Chapter 1

2400 Words
“Grabe ang init, tara nga Elaine, daan muna tayo sa 7/11, hindi pa naman tayo late eh. Grab lang tayo ng softdrinks!” Masayang yaya sa akin ng kaklase ko sa first subject na si Raine. Sa kada araw na ginawa ng Diyos, hindi na nawala ang init, kahit na tag-ulan na ay nandito pa rin si haring araw at ipinapamalas ang init na kaniyang dala. Grabe, ano pa nga bang bago? Eh nasa Pilipinas nga pala tayo. Mabilis lang rin akong tumango at sumang-ayon kay Raine, hindi pa naman time at malapit na lang rin naman ang University sa convenience store, kaya ayos lang kung bumili kami saglit ng maiinom dahil maliban sa sobrang init ay uhaw na rin ako. “Natapos mo na ba yung pinapagawang project ni sir? Eh yung tungkol sa quiz ngayon? Natapos mo na ba?” Sunod-sunod na tanong niya habang pumipili ng softdrinks sa refrigerator. “Yung project? Hindi pa, due palang naman nun next week eh. Tsaka yung quiz? Oo, nakapag-review ako. Ikaw ba, te?” “Ay wew, sana all. Baka ‘yan dean’s lister ng Bayan?” Natawa nalang ako sa sinabi niya at napailing sabay kuha ng canned coffee. Sabay na rin kaming pumunta sa may counter at matapos naming bayaran ang mga pinamili namin ay lumabas na kami roon para lakarin ang natitirang distansya mula dito hanggang sa University. Wala pang labing-limang minuto ay nakarating na kami dito. At kagaya nga ng sinabi ko, kaklase ko si Raine kaya iisa lang rin kami ng classroom na pinasukan. Pagpasok sa classroom ay agad na bumugad ang mukha ng mga kaklase namin, tipikal lang naman sa loob. Mga kaklase at ang kanilang mga dala, may nagkakape sa gilid at may naglalaro naman ng baraha sa harap. May natutulog rin sa sahig at may nagchichismisan sa bawat parte ng paligid. Second year palang naman ako kaya ganito ang set up, pero kumpara sa nakaraang taon ay mas strikto at mas marami na ang mga projects na ginagawa namin lalo na’t nasa Accounting ako. “Uy Elaine, nakapag-review ka ba? Baka naman pwedeng patabi mamaya oh, pakopya lang sana.” Nakangiting sinabi sa akin ni Brendon, kaklase kong halos walang ibang ginawa sa buhay kundi tumambay sa mga bilyaran o kaya naman ay makipag-inuman. “Pasensya ka na Brendon ah? Pero hindi kita mapapakopya, alam mo naman si Prof Villanez, strict and observer, baka mahuli tayo chong, goodbye third year tayo.” I apologetically said while smiling. “Hay, sige boss ah, bawi ka next time sakin!” Nakangiting sambit niya pabalik at lumipat sa ibang upuan para humanap ng makokopyahan. Napailing nalang ako at inilabas ang libro ko sa Accounting 3 para mag-quick scan at para na rin i-review ang important details na paniguradong lalabas mamaya sa quiz. Grabe, nakakapagod at medyo nakakasakit ng ulo, pero kung para naman sa magandang buhay, oh edi g. Ilang minuto lang rin ang lumipas at dumating na si Professor Villanez na naging dahilan ng pagtahimik at pagiging alerto ng lahat. Ang iba nga ay hindi makatingin ng diretso sakanya dahil maliban sa intimidating niyang aura ay isa rin siya sa mga pinaka-terror naming prof ngayong year. Bali-balita pa nga na nagbibigay siya ng singko kapag minsan. “Good morning.” He said with a cold tone in his voice. “Good morning sir.” We all greeted. Grabe ang presensya niya, napapatahimik ang lahat kahit na walang siyang gawin o sabihin. “I’ll give you 5 minutes to prepare everything you need for our quiz and then we will continue to proceed. Just like before, I don’t accept any erasures and if I see someone cheating, they’ll automatically receive a failing grade.” He said and left us for a bit. Dali-daling naglabas ang mga kaklase ko ng yellow pad at ballpen, nagsimula na rin silang magbulung-bulungan at magtanungan na para bang mga bubuyog kami na biglang napakawalan. “Elaine, pst!” Biglang tawag ng kaklase ko na ikinalingon ko naman. “Bakit?” Tanong ko habang patuloy na binubuksan ang pencil pouch ko. “Nareview mo ba yung chapter 3?” Tanong nito sakin na may pangamba sa mukha. “Oo eh, baka kasi sakop. Bakit, ikaw ba?” Tanong ko sakanya pabalik na inilingan niya lamang. “Okay lang yan, tiwala lang, na-discuss na rin naman to sa’tin.” Nakangiting sabi ko sakanya at humarap na sa whiteboard. Sakto ring dumating na si sir na muling ikinatahimik ng lahat. “Okay, we will now proceed.” He said and started with giving out the questions using his own voice dahil dictation ang mode of quiz namin this time. We’re all answering quietly until I heard a calling sound from the behind that made me turn my gaze from my paper to them. “Pare, anong sagot?” Pabulong na tanong ni Brendon habang tinatawag at kinakalabit si Kyle na isa pa naming kaklase. “Pare, hindi ko rin alam. Pasensya ka na, sa iba ka nalang kumopya.” Halata ang pagka-irita sa boses ni Kyle. Para yatang pinipilit lang siya ni Brendon na bigyan niya ito ng sagot. “Anong hindi mo alam? Akala ko bang nag-review ka ha? Ibigay mo na, pare. One time lang naman eh.” Pangungulit pa nito na ikina-iling ko nalang at muling ibinaling ang tingin sa papel ko. Mukhang hindi na yata talaga magbabago ‘tong kaklase ko. Kahit noong nakaraang year ay ganito ang asal niya, tanong dito, tanong doon. Hindi ko nga alam kung paanong hindi pa siya nahuhuli ng mga professor namin, siguro ay sadyang magaling lang talaga siyang magkunwari o di naman kaya ay may iba pa siyang ginagawa para hindi nalang ito pansinin. Hindi naman kasi malabo ‘yun dahil maliban sa kilala ang pamilya nila sa lugar namin ay may maganda ring trabaho ang mga magulang niya. Pero ganun pa man ay hindi ko lang alam, baka may isang prof na mag-lakas loob na itama ang mga maling ginagawa niya. Ilan pang minuto ang itinagal ng quiz at nasa kalahati palang kami, dictation at identification ang quiz ni sir kaya matagal at medyo nakaka-pressure. Sa buong oras na natapos namin ay puro tanong lang ang ginagawa ni Brendon kay Kyle. Kawawa nga dahil wala namang magawa itong isa dahil biktima lang rin naman siya nitong si Brendon. Habang patagal ng patagal ang quiz ay mas marami na ring nakakapansin sa ginagawa ni Brendon pero kagaya ko lang rin ay hindi nalang kami nagsalita dahil baka kami pa ang pagalitan at kami pa ang ma-agrabyado. “Okay, item number 43--- Mr. Brendon Salas can you please stand up.” Naputol ang dictation ni sir nang dahil sa biglaang pagtawag niya kay Brendon kaya nagulat ang lahat at napatingin sa gawi ni sir at kay Brendon na nagtataka at halatang kinakabahan. “Are you the son of Engineer Jerson Salas?” He asked and crossed his arms in front of his chest. “Yes, sir.” Brendon obediently said. “Is that so? Then how are you not ashamed?” He coldly said that made Brendon widen his eyes in shock. “Pardon, sir?” He said in a low voice. “I asked if how are you not ashamed?” He once again asked and straightened his posture. Natahimik ang lahat at kahit si Brendon ay hindi na nakapagsalita. Grabe, kasisimula palang ng semester at ganito na agad ang mga eksena. “Why can’t you answer? Do you really think that I can’t see you cheating and forcing Mr. Paredes to give you his answers?” He said and walked towards Brendon’s chair and walked past me. Grabe, nakakakilabot. Parang may dumaan na multo sa may gilid ko. Pagkarating sa upuan ni Brendon ay agad niyang kinuha ang papel nito at unti-unting pinagpira-piraso na ikinagulat ng lahat. Na ultimo kahit anino namin ay nagulat at bahagyang natakot at nadala sa sitwasyon. “You will receive a failing grade in this quiz and please go to my office after your last morning class. You may now sit down and don’t even bother to answer or ask for forgiveness because I won’t give it to someone like you.” Our professor said na grabe kung makapanindig balahibo. Dahan-dahan nalang ring umupo si Brendon sa upuan niya at halata ang pagsisisi at kahihiyan sa mukha niya. After that, we then continued our quiz and was later done. As we submit our papers, kitang-kita ang pagbasa ni sir sa mga ito. Walang reaksyon, nakakatakot. “To end our class for today, I hope you learn your lesson and I hope you prepare and listen to our discussion next time we have a quiz. That’s it, class dismissed.” Panghuling sabi nito at pinalabas na kami sa classroom. “Grabe, iba talaga si Sir Villanez ‘no? Akalain mo yun, pinunit yung papel ni Brendon tapos sure singko pa. Kawawa, ‘yan kasi eh, hindi nagsisikap.” “Oo nga grabe, paniguradong makakarating yun sa mga magulang niya, ebargs, kilala pa naman sila, hay.” Puro bulong ng mga estudyante mula sa iba’t-ibang klase ang maririnig sa hallway pero mas namumutawi ang usap-usapan tungkol kay Brendon na ngayon ay halatang nahihiya at wala pa sa sarili. Pumasok na kami sa ikalawang klase namin at hindi kagaya ng first subject ay discussion lang ang nagyari na may kaunting recitation. Hindi rin naman ganun kahirap kaya kahit papaano ay nakakasabay naman ako sa lesson. Hindi naman nakakaboring na nagdaan ang mga minuto at matapos ang isa’t kalahating oras ay dinismiss na kami para sa break time. Karamihan sa mga estudyante ang pumupunta sa canteen para bumili ng pagkain pero dahil ayokong makipag-siksikan ay lumalabas pa ako ng campus at pumunta sa 7/11 para bumili ng snack. Mas mahal man ng kaunti ang mga produkto dito, at least hindi ko na titiisin ang init at siksikan sa canteen. Mabilis akong naglalakad papunta sa gate nang bigla akong harangin ng matangkad at maputing lalaki. May maayos na suot at naka-ayos rin ang buhok, may nakasabit rin na I.D. sa kanyang leeg at nakasulat sa I.D. lace nito ang mga katagang “College of Engineering”. “Hi miss, uhm good morning. Matunog ka kasi sa batch niyo at nabasa ko ring dean’s lister ka last year. Baka pwede kitang makausap para sana sa organization naming kung interesado ka?” Tanong nito sabay kamot sa kaniyang ulo. Napakunot naman ako ng noo pero ganun pa man ay sumagot pa rin ako sakanya. “Ah hello po, kuya. Ano po bang organization yan? Pwede naman po nating pag-usapan habang break time pa.” Nakangiting sabi ko na nakapag-paliwanag sa mukha niya. “Ay, talaga ba? Uy, salamat. Sige, usap tayo. Saan mo ba gusto?” Tanong niya sakin habang hawak-hawak ang mga papel na sa tingin ko’y naglalaman ng mga detalye sa offer niya sakin. “Hindi pa po kasi ako nakakakain kuya eh, sa 7/11 po? Okay lang ba?” Balik tanong ko sakanya na tinanguan niya lang. “Sige, sakto hindi pa rin naman ako kumakain, sabay na lang tayo tapos pag-usapan natin.” Muli niyang sabi na nginitian ko lang at sabay kaming naglakad palabas ng campus. Habang papunta sa 7/11 ay dinadaldalan niya ako ng kung ano-ano. Tulad nalang ng sinasabi niya na marami daw siyang nababalitaan sa akin at namamangha daw siya sa pagiging masipag at matalino ko. Hindi naman ako maka-sagot sakanya ng maayos dahil bukod sa hindi ako marunong tumanggap ng mga compliments ay hindi ko rin naman alam ang sasabihin. “Ay, oo nga pala. Ako si Azi, Azi Gerola, third year college, Engineering.” Pagpapakilala niya na sinagot ko naman agad. “Pamilyar po kayo, kuya. Kayo yata yung EIC sa Lathala? School paper ng University?” “Ah oo, alam mo pala.” “Opo eh, Elaine nalang po ang itawag niyo sa’kin, BS Accountancy, second year.” Matapos ang maikling introduction ay nakarating na kami sa convenience store. At kagaya ng napag-usapan ay bumili muna kami ng makakain bago umupo sa may table at pinag-usapan ang offer niya sa akin. Dun ko lang nalaman na may background na pala siya sa akin at may mga kopya siya ng mga articles na ipinasa ko noong senior high school at first year college ako. “Nabasa ko kasi tong mga feature articles mo at nalaman ko ring member ka rin ng school publication team niyo noong senior high school ka pa. At base naman sa mga nakita ko, magaganda at makahulugan yung mga gawa mo. Kaya gusto sana kitang offer-an na sumali sa Lathala bilang feature writer? Kung ayos lang sayo?” Tanong niya sa akin. “Hindi po ba makaka-abala yan sa schedule, kuya? Paano po pag tight schedule talaga?” Tanong ko dahil knowing me, acads muna bago extra-curricular. Hello, gusto kong makakuha ng latin honors ‘no. “Hindi naman, basta may weekly meetings lang tayo at may submission lang ng articles every week tapos kada may event, i-a’assist ko kayo sa mga tututukan niyong anggulo.” Nakangiting sabi nito na tinanguan ko na lang. Magandang opportunity to para mas lalo akong mag-improve sa writing tsaka maganda an rin ‘to para may libangan at iba akong pagkabusy-han sa buhay. Plus, dagdag rin to sa grades ko kung sakali, so I guess I’ll say yes? Ilang minute ko munang inisip ang offer niya at napag-desisyunang sumali. Wala rin naming mawawala kung susubok ako, hindi ba? “Hmm, osige po kuya. I’ll gladly accept the offer. Pero wala na ba kayong kailangang requirements? Usually po kasi kailangan pang mag-pass ng articles, hindi ba?” Tanong kong muli na inilingan niya agad. “As I have said, I already saw your articles, there’s no need for you to submit one.” Grabe, brainy. No wonder kung bakit siya ang EIC. Matapos ang usapan tungkol sa offer niya ay nag-kwentuhan muna kami saglit bago kami umalis at pumasok ulit sa campus. “Sige, Elaine. Salamat! See you, ingat!” He said and walked the other direction. Hay, ano ba ‘tong pinasukan ko?  Can I even survive?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD