Prologue

1934 Words
“Ano ba naman yan, Elaine?! Napag-usapan na natin ‘to hindi ba? Ano na naman to?!” Malakas na sigaw ang isinalubong niya sa mukha ko kasabay ng hindi mapakali at ‘di matawarang reaksyon na nakapinta sa mukha niya. Nakahawak rin ang dalawang kamay niya sa braso ko na tila baa yaw niya akong pakawalan dala ng pag-aalala. Kagaya lang ng dati, away na naman ang uwi namin. Nakakapagod, nakakaumay, nakakasawa at nakakawala ng gana. Kasabay ng pag-aaway namin ay ang malakas na pagpatak ng ulan at ang malakas na sigaw ng mga kulog na namumutawi sa lugar namin. Para bang sinasabayan kami ng panahon, dahil kagaya ko at kagaya ni Azi, galit rin ito at pabugso-bugso. “Azi naman, hindi mo pa rin ba maintindihan hanggang ngayon?! Kailangan ko pa bang ipaliwanag sa’yo lahat ng isa-isa ha?!” Sigaw ko sakanya pabalik na nasundan ng malakas na pagkulog at pagkidlat mula sa kalangitan. “Elaine, napag-usapan na natin ‘to eh, hindi mo kailangang gawin ‘to. Tsaka bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Nandito naman ako palagi ah, wala na lang ba ako ngayon sa’yo?” Tanong niya habang nangungusap ang mga mata at bakas ang pangamba sa kaniyang mukha. Nakaka-estatwa, nakakabobo at higit sa lahat, nakakabaliw na isiping ano na nga ba siya sa akin? Hindi ko alam kung bakit humantong sa ganito gayong maayos naman kami at wala naman kaming problema sa isa’t-isa. Nakakamanhid. Nakakamanhid dahil hindi ko mahimay at malusutan ang samu’t-saring emosyon na nakapaloob sa akin. Wala akong masabi. Nakakahiya, gusto ko nalang lumubog at maiwan sa kwarto ng mag-isa. “Elaine, sagutin mo ako. Ako ba yung may problema? May nagawa ba ako? Anong pagkukulang ko, Elaine?” Tanong niya habang nakatitig ng malalim sa akin at umaasang sana’y ayos lang kami. “Mahal kita, Ali. Pero hindi ko alam kung anong problema, Azi. Pasensya ka na pero hindi ko talaga alam.” Sambit ko at tuluyan na ngang naluha sa harap niya. Magulo, malabo. Yun lang ang nakikita ko. Hindi ko alam kung bakit ganito pero tila lahat ng problema ay naghahalo-halo na. Parang hindi ko muna kaya. Habang patuloy sa paghikbi at pagluha ay bigla ko nalang naramdaman ang init ng katawan niya. Binalot niya ako gamit ang mga braso niya at hinayaan niyang ibaon ko ang mukha ko sa dibidb niya. Hikbi at ulan lang ang namutawi sa paligid habang yakap-yakap niya ako sa kaniyang mga bisig. Nanatili kami sa ganung posisyon ng ilan pang minuto bago siya bumitaw at pinunasan ang mga luhang pumapatak sa pisngi ko. “Tahan na, Ali. Nandito lang ako palagi para sa’yo. Wag mo nalang ulit ulitin please. Nakikiusap ako sa’yo. Mahal na mahal kita.” Sambit niya habang nakatitig sakin. Tumango nalang ako kahit hindi rin naman ako sigurado sa mga gagawin ko sa mga susunod na araw. Matapos non ay ngumiti siya at muli niya akong niyakap. Kahit magulo ang lahat, nandito pa rin siya para pakalmahin at ibalik ako sa huwisyo, hindi ko alam kung saan kami dadalhin pero sana’y palagi siyang nandiyan. Sinubukan niya akong intindihin at wala nang mas suswerte pa sa akin. Mahal na mahal kita, Azi.     Pilit kong binabalikan ang mga panahong ito, mga panahong hindi pa kami hiwalay, mga panahong kasama ko pa siya lagi. Ang bilis palang lumipas ng panahon. Parang kailan lang nung nayayakap ko pa siya. Pero iba ang isinulat ng tadhana, napakadaya. Parang kalian lang noong kasama ko siya sa campus. Kasamang magtawanan at gumawa ng projects sa coffee shop habang nagk’kwentuhan. Parang kalian lang rin noong hatid-sundo niya ako sa apartment na tinitirhan ko, tinitiis niyang lakarin ang distansya mula sa bahay nila hanggang sa apartment namin para lang masigurado niyang ligtas ako habang papasok sa unibersidad na pinapasukan naming dalawa. Mga magagandang alaala. Sana nga ay ibalik ako sa nakaraan para mas lalo pa kitang makasama. Pagkatapos magmuni-muni ay bumangon na ako at inayos ang kama, may trabaho pa ako ngayon at hindi ako pwedeng magpa-late dahil baka magalit na naman ang boss ko sa trabaho. Mahirap na dahil baka kaltasan niya ang sahod ko o di kaya’y mabawasan ang incentives o credentials ko. Kagaya lang rin ng dati ay mabilis lang akong nag-ayos at sumakay na sa MRT para makarating sa trabaho. Buti nalang at hindi kalayuan kung hindi ay nasesermonan na sana ako ngayon. Habang naglalakad ay nakasalubong ko pa si Helen. Kasama ko rin sa trabaho, mukhang papasok rin siya kaya ngumiti ako at lumapit. “Oh, hi Elaine! Good morning, kamusta ang gising, wala ka pa rin bang lalaki?” Tanong niya sa akin at sumipsip sa binili niyang kape sa malapit na coffee shop. “Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo Helen. Hindi nga ako interesado sa ganyan.” Natatawa kong sabi sakanya na tinaasan niya lang ng kilay. “Jusko naman, Elaine. Bente-sais anyos ka na, wala ka pa ring boyfriend? Sis, hihintayin mo pa bang mag-menopause ka muna bago ka makatikim ng langit?” Pabirong tanong niya na agad ko namang sinuway.   “Hala, huy grabe ka naman, Helen. Hindi naman ako interesado sa ganyan 'no, edi kung dadating, hayaang dumating. Ikaw talaga. Eh ikaw ba? Kamusta naman lovelife mo?” Balik tanong ko sakanya dahil ayokong pag-usapan ang walang kwenta kong lovelife. “Hay nako sis, ako pa ba? Syempre naman may araw-araw na dilig mula kay boyfie. Kaya kung ako sa’yo, wag mong sayangin ang panahon ko at maghanap ka na ng jojowain mo ASAP!” Natawa nalang ako sa sinabi niya at hindi na sumagot pa. Ilang minuto lang rin naman ang lumipas at nakarating na kami sa office. Syempre bati here, bati there, bati everywhere. Umupo na rin ako sa cubicle ko at nagsimula na sa trabaho. Isa akong accounting assistant sa isang malaking bangko kaya naman swerte ako dahil maganda ang environment ko. Pero syempre, hindi naman sa lahat ng bagay ay 5-stars ang rating ko. Dahil may imapktita akong boss na araw-araw high blood. Dinaig pa niya ang kinukumbulsyon sa init ng ulo niya. Pakiramdam ko nga ay kulang siya sa lambing kaya lagi siyang galit. Habang may ginagawa sa harap ng computer ay bigla nalang akong tinawag ng junior accountant namin. Agad naman akong tumayo at pumunta sa pwesto niya para tumulong dahil syempre, baguhan siya at ito ang first time niya sa industriya. “Hello sir, good morning po, what can I help—.” Naputol ang sasabihin ko nang makita ang taong nasa harap ko. Mapungay na mata, gwapong mukha, magandang katawan, at maputing balat. Azi. Halata rin ang gulat sa kanyang mga mata nang makita niya ako, tila ba hindi niya inaasahan ang presensya ko dito. Matapos ang ilang segundo ay tumayo ako ng maayos at inulit ang naudlot kong morning greetings. “Ehem, good morning sir, what can I help you with?” I asked with confidence and humbleness in the tone of my voice. “Ah hello miss, I want to apply for a loan sana.” He answered. Halata pa rin sa mukha niya ang pagiging gulat kaya muli akong pumeke ng ubo para magising siya sa reyalidad. “Ehem, yes sure sir, please follow me.” I said and led the way. Tumango nalang siya sa akin at sumunod sa malapit na table. Nang makarating doon ay umupo ako sabay tingin muli sakanya para alukin