Naging abala ang lahat kaya’t hindi nila napansin ang mabilis na paglipas ng panahon. Halos isang taon narin pala simula nang lumipat sila sa tinitirahang bahay.Nananatili naman silang nakatira sa bahay kahit lagpas na ang isang taong kontrata nila dito. Nalaman nilang pumirma pala ang kanilang ama ng isa pang taon na paninirahan sa bahay na ‘to. Gaya ng dati, wala silang nagawa. Dumating nadin ang pinakahihintay na SummerBreakng mga bata kaya naman lahat ng mga ito ay madalas na nasa bahaylang. Hindi naman alam ng mga ito, kung ikakatuwa nga ba nila na mamalagi lagi dito. Sa malas pa, kinailangang magbakasyon ng nag-iisa nilang kasambahay na si Lea. Dalawang linggo itong titigil sa kanilang probinsya sa Ormoc, Leyte. Isang linggo namanbago umalis si Lea ay nagkataong umuwi na ng Cavite s

