Sailing Day ❤️

1049 Words
Naeexcite na si Macy sa pagpunta sa yacht club. Hindi niya lubos maisip na siya ang pakikiusapan na magdala ng luggage ng kaibigan ng manager/boss niya sa bar. Madami naman itong pwedeng utusan na magdala ng luggage ng kaibigan na naiwan sa bar nito pero siya pa ang napili nito. Masaya naman si Macy at ang pangarap niya na makapasok sa yacht club na iyon ay matutupad. Nalaman daw ni Queenie na gusto niya makapasok sa yacht club kaya natutuwa naman si Macy. Hindi na niya aalamin kung sino ang nagsabi dito pero masaya talaga siya. Medyo may kalakihan din ang luggage pero hindi naman iyon alintana ng dalaga at hindi naman niya bubuhatin iyon. May gulong naman. Parang ang ganda ng ngiti natin ah. Panunukso ni Queenie kay Macy na lalong kinangiti nito. Natutuwa lang ako kasi tinatanaw ko lang ang yacht club dati pero mamaya makakapasok na ako. Makakaakyat pa ako kahit saglit lang. Mababaw na kung mababaw pero masaya lang ako Queenie. Kaya nga nung nalaman ko na gusto mo talaga makapasok doon ikaw na agad naisip ko ng dumaan dito ang kaibigan ko eh. Nagmamadali lang talaga siya kanina kaya nakisuyo sa akin. Sagot naman ng dalaga dito. Salamat talaga. Mga anong ba ako dapat pupunta doon? Pangungulit naman ng dalaga uli. Mukhang atat ka na talaga ha. Sambit naman ni Queenie dito. Medyo lang. Nangingiting sambit naman ni Macy. Mga quarter to six na lang para maabutan mo siya sakali pero kung hindi naman kahit iwanan mo na lang doon. Alam naman nila doon na dadalhin mo yan, na tinuro pa ang luggage na dadalhin nito doon. Ok, pwede bang magbanyo muna. Mukhang haggard na ako eh. Baka madaming mga gwapo doon at makilala ko. Pagbibiro naman ng dalaga dito. Sige, magretouch ka na muna at malapit ka ng umalis papunta doon. Saglit lang naman ako, naiihi na din ako sa excitement eh. Dagdag pa ng dalaga at nagmamadali ng lumabas sa opisina ng boss niya. Tumawag muna si Macy sa ina bago siya pumasok uli sa opisina ni Queenie. Nay hindi na nga ako makakauwi kasi may inuutos pa si Queenie sa akin. Bungad nito sa Nanay niya. Huwag ka mag-alala anak at nakainom na ako ng gamot at vitamins ko. Hindi naman ako pinababayaan ni Dino dito. Sagot naman ng nanay niya. Mabuti naman kung ganun Nay. Aalis na po ako inay. May dadalhin lang ako sa yacht club. Paalam na nito sa ina bago pinatay ang telepono. Sa yacht club naman nagsimula na ang unting salo-salo ng mga miyembro. May kanya-kanyang date ang mga ito ngunit si Trevor lang ang hindi ata masaya kasi nag-iisa lang itong walang ka-date na tinutukso naman ng mga kasamahan nito. Trev paano ba yan. Mukhang mag-isa ka lang talaga sa yate nito. Wala ka bang da lang kahalili man lang para kahit pa paano mag makausap ka. Baka pagdating natin doon sa isla sarili mo na ang kinakausap mo ha. Pagbibiro naman ni Eric dito na may magandang chicks na kasama. Iba pa ito sa dinala nito isang araw. Buddy mukhang iba na naman dala mo ah. Iba kasi noong isang araw. Balik biro na lang nito sa binata para makaganti sa pang-aalaska nito sa kanya. Ikaw talaga. Babe huwag kang maniwala sa kanya. Gusto lang gumanti sa panunudyo ko sa kanya. Sa gwapo kasi niya wala man lang kasama. Bakit hindi mo kasj sinabi agad. May kaibigan sana ako na irereto sayo. Sambit naman ng dalaga lay Trevor. Ok lang ako. I prefer to be alone. May kasama din dapat ako, unfortunately she can't be here so baka pag-awayan pa namin kaya hindi na ako mang-iimbita para wala ng gulo. Sagot na lang ng binata at iniwan muna sila para kumuha na muna ng pagkain. May mga nakikita siyang dalawa o tatlong babae pa ang dala. May iba ding nagpapacute sa kanya at pwede daw itong makasama sa kanya sa yate na magalang naman niyang tinanggihan. Wala talaga siya sa mood makipag-usap at si Macy lang ang gusto nitong kausap makasama. Mamaya na lng niya ito tatawagan. Medyo nagtatampo lang siya sa dalaga at hindi ito makakasama sa kanya. Papunta na si Macy sa yacht club at hindi niya maipaliwanag ang saya niya na makakapasok na siya sa yacht club sa wakas. Manong kamusta na po? Nakangiting saad ng dalaga sa guard na napagtanungan nito kanina kung ano meron sa loob. Kaw pala ineng, anong maipaglilingkod ko? Tanong naman ng guard sa dalaga. May ipinasuyo lang po ang boss na dalhin ko sa loob. Sa kaibigan niya kasi ito. Pinapahatid lang niya sa yate na sasakyan nung kaibigan niya. Titingnan ko lang muna kung nasa listahan ang pangalan mo ineng. Ano ba ang pangalan mo? Macy Quinto po. Sagot naman ng dalaga at ipinakita pa ang ID nito. Tingnan ko lang. Saglit ineng. Ang dami kasing nakalagay dito sa listahan. Meron nga ineng. Sige pumasok ka na. Alam mo kuya saan banda itong yate na ito? Ipinakita pa nito sa guard ang picture. Yan ang pinakamagandang yate na nakita ko. Malapit lang yan ineng. Deretso ka lang tapos yung pinakaunang yate, yun na. May pangalan ata iyon. Makikita mo naman agad. May picture ka naman kaya hindi ka maliligaw. Paalis na yan sila maya-maya kaya dapat madala mo na yan bago pa sila makaalis. Sa pagkadinig na malapit na itong umalis, nataranta na si Macy kaya nagpaalam na ito sa guard. Sige na kuya baka hindi ko ito maiakyat. Paalam na ng dalaga. Palinga-linga ang dalaga at nakita naman niya agad ang yate. Mukhang wala namang tao kaya umakyat na siya sa loob. Kinakabahan siya na masaya sa pag-akyat sa yate. Sobrang ganda naman ng yate na ito. Nasambit ng dalaga ng makapasok na sa loob. Ang gandang interior nito. Mukhang bagong renovate din at mukhang bagou1 ang pintura nito. Tao po, tawag nito sa kung sino man ang may-ari nito. Napagpasyahan niyang iwanan na lang ang luggage ng bigla namang tinatawag siya ng kalikasan. Hindi naman siguro nakakahiyang gumamit ng banyo dito. Mukhang hindi pa naman umaakyat ang may-ari. Nagmadali na lang ang dalaga para hanapin ang cr sa loob ng yate. Lalo naman siyang namangha sa ganda ng kwarto na napasukan niya. Nakita na niya ang banyo at pumasok na siya agad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD