyang may kinalaman ang mga ito sa bahay na kanilang tinitirahan ngayon. Sa bahay kasi na ito, nagsimula ang unti-unting pagbagsak ng kabuhayan ng kanilang pamilya. At ang higit na tumatak sa kanilang isipan lalo na sa isipan ng mga bata, ay ang unti-unting pagkasira ng kanilang pamilya. Sa sobrang bilis nang pangyayari, hindi ito namalayan ng buong mag-anak. Yung nagising nalang sila isang umaga at marami na palang nagbago. Ang dating mas