siyang umupo sa harap ko. “Have a seat, sir.” I professionally said at inayos ang upo ko. Kita ngayon sa mukha niya na relaxed na siya at hindi na gulat which made me comfortable. Pero grabe ang tadhana. Sa tagal naming hindi nagkikita at sa dami ng pagkakataon, bakit ngayon pa kami nagkita at bakit sa trabaho ko pa? Pero kahit ganun, kailangan ko pa ring gawin ang trabaho ko dahil kung hindi ay baka palayasin ako dito sa bangko. “Okay, I’ll start asking you some details sir. These are needed so that we can finalize the loan that you’re asking for.” I said and he just nodded while his arms are crossed in front of his chest. “So sir, can you please state your name?” I asked even though I obviously know it. For Pete’s sake, he’s my ex-boyfriend! “Come on, Elaine Ferrer Barbacena, you know my name.” He said in a playful tone kaya tiningnan ko siya. I was stunned when I saw that he’s grinning but I kept it professional and smiled back at him. “Sir, can you please just answer each question properly so that we can process your loan?” I asked nicely. “Okay sure, miss accountant.” After that, I asked several questions for him to answer. Some were even intriguing to me. “What’s your relationship status, sir?” I asked him innocently. But deep inside, gusto ko talagang maki-chismis kung ano na nga bang standing niya sa buhay. “Widowed.” He seriously said na ikinagulat ko.  Hindi ko naman nabalitaang kinasal ‘to ah? “Just kidding, I am single.” He said and once again, smiled at me. He seems to be enjoying this, huh? How can he be this comfortable when he just saw me today after not seeing for almost 3 years? “Eh ikaw, Elaine? What’s your relationship status?” He asked me kaya napatingin ako sa gawi niya at ngumiti. “That’s out of our business here sir. Shall we proceed?” I asked politely na medyo tinawanan niya lang at sinagot ng, “okay.” Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na kami, na-finalize na rin ang loan na kailangan niya at dun ko nalamang ipinasuyo lang pala ito sakanya ng kapatid niya. Matapos na maibigay sakanya ang pera ay umalis na siya kaya bumalik na rin ako sa loob ng office para magpahangin at syempre para rin makahinga ng maluwag mula sa mga pangyayari. “Hoy sis, sino yung kliyente mo kanina? Ang gwapo at ang daddy ha!” Bungad sa akin ni Helen habang sinusundot-sundot pa ang tagiliran ko. “Ah yun ba si sir? Aba malay ko, ngayon ko lang siya nakita.” Pagsisinungaling ko sakanya. “Eh ma’am, bakit parang gulat na gulat kayo nung nakita niyo si sir?” Singit naman ni Kath, yung junior na tinulungan ko sa pag-asikaso kay Azi kanina. “Oh, gulat pala ha. Sino yun? Boyfriend mo yun ‘no?” Tanong ni Helen sa akin na agad kong inilingan. “Helen, anon a naman ba yang nasa utak mo, kakilala ko lang yun nung college, wala nang iba.” Patuloy na pagsisinungaling ko sakanya na hindi naman niya pinaniwalaan. “Imposibleng kaibigan lang, naka-chukchak mo ba yun noon?! Grabe sis! Jackpot yun ah!” Excited na sabi niya na inilingan ko na lang. “Hay nako, bahala ka.” Sabi ko nalang at bumalik na sa trabaho. Ilang minuto lang rin ang lumipas at lunch time na. Kagaya ng dati ay mag-isa akong lumabas at humanap ng makakainan sa malapit. Habang naglalakad sa gilid ng daan ay bigla nalang may tumigil na sasakyan sa may kanan ko kaya natigilan ako. Bumaba rin ang bintana ng sasakyan at dun ko nakita ang mukha ni Azi. Gulat ko siyang tiningnan na ikinangiti lang niya. “Now that we are out of our business, can we talk?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD