Another morning, another day na naman sa campus. Kagaya lang ng dati ay matapos gumising ay inayos ko lang ang higaan ko at nag-ready na para pumasok sa University. Ilang linggo na rin ang lumipas mula noong mag-usap kami ni Azi about sa publishing team at masasabi kong hindi naman ako naghahabol sa mga requirements ko sa school so far at hindi pa naman ako nahihirapang mag-adjust kaya goods naman.
Pinakilala niya na rin ako sa GC namin at nakakatuwa dahil approachable naman ang lahat.
Mabuti rin na every Saturday lang ang meeting at passing namin ng mga sinulat naming articles dahil kung daily meeting ang gagawin ay baka hindi ko naman mapag-sabay lahat dahil bukod sa publication ay kasali rin ako sa glee club at marami na ring projects ang pinapagawa ng mga prof sa amin kahit unang sem pa lang naman.
Matapos kumain at maligo ay nag-bihis na ako, mas inaagahan ko na rin ngayon ang pasok dahil baka may mga activities na nakasabit sa bulletin board ng campus. At isa pa, baka may mga biglaang announcement sa mga extra-curricular activities ko. Maganda na yung sigurado kaysa naman sa maghabol ako.
“Kuya, tric po!” Tawag ko sa isang tricycle driver dito sa paradahan na agad namang lumapit sa akin.
“Sa may waiting shade nalang po malapit sa sidewalk ng HTU.” Sambit ko na tinanguan na lang ni Manong.
Medyo malayo ang distansya ng tinitirhan kong apartment sa University na pinapasukan ko kaya naman medyo naging mahaba rin ang biyahe, buti nalang nang makarating ako ay hindi pa naman ako late at sumakto rin na wala namang additional activities. Hay, salamat!
“Uy, Elaine. Nandyan ka na pala. Meron ka bang notes dun sa huling lesson natin kay Prof Sanchez?” Agad na bungad sa akin ni Brendon habang nakasunod sa akin papunta sa upuan ko.
Matapos ang nakakahiyang ginawa at pagtuturo sa kaniya ng leksyon ni sir Villanez kay Brendon ay halatang nag-sipag siya sa pag-aaral. Hindi na rin siya nangongopya at nakikinig na rin siya sa mga lessons namin. Madalang na lang rin siyang mag-cutting at kung paminsan nga ay nakikisali na siya sa recitation. Malaking improvement at impact yata ang naging epekto sa kaniya ni prof.
“Ah, meron ako. Bakit? Ipapa-photocopy mo ba?” Tanong ko sa kaniya habang inilalabas ang notebook kong naglalaman nung mga tinatanong niya.
“Oo sana boss. May quiz kasi next week eh, mahirap na kung hindi pumasa, baka goodbye third year ako nito.” Nagbibirong sabi niya na tinawanan ko na lang.
“Oh, ingatan mo ‘yan ah, pag nawala o nasira mo yan, ako ang magpapa-goodbye sa’yo sa mundo.” Biro ko sa kaniya pabalik at ibinigay sakanya ang notes ko.
“Hahaha, sige boss. Salamat, hulog ka talaga ng langit!”
Matapos ang pag-uusap ay umupo na lang ako at naglabas saglit ng cellphone, panandalian akong nag-bukas ng mga social media accounts ko at nag-s’scroll lang sa f*******: nang biglang mag-pop ang GC namin sa Lathala.
Azi: Good morning, attention Lathala writers and editors, meeting mamayang lunch sa office. Required kayong lahat na pumunta, mabilis na announcement lang, may pag-uusapan tayo.
Jace: h1 l0d1, p4an0 kun6 h1nd1 m4k4pUnt4h?
Azi: Putangina mo, Jace. Pupunta ka o sasabihin ko sa shota mo na may pinopormahan kang freshman?
Jace: Luh gago, ba’t ka naman nang-e’expose dito? Pupunta na nga eh, parang binibiro lang.
Azi: *unsent a message*.
Azi: Okay, deal sealed. Pumunta kayong lahat ah. Thanks.
Paniguradong magpapagawa siya ng mga articles sa amin at mag-a’assign siya ng mga anggulo na tututukan namin. Ganun naman ang sinabi niya sa akin noong napag-usapan namin ang team. Tsaka ganun naman siya kada Saturday, publication at school paper lang ang pinag-uusapan namin sa loob ng organization at wala nang iba pa. Sa mga nagdaang lingo na kasali ako sa org ay napansin ko ring hands on siya sa pagiging estudyante, acads man o extra-curricular. Paniguradong dean’s lister siya at halata namang running for latin honors ang isang ‘to. Hay, sana all.
