Hindi akalaing sorpresa ❤️❤️❤️

1042 Words
Magsisimula na ang paglalayag nila kaya nagsiakyatan na ang mga miyembro sa kani-kanilang yate. Si Trevor lang ang nakantyawan na walang kasama kaya nauna na siyang umakyat para hindi na siya ulanin ng biro ng mga ito. Nagtaka naman siya ng may makitang isang luggage pagpasok niya sa loob pero hindi na niya muna ito pinansin. Sinimulan na niyang tanggalin ang pagkakatali ng yate niya para makaalis na siya sa yacht club. Sa isang bagong nadiskubreng isla ang punta nila kaya naeexcite na din ang binata, kung sana kasama niya si Macy mas masaya siya. Hindi naman mapakali sa loob ng banyo ang dalaga at mukhang paalis na ang yate. Naramdaman kasi niyang umandar na ang makina nito. Paano kaya siya magpapakita sa may-ari nito ng hindi ito magagalit kasi nakigamit pa siya ng banyo nito. Biglang tumunog ang telepono ni Trevor ng nagsisimula na siyang paandarin ang yate niya. Ang pinsan niya ang tumatawag. O pinsan bakit ka naman napatawag. Paalis na ako. Sagot nito sa tawag. Ganun ba, mag-iingat ka. Nakita mo na ba ang regalo ko. Pinapunta ko diyan. Sambit nito sa pinsan na bigla naman tumahimik saglit sa kabilang linya. Ano na naman ito Queenie ha. May kalokohan ka bang ginawa? Kaya pala nakita ko na may luggage dito sa yate ko. Hindi ko nga muna pinansin kasi baka naiwan lang ng kung sino dito o kaya namali ng inakyat na yate. Hindi pinsan. You have to thank me later. Umalis ka na ba diyan. Paninigurado nito sa binata. Oo nakaalis na ako, I am already far. Hindi na makakalangoy kung sino man ang pinapasok mo dito sa yate ko. Pagbabalikin ko na lang ito. Madami ka talagang alam. Tawagan na lang kita mamaya. Hahanapin ko lang ang sinasabi mo. Baka naman hindi nakasakay yun. Pero kung maganda naman ito pwede kong kausapin lang kasi loyal ako kay Macy. O siya sige na magbubukas na ang bar. Enjoy ka na lang dyan insan. Babush, paalam na nito sa binata bago pinatay ang telepono niya. Hey anybody here. Nakaalis na ako sa pantalan. There is no time for you to swim back. Malayo na ako. Pagsasalita ng binata habang iniikot ang yate niya. Pumasok na lang din siya sa loob ng kwarto niya. Pipihitin na niya ang door knob ng banyo ng nakalock ito. Sino ang nandiyan? Tanong ng binata na nagtataka na nakalock iyon. Although may susi siya hindi na lang niya muna pinihit ginamit at baka may babae ngang pinaakyat ang pinsan niya. May pumipihit na din ng lock nito kaya inantay na lang iyon ng binata. Sorry po. Nakigamit lang po ako. Sagot naman ni Macy na nagulat kung sino ang kaharap. Napamulagat naman si Trevor ng makilala kung sino ang nasa harap niya. Kinusot pa niya ang mata kung talaga bang si Macy ang nasa harap niya. Trev bakit ka andito? Tanong naman ng dalaga dito. Nagulat siya ng bigla naman siya niyakap ni Trevor. Babe it's you. I miss you so bad. Buti nakasama ka. Is this a surprise, dahil kung oo, I am so happy you are here. Pinugpug pa nito ng halik ang dalaga na kinablush naman nito. Inutusan lang ako ni Queenie na dalhin ang luggage ng kaibigan niya dito pero mukhang naisahan ako ng pinsan mo. Hindi ko alam kung ano ang plano niya. Tawagan ko nga muna. Akmang tatawagan ito ni Macy ng kinuha ni Trevor ang telepono nito at siya ang nag-antay kung sasagot ang pinsan. Macy what's up. Sagot naman ng pinsan niya sa kabilang linya. Pinsan napakaganda naman ng regalo mo. Natutuwang sambit naman ni Trevor na umakbay pa kay Macy. Sabi ko sayo pinsan diba. Thank me later. Galit ba sa akin sa Macy? Tanong nito kapagkuwan. Hindi naman pero mukhang nag-aalala. Ako na ang bahala. Puntahan mo muna ang nanay nito para magpaliwanag kasi ikaw naman ang may pakana nitong lahat. Utos naman nito sa pinsan. Oo na, balak ko naman talagang puntahan ang nanay niya. Sagot naman nito sa binata. Dapat lang kasi lagot ka talaga sa akin. Pero. Kidding aside. Thank you so much pinsan. Paano ang damit ni Macy at wala naman itong dala. Lumayo na muna siya sa dalaga na nilibot naman muna ang yate niya. Kaya nga may luggage siyang dala. Nagkunyari lang akong sa kaibigan ko yan pero ang totoo niyan, lahat ng damit na nakalagay sa loob at binili ko para sa kanya. Hindi naman kami nagkakaiba ng katawan, malaki lang talaga hinaharap niya kaya nilakihan ko ang size ng kaunti. Ang galing talaga ng plano mo insan. Maraming salamat. Hindi ko ito makakalimutan. Saad naman ng binata dito. Anong salamat lang, may bayad yan pinsan. All expense paid trip to Paris. Sagot ni Queenie sa pinsan. Napakamahal naman nun. Pero it's worth it kasi andito na ang gusto ko makasama. Salamat talaga insan. Bye na. Huwag mong kalimutang puntahan ang nanay niya ha. Saad niya sa pinsan bago ibaba ang telepono. Babe are you ok? Tanong ng binata sa dalaga na mukhang malayo ang iniisip. Ok lang. Namamangha lang talaga ko at nakasakay na pala ako dito. Sa yate pa na lagi kong nakikita sa tuwing pumapasok ako sa bar. Talaga babe, I am so happy you are here. Niyakap pa nito ang dalaga. Paano na ang damit ko na susuutin ko? Tanong nito kay Trevor na umalis naman saglit sa harap niya. Ito na ang gamit mo. Yung pinadala sayo ng pinsan ko, siya pala ang bumili niyan para sayo. Mga damit yan na para sayo sa byahe natin. Natutuwang sambit ni Trevor na kinagulat ng dalaga. Pinsan mo talaga. Is she playing cupid? Planado niya talaga ito lahat ha. Wala ka bang kinalaman dito? Tanong nito sa binata. Wala akong kaalam-alam dito babe. Kaya nga tinanong ko siya diba. Nagtatampong tinig ng binata. Sorry Trev. Wala naman akong ibig sabihin sa tanong ko. Ano pa nga ba magagawa ko. Hindi ko na malalangoy at malayo na talaga tayo sa pantalan. Are you not happy to be with me? Hayaan mo pagdating natin sa isla pababalikin na lang kita sa Manila. Ito naman tampo agad. Yumakap na lang siya sa binata para hindi na ito magtampo. Lumiwanag naman ang mukha nito na tumingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD