Hindi naman nagtagal at nalaman narin ng mga tao sa bahay ang nakita ni Cindy nung gabing ‘yon. Lahat sila, hindi makapaniwala na bukod sa nakita ni Chloe, mayroon pa pala silang ibang kasama sa bahay. Dahil sa mga kaganapang ito, mas lalong tumindi ang takot ng bawat nakatira dito at lahat sila, iniiwasang maiwan namag-isa sa bahay. Sa kabila nito, wala naman silang magawa kundi ang makinig sa karanasan ng bawat isa. Kaniya-kaniyang kwento, kaniya-kaniyang kakatakutan, sa nag-iisang bahay na kanilang tinitirahan. "Sabi ko na nga ba! Meron talaga dyan sa kusina eh!!", sabi ni Lea habang isinasalaysay sakanya ni Cindy ang nangyari. "Hindi ko nga inaasahang makikita ko yun ee! Nagulat din ako.” “Anong ginawa mo nun‘te?”, tanong ng kasambahay. “Halos hindi ako makagalaw nun lalo na nun