Matapos lang ang ilang minuto ay tinago ko na ang cellphone ko at nakipag-chismisan nalang sa mga kaklase ko habang hinihintay ang prof namin sa first subject.
“Grabe, nabalitaan niyo ba si Kleia tsaka si Harvey? Yung mag-jowang tourism tsaka archi? Gago, break na daw, grabe. Ito kasing si boy, nakipag-chukchakan daw sa kaklase niya sa inuman.”
“Ay oo, te. Tsaka alam mo ba, ang sabi pa sa akin. Matagal na raw talagang niloloko ni boy itong si ate tourism. Grabehan, sayang sila, dalawang taon rin sila no.”
Samu’t-saring issue ang nalalaman ko mula sa kanila. Mayroon pa nga silang kwento na may graduating student daw ang nabuntis ng jowa niyang ka-batch lang namin. Hay, ebargs.
Ilang sandali lang rin ang lumipas at dumating na si Prof Villanez at gaya lang rin ng dati ay natahimik at naging attentive ang lahat. Iba talaga ang dating ni sir. Parang mafia boss lang ng campus.
Tipikal lang naman ang nangyari, discussion at kaunting recitation lang ang ginawa namin. Nagpagawa rin siya ng short activity para malaman kung naiintindihan ba namin ang lesson niya o hindi at matapos ang klase niya ay agad niya na rin naman kaming dinismiss.
Tipikal na buhay college lang naman ang buong araw ko, klase dito, klase doon. Wala namang bago, nadadagdagan lang talaga ang mga ginagawa ko kapag may practice sa glee club o kaya sa pagsusulat ng weekly articles na tungkol lang naman sa mga update ng course ko na inuupload pala sa f*******: page ng HTU.
Habang naglalakad papunta sa susunod kong klase ay bigla na lang akong kinalabit ng kaklase ko at kinausap na parang kinakabahan o ewan.
“Elaine, hinahanap ka ni sir Villanez. Balik ka daw saglit sa room niya.” Sabi nito na parang may nakausap na multo.
“Ha? Eh bakit daw?”
“Hindi ko alam, lods. Punta ka na dun, hinahanap ka niya eh. Ang seryoso ng mukha, gagi. Anong nagawa mo?” Pananakot nito na may halo ring pangamba sa mukha niya na hindi maipaliwanag kung para sa akin ba o sa sarili niya dahil kinausap siya ni sir at baka malate siya sa next class niya.
“O sige sige, salamat Axis.”
Mula sa direksyon ko ay bumalik ako papunta sa klase ni sir. Hindi ko rin alam kung ba’t niya ako pinapatawag. Syempre kabado bente rin ako pero kinakalmahan ko lang dahil baka may i-uutos lang siya sa akin o kung ano man. Iniisip ko rin kung may mga bagsak ba ako sa klase niya pero habang mas nalulunod sa mga tanong ay mas nangangailangan ako ng sagot.
Nang makarating sa classroom ay kumatok muna ako bago tuluyang pumasok. Hay, eto na ‘to.
“Hello sir, good morning po. Pinapatawag niyo raw po ako?” Magalang at kalmadong tanong ko habang nakatingin sa kaniyang naghihintay at naka-krus ang mga kamay sa harap ng dibdib niya.
“Ah yes, Miss Barbacena. I just want to applaud you.” Diretsong sabi nito na may halong tuwa sa boses ngunit seryoso ang mukha at madilim ang mga mata.
“Sir? Bakit po?” Tanong ko dahil kailangan ko ng assurance.
“Your performance is great at matiyaga kang mag-aral. I just hope that you continue being like this and I hope you inspire other students to be like you.” He said and smiled at me.
Wow, shet, legit ba ‘to? Cinompliment ako ng isa sa mga pinaka-terror naming prof. Tsaka nginitian niya ako! Hay, ang gwapo pala ni sir kapag nakangiti. Mas bagay niya yun kaysa sa laging seryoso.
“Naku, salamat po sir.” Sabi ko sabay ngiti na lang rin pabalik sa kaniya na syempre, may halong hiya.
“Sige, pumasok ka na sa susunod na klase mo, baka ma-late ka. I’m rooting for you, Miss Barbacena.” He said na tinanguan ko na lang at nagpaalam na lalabas na at papasok na sa klase.
Paglabas ng classroom ni sir ay nakahinga ako ng maluwag at hindi ko maiwasang mapangiti. Grabe, kahit papaano pala ay may nakakapansin at nakaka-appreciate sa mga effort ko kahit na first semester palang naman. Nakakagalak ng puso.
Nagmadali naman akong pumunta sa second class ko at salamat sa Diyos dahil wala pa naman si ma’am. Hindi nalang rin ako nag-aksaya ng oras sa cellphone o kausapin ang mga kaklase ko at hinitay nalang si prof na dumating na rin naman matapos lang ang ilang minuto.
Mabilis lang na tumakbo ang oras at natapos rin agad ang second class na nangangahulugang lunch na at kagaya lang rin ng dati ay pupunta lang ako sa 7/11. Ang dakilang tambayan.
Ngunit habang naglalakad palabas ng campus ay may sumigaw ng pangalan ko sa pamilyar na boses.
“Elaine!” Sigaw ni Azi mula sa likod na agad ko namang nilingon.
“Uy kuya.” Bati ko at tumigil habang pinapanood siyang lumapit sa akin.
“Pupunta ka ba sa 7/11? Tara sabay na tayo, dun din ako mag-b’break eh.” Sabi nito sabay hawi sa buhok niyang nagulo ng hangin.
Ang gwapo, wow. Pwede ata ‘tong mag-model eh?
Sinang-ayunan ko nalang siya at sabay kaming maglakad papunta doon.
“Grabe, nakakapagod mag-Engineering!” Biglang reklamo niya sakin habang naghahanap ng makakain.
“Kuya, kahit nakakapagod, kayanin mo, isang taon nalang rin naman at graduating student ka na.” Sagot ko sakanya at kumuha ng sandwich pati na rin ng pocari.
“Tangina kasi, hindi ko rin alam kung ba’t ko pinili ‘tong course na ‘to eh bobo naman ako.”
Parang napintig ang tenga ko sa sinabi niya. Siya? Bobo? Sino bang niloloko niya?
“Ha? Bobo ka pa pala sa lagay na ‘yan kuya?” Sarkastikong tanong ko sa kaniya na tinawanan na lang niya.
“Ano ka ba, syempre ‘no. Kahit gaano ka karunong, magiging bobo ka pa rin talaga lalo na kung mahirap talaga.”
Sabagay, may point naman siya.
“Kahit sabihin mo sa akin ‘yan, alam ko namang kakayanin mo pa rin. Sus, basic lang ‘yan sa’yo. Kahit magpustahan pa tayo.” I confidently said.
“Aba? Sige, battle pass dalawang season ah. Pag may bumagsak akong quiz, ililibre mo ako ng battle pass sa CODM ng dalawang season.” Parang batang sabi niya na tinawanan nalang naming dalawa.
“Naglalaro ka pala ng online games? Grabe, hindi ko expect ah.”
“Anong hindi expect? Mukha ba akong academic geek 24/7?”
“Hindi, mukha kang adik 24/7.” Natatwang sagot ko.
Sinamaan niya ako ng tingin na ikinatawa ko na ng tuluyan.
“Luh, bastos kang bata ka ah.” Sabi niya na itinawa ko nalang ulit.
Komportable siyang kausap na para bang kakilala ko na talaga siya kahit iilang linggo palang naman noong nagsimula kaming magkausap. Dumadaldal rin siya ng kung ano-ano tungkol sa course niya at nagrarant pa nga sa mga professor niyang wala daw awa kung magpagawa ng mga assignment at activities. Samantalang nakikinig lang ako sakanya at nagbibigay lang ng side comments kung minsan.
“Eh gago kasi yung prof na yun, kumpleto pinasa ko tapos sasabihin sa’kin na kulang daw ng lima?!”
“Kalmahan mo, kuyacakes. Yung puso mo.”
“Na sa’yo.” Pang-aasar niya na tinawanan ko na lang.
Hay, siraulo.
Matapos kumain ay bumalik na kami sa campus at kagaya lang rin ng araw-araw na ginagawa ay balik na kami sa klase hanggang sa matapos ang mga ito at tumunog ang bell na hudyat na lunch na.
Karamihan sa mga estudyante ang lumalabas ng campus para mag-lunch dahil marami namang fast food chains at mga karinderya sa malapit.
Pero bago bumili ay binuksan ko muna ang phone ko para mag-update sa GC na bibili muna ako ng lunch at kakain nalang sa office pagkatapos ng meeting.
Elaine: Hello po, good noon. Bili lang po ng lunch then kakain nalang po after ng meeting. Salamat po.
Jace: Hello, Elaine. Pwede ba kitang yayain?
Elaine: Hi po, saan?
Jace: Sa simbahan tapos ituloy na natin sa kasalan.
Lian: Ulol Jace, landi mo na nga, jeje ka pa, yuck.
Azi: Sagwa mo Jace, pati mukha mo masagwa.
Kim: Kadiri ka Jace, maawa ka naman.
Jace: Aba, hayop kayo ah, tangina, suntukan tayo.
Natawa nalang ako at napa-iling sa usapan at pumunta nalang sa malapit na Jollibee para umorder ng kakainin.
Dahil malapit lang ay mabilis lang akong nakarating at agad na pumila. Medyo mahaba pa nga ito dahil karamihan sa mga customer ay mga college students pero agad rin naman akong naka-alis dahil take out ang order ko at bumalik na agad sa campus.
Pagdating sa office ay halos kumpleto na ang lahat. Dun ko nakita ang mga kasama ko sa publication na every week kong nakikita. Ang iba nga sakanila ay famous pa kagaya ni ate Kim na Campus BeauContest-era at si Jace na kilala dahil sa charm at itsura niya.
“Hi Elaine!” Bati sa akin ni Jace.
“Hello po.” Bati ko rin pabalik sabay ngiti.
“Kain ka na, baka malipasan ka pa, hindi maganda yan” Malambing na sabi niya.
“Yuck, kadiri ka Jace, gago may shota ka na.” Sabi ni kuya Vince habang nandidiri ang mukhang nakatingin kay Jace.
“Oo nga, Jace. Lubayan mo naman yung bata, gusto niya lang umupo at mag-attend ng maayos eh, baka masuka pa yan sa’yo.” Singit naman ni ate Coleen na galing sa nursing department.
“Aba’y gago pala kayo eh.” Sagot ni Jace at nilapitan silang dalawa para makipag-away.
Napa-iling nalang ako at nagsimula nang magbilang ng kung ano-ano habang naghihintay sa mga kasama pa namin na agad rin namang dumating.
“Okay, so dahil kumpleto na tayo, gusto ko lang paalalahanan kayo lalo na yung mga senior diyan na may mga freshman at junior dito kaya maging mabuti kayo ha, wag niyong molestyahin.” Nagbibirong sabi ni Azi at tumingin kay Jace na ngayon ay nagtataka at nagrereklamo.
Natawa nalang ang lahat at sabay-sabay na tumingin kay Jace na pilit na dinedefend ang sarili.
“Luh, di ako manyak!” Sigaw niya na lalo lang naming ikinatawa.
“So, nagpatawag ako ng meeting dahil magkakaroon tayo ng social gathering activity this coming Friday at kailangan kong ipaalam sa inyo na if’feature natin ‘to sa monthly paper natin. Isesend ko nalang ang mga parts niyo mamaya sa GC, except sa dalawang photojournalists nating sina Vince at KC.” Sambit ni Azi habang iginagala ang mata sa bawat isa.
“Lahat ba required, Azi? Paano yung mga sports writer, ganun?” Tanong ni ate Coleen.
“News, feature, at editorial writers lang ang required na sumulat ng articles. Yung iba ang magt’type at yung layout editors natin ang mag-aayos sa dyaryo. Ipasa niyo yung articles niyo sa GC ng maaga para ma-check na namin ng mga proof readers, oks? Gets ba?” Malumanay na sabi ni Azi na sinang-ayunan lang naming lahat.
Yun lang naman ang naging announcement at pina-alis na niya ang iba pero naiwan ako sa office dahil napag-desisyunan kong doon nalang mag-lunch. Napansin ko ring hindi umalis si Azi kaya tinanong ko siya.
“Hindi ka mag-l’lunch kuya?”
“Ilalabas palang, kalma.”
Napansin kong naglabas nga siya ng lunch box at nagsimula nang kumain.
Tahimik lang kami at walang nagsasalita, kaming dalawa lang rin ang naiwan dito kaya medyo awkward pero agad niya namang binasag ang katahimikan.
“Pasensya ka na kay Jace, ah? Malandi talaga yung hayop na yun eh.”
“Okay lang po, sanay na.”
“Sanay? So maraming lumalandi sa’yo?”
Gulat akong tumngin sa gawi niya at nakitang abala siya sa pag-kain.
“Tamang hinala ka ah, hindi naman. Marami lang gustong kumausap.”
“Na lalaki?”
“Oo.”
“Ah, so lumalandi nga.” Natatawang sabi nito na inilingan ko naman agad.
“Luh, landi ba yun?” Tanong ko sa kaniya at sumubo ng pagkain.
“Oo.” Mabilis na sagot niya.
“Ah, so nilalandi mo ako?” Balik tanong ko kaya naubo siya at tumingin sa gawi ko.
“Gago.” Sagot nalang niya kaya natawa ako at tinapos ang pagkain ko.
Matapos kumain ay hinintay ko lang siyang matapos at sabay kaming lumabas.
Sabay na rin kaming naglakad paalis sa office at tahimik lang kami nang bigla siyang magsalita.
“Eh paano kung landiin kita?” Tanong niya na halata naming nang-aasar lang.
“Gago.” Sagot ko nalang na itinawa naming dalawa.
Hay, ano bang nasa isip niya?