Kinabukasan, maagang nagising si Jane at Chloe. Napagpasyahan nilang manood ng cartoons kung kaya’t sabay silang bumangon at halos magkasunod rin na akmang lalabas ng kwarto. Si Jane ang pumihit ng doorknob at ilang saglit pa, sabay silang nagulat sa kanilang nakita. Sa tapat ng pintuan ng kanilang kwarto, sa sahig, doon nakahiga si Ara. Nakasiksik ito malapit sa kanilang study table na nasa kanang bahagi malapit sa pinto ng kwarto. Nakayakap ito sa kanyang tuhod na para bang ginaw na ginaw. Nagtaka sila. Bakit doon natutulog ang kanilang kapatid? Ito ang naisip ng dalawang bata. Maya-maya pa, umupo si Jane para gisingin si Ara. "Ate, gising! Bakit dyan ka natulog?" Matapos ang ilang pagyugyog, nagising si Ara. Parang nagulat pa nga ito ng makita ang mukha ng kaniyang mga kapatid n

