____
Katulad ng nakagawian Masayang kumakain si Carolayn at Appollo ng tanghali iyon sa isang sulok. Nagbaon siya ng marami para hindi na sila pumunta ng canteen ni Appollo. Pinagluto siya ng marami ng kanyang lola para magbigay siya sa nasabing kaibigan nito.
“I think, while ur here my food is free.,,” saad ng lalaki sa kalagitnaan ng pagnguya nito.
“Oo naman, walang problema at masaya akong nagustuhan mo ang mga pagkain dala ko, kaya palagi kita pagdadala, kahit hindi kana magbaon.,,” masayang wika ni Carolayn bago sumubo ng pagkain nito.
“Later pwede ba kitang yayain lumabas,,?” Tanong ng lalaki.
Sandaling tumigil sa pagnguya si Carolayn ng marinig ang sinabi ng lalaki.
“What time,?”
“After ng klase natin, Okay lang ba sayo?”
“Sure maaga pa naman kaya okay lang.,,saan ba tayo pupunta?” excited na tanong ni Carolayn.
“Surprise basta malalaman mo rin mamaya, for sure u will like it.,,”
“Basta hindi tayo mapapahamak ha.” May pagbibirong wika ni Carolayn.
“Of course not.,,”nakitawa rin si Appollo at pinagpatuloy ang pagkain.
____
Sa isang Park dinala ni Apollo si Carolayn, pero ganun pa man tuwang-tuwa siya dahil maganda ang kinaroroonan nila, para siyang nakawala sa hawla habang pinagmamasdan ang paligid. Hindi lamang sila Ang naroon kundi maraming tao na nagkalat ng ganong oras.
“Ang ganda dito Apollo, ngayon ko lang napuntahan ang lugar na ito.” Nakangiting saad ko ng nasa upuan na kami. Humarap ako sa malawak na dagat sabay pikit ng aking mga mata at huminga ng malalim. Pakiramdam ko nawala lahat ng mga bagay na bumabagabag sa aking isipan. Ramdam ko ang Malamig na simoy ng hangin na dumadapo sa aking balat. Sana sa lahat ng pagkakataon ganito ang nararamdaman ko. Anang isip ni Carolayn.
Makalipas ang ilang segundo idinilat ko ang aking mga mata at nahuli kong nakatitig sa akin si Apollo kaya mabilis akong umayos ng upo dahil nakaramdam ako ng ilang.
“Pasensya na Apollo nawili lang ako sa ganda ng tanawin dito.”Naiilang na Wika ko.
“I'm glad u liked it.,,”Nakangiting turan ng lalaki.
“And, by the way kaya tayo nandito dahil may sasabihin ako sayo Carolayn.” Biglang sumeryoso ang mukha ng lalaki.
“Ano yon,?”Kinakabahang Humarap si Carolayn sa lalaki habang hinihintay ang sasabihin neto.
Kinuha ng lalaki ang kabilang kamay ni Carolayn.
“I like u, can u be my girlfriend,,?Walang paligoy-ligoy na wika nito.
Napanganga si Carolayn sa tinuran ng lalaki, hindi siya makapaniwala sa pagtatapat ng lalaki. Totoo ba itong sinasabi ng lalaki. Kinurot niya ang sarili.
“Aray! Daing niya pagkatapos kurutin ang sarili. She's not imagining.
“Why did u hurt urself?” Nagtatakang tanong ng lalaki.
“Sinusubukan ko kung nananaginip ba ako,pero hindi.,”
“Of course, it's true, kahit ako pa mismo ang kurutin mo.” Natatawang wika ng lalaki.
“I'm sorry kung nabigla kita, but, I liked u kahit kahapon lang tayo nagkasama, pero ang totoo matagal na kitang gustong lapitan.”Saad nito muli.
Abot tenga ang ngiting sumagot ng Oo si Carolayn.
“So, means tayo na,?”
“Oo appollo.,,”Masyang sagot nito.
“Thanks, Carolayn masayang masaya ako na gusto mo rin ako.,,from now on ur my girlfriend and I'm ur boyfriend.” Masyang nagyakapan ang dalawa.