Getting to know more ❤️❤️❤️

925 Words
Napagpasyahan nina Trevor at Macy na lumabas para makita ang ganda ng paligid. Naka-auto pilot naman ang yate ng binata kaya walang problema. Solo nilang dalawa ang yate kaya hindi na nito kailangan pang imaniobra pa ito. Are you enjoying babe? I was so happy na andito ka. Hindi ko talaga alam paano nangyari na nakaisip ng ganito ang pinsan ko. I wasn't expecting this to happen pero ang saya ko na andito ka. Wala pa palang signal kaya hindi ko pa matawagan sina nanay na hindi ako makakauwi pa. Ang alam kasi ng nanay ko na papasok ako sa trabaho pagkatapos ko gawin ang pinag-uutos ni Queenie. Nag-aalala na sambit ng dalaga kay Trevor. Huwag ka ng mag-alala nasabihan ko na si Queenie na puntahan ang nanay mo para hindi ka mag-alala. Nang malaman ko kasi siya ang may pakana nito, nasabihan ko na siya agad kasi alam ko na mag-aalala ka talaga. Salamat Trev. Mapapanatag na ako dahil sa nagawan mo na pala ng paraan na masabihan ang nanay ko tungkol dito. Walang anuman babe. Ayoko naman na may iniisip ka habang kasama kita. Hindi ka tiyak mag-eenjoy at ayoko namang mangyari yun. Tara na nga labas na tayo para naman maenjoy ko talaga itong moment na ito. Natupad na ang pangarap ko na makasakay sa yate tapos nakapasok pa ako sa yacht club. Talaga babe? Pangarap mo na makapasok sa yacht club? Tsaka makasakay sa yate? Tanong pa uli ni Trevor sa dalaga. Natutuwa lang siya na natupad nito ang pangarap ng dalaga na makasakay sa yate. Parang gusto na tuloy ng binata na parating dalhin ang dalaga sa yacht club at pasakayin na din ito sa yate niya. Yes Trev, it was a dream come true. Sabihin man nilang mababaw pero isa yun sa pangarap ko. Salamat at natupad. Yumakap pa ito sa binata na ikinagulat naman nito pero gumanti din ng yakap sa dalaga. Are you hungry? I have food inside. Kain tayo, baka hindi ka pa kumakain. Sambit ng binata kay Macy na sinang-ayunan naman nito. Magluluto pa ba tayo? Tanong naman ng dalaga dito. Hindi na, meron ng mga lutong pagkain diyan. I have microwave so initin na lang natin. Ok, kain na nga tayo para makita ko na uli ang ganda ng dinadaanan natin. Ok lang ba na iwanan mo na umaandar ito. Naka auto pilot naman ito. Balak ko na lang kumuha ng kasama pagdating doon. Ipapasunod ko na lang ang kasama ko sa pupuntahan natin para sa pag-uwi hindi naman hassle. Mabuti pa nga kung ganun. Mas makakampante ako kung meron tayong kasama. Gusto kasi kitang masolo kaya hindi na ako nagdala ng makakasama. Sambit na lang ni Trevor na kumindat pa sa dalaga. Aba may paganyan ka na Trev. Huwag ka ngang ganyan. Tatalon na lang ako para wala ka ng kasama dito. Pagbibiro ng dalaga na kinaseryoso naman ng mukha ni Trevor. Yan ang huwag mong gagawin babe. Kung tatalon ka tatalon din ako. Seryosong mukha ng binata ang nakakikita ni Macy na biglang bumulanghit ng tawa. Bakit ka tumawa. Hindi nakakatuwa ang biro mo babe. Supladong saad ng binata. Ito naman ang kj naman. Masyado ng tahimik kaya kailangan naman natin magsaya. Sorry na Trev. Lumapit pa ito sa nakasimangot pa rin na binata. Oyy, Trev hindi ka na mabiro. Hindi ko naman magagawa sayo yun. Hinawakan niya kamay ng binata para pansinin na siya nito. Pinisil naman ng binata ang kamay ng dalaga na nagpapahiwatig na ok na sila. Basta huwag mo ng uulitin yun ha. Hindi kasi nakakatuwa talaga. Hinila na siya ni Trevor at niyakap ng mahigpit. Andito tayo para mag-enjoy hindi para mag-away. Tara na babe, kain na nga tayo. Kung ano na mga iniisip mo eh, although biro lang naman. Initin ko lng food natin. Prepare mo na yung mesa. Sumunod naman si Macy at inayos ang mesa na kanugnog lang ng mini kitchen. Kumuha na siya ng plato nila at kubyertos pati na rin baso. Naghain na din si Trevor at pinagsaluhan din nila ang iba't ibang putahe. Seafoods halos ang nakahain na nagustuhan naman ni Macy. Natatakam na siyang tikman ang mga ito. Pinagsaluhan na ni Macy at Trevor ang pagkain sa mesa. Halos maubos nila iyon. Salamat sa pagkain, nabusog talaga ako. It was a sumptuous dinner. Mabuti naman at nabusog ka babe. Saad naman ng binata kay Macy. May favorite food ka ba? Tanong ng binata sa dalaga na kinakunot ng noo nito. Wala naman akong pinipiling pagkain kasi kahit ano kinakain ko naman. Sagot naman ni Macy dito. Eh ikaw may paborito ka bang pagkain? Balik tanong naman ni Macy. Pareho naman tayo na wala din namang pinipili. Kahit ano lang din. Kung ano ang nakahain kakainin. Kaya siguro bagay tayo babe noh. Nakaakbay na sambit nito sa dalaga. May ganyang linya ka pa talaga Mr. Montecillo ha. Pabirong sambit naman ni Macy. Seriously speaking, gusto kitang makilala ng lubusan kaya natutuwa ako na kasama kita sa isla kung saan kami pupunta na mga miyembro. Pinamulahan naman ng pisngi si Macy sa sinabi ni Trevor. Kinikilig din siya at the same time na gusto siyang makilala nito ng lubusan. I like it when you blush like that babe. You look more beautiful. Tinampal naman ni Macy ang binata para pagtakpan ang kilig na nadarama sa mga sinasabi ng binata sa kanya. Baka mamaya maniwala na ako sa mga sinasabi mo diyan. I am telling the truth babe. Tumitig pa ito sa dalaga para makita nito na sincere siya sa sinasabi niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD