Ng umagang iyon hindi ko inaasahan ang pagsundo sa akin ni Apollo. Pero mga limang minuto pa ang layo sa bahay naman kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan, ayaw ko pa siyang makita ni Lola, hindi pa ako handa.
“Good morning.” Nakangiti kong bati sa kanya ng makaabot ako sa kinaroroonan niya.
“Good morning my girlfriend.” Sagot ni Apollo sabay bukas ng pinto ng sasakyan para sa dalaga.
“Pasensya na kung naghintay ka sa malayo.” Hinging paumanhin ni Carolayn habang kinakabit ang seatbelt nito.
“No worries, I understand u babe” nakangiting saad ng lalaki pagkatapos pinaadar na ang sasakyan.
Nakangiti lamang sila sa bawat isa habang nasa loob ng sasakyan. Naron kunin ng lalaki ang kamay ni Carolayn at pinakawalan ng mga masusuyong halik. Umaapaw sa kilig ang kanyang puso sa tuwing ginagawa ng lalaki yon, pakiramdam niya nererespito siya ng lalaki. Hindi pa nga sila nagkiss, pero, if ever na mangyayari yon syempre kailangan paghandaan ni Carolayn, dahil nakakahiya man aminin wala pa siyang karanasan. Si Apollo palang ang unang boyfriend niya.
Pagdating nila sa school marami ng studyante pero wala silang pakialam habang naglalakad sa hallway na magkahawak ang kanilang kamay. Sari-saring komento ang narinig ni Carolayn sa bawat studyanteng nadadaanan nila. May natutuwa at meron din hindi, pero daig ang hindi masaya sa kanilang relasyon. Pero laging sinasabi ni Apollo sa kanya na pabayaan na lamang niya, wala siyang dapat ipaliwanag sa mga ito. Kung kaya nakaramdam ng lakas ng loob si Carolayn dahil sa mga sinabi ni Apollo.
____
“Anong klaseng mga tingin yan,,?” Sita ni Apollo sa dalawa ng dumating siya sa canteen.
Isa-isang nilapag ng dalawa ang susi ng kanilang mga sasakyan sa table.
Malawak ang ngiti ni Apollo habang kinuha ang mga susi. Again, nadagdagan ang collection nito. Natatawa siya sa dalawa parang pinagkaitan ng tadhana ang mga mukha.
“Ibang klase karin Broh, isang araw palang ang pustahan natin tinapos muna agad, kala ko pagsasawaan ko na muna ang sasakyan ko” napapa kamot sa ulong si Kent.
“Bye-bye to my favourite car.” Si Leo
“I told u guys, kaya sa sunod huwag niyo akong hamunin dahil panigurado matatalo na naman kayo. Tumatawang wika ni Apollo naupo sa bakanteng silya saka sumubo ng french fries.
“But never mind broh, it's nothing to me, bibili nalang ako ng bago.” Mayabang na saad ni Kent.
“Me too, pero kailangan ko pang magsinungaling kay dad para mabilhan ako.” Si Leo.
___
Mag isa lamang si Carolayn kumakain sa kanyang tambayan dahil nagsabi sa kanya si Apollo na hindi ito makakasama dahil may pupuntahan kasama ng mga kaibigan nito. Kaya loner siya ngayon, pero okay lang, di naman siya ganun ka nagger na gf upang pagbawalan si Apollo sa personal na life nito.
Bumalik na sa room si Carolayn pagkatapos niyang kumain. Nadatnan niya ang tatlo tila nagkakasayahan dahil sa malakas na tawa ng mga ito. Pero humina ang kanilang halakhak ng makita nilang pumasok ako.
Nakangiting nagpatuloy ako sa loob ng magtama ang paningin namin ni Apollo.
“Hi babe, ur here.” Sinalubong siya ng lalaki.
“Yeah katatapos ko lang kumain sayang wala ka.” Saad ko. Dumeretso ako sa upuan ko.
“Don't worry babe marami pa naman nextime.” Nagkantiyawan ang mga kasama ni Apollo. Naiilang na ngumiti si Carolayn sa mga ito. Naupo sa katabing upuan ang lalaki.
“Shut up guys, ang ingay niyo.,!” Sita ni Apollo sa dalawa pero nginisihan lang siya ng dalawa lalo na si Kent kung makasigaw wagas mabuti nalang wala pa ang teacher nila. May iilan din student sa loob pero wala itong pakialam sa kanila dahil may sariling mundo rin ang mga ito.
“Huwag mo na pansinin ang mga ug*k na yan, babe.” Sabi ni Apollo.
“Okay lang sanay naman na ako sa kanila. Ani Carolayn. Inilabas niya ang notebook nito habang si Apollo nasa tabi niya nakibasa narin sa notes niya.
Mabait naman ang kaibigan ni Apollo kaya walang problema si Carolayn sa mga ito.