Pinakamamahal na ina

1102 Words
Pagkatapos kumain ay sinamahan na ni Trevor sina Macy at ina nito para sa check-up. May sasakyan namang dala ang binata kaya mas madali na sa kanya na samahan ang mag-ina sa ospital. "Salamat iho at nag-abala ka pang ihatid kami. Ang alam ko kasi sa mga tulad mo ay napakabusy. Hindi ka naman dapat inaabala ng mga katulad naming mahihirap". "Naku tita hindi naman ako tumitingin sa katayuan ng isang tao. Nagpapasalamat nga po ako at nakilala ko kayo. Madalas po kasing wala akong kausap sa bahay kaya sa condo ko na din ako madalas naglalagi o kaya sa yate ko po. Paminsan kapag may pag-uusapan regarding business umuuwi din ako". Paliwanag nito sa Nanay ni Macy. "Iba nga talaga kapag nasa isang bubong ang pamilya iho. Mas masaya yun mas maganda ang pagsasama. Basta kapag kailangan mo ng makakausap pwede mo akong puntahan, hindi na kasi ako pinagpapaluto ni Macy sa karinderya ng kaibigan ko. Magpahinga na lang daw ako". "Dapat nga po talagang magpahinga na kayo Tita. Hindi na po kayo bumabata. Kailangan mo ng magrelax. Hayaan mo tita isasama kita sa paglayag ko kapag hindi na ako busy. Madami pa kasi ako inaasikaso sa ngayon. Meron po kaming meeting ng magulang ko bukas". Natutuwa naman si Macy at nagkakasundo ang ina at si Trevor. Hinay-hinay muna siya sa pagpapakita ng interes sa binata at baka siya din ang umiyak. Sa nakikita niya sa ngayon ay nagkakagusto lamang ang binata dahil sa bago siya sa paningin nito pero baka ang totoo ay gusto lang din siya nitong isama sa mga gusto nitong paglaruan kaya rerendahan na muna niya ang sarili sa pagkakagusto sa binata. May unti na siyang paghanga sa binata at gusto na muna niyang supilin iyon. Mahirap na at baka hindi niya mapigilang umibig dito. Pagkakaibigan na lang muna ang kaya niyang ibigay sa binata. "Andito na tayo", putol ni Trevor sa naglalakbay na diwa ng dalaga. "Salamat sa paghatid, kahit hindi mo na kami ihatid at baka matagalan kami", sambit ng dalaga sa binata. "Sige, may pupuntahan din muna ako. Tumawag kanina ang kuya ko at may importanteng sasabihin. Baka regarding sa meeting namin bukas. Mauna na muna ako sa inyo. Basta itext o tawagan mo ako kung ano man ang resulta babe ok. Mag-iingat kayo". Humalik pa ang binata sa pisngi ng ina ni Macy at sa dalaga na din na kinapula ng pisngi nito. "Paano tita, good luck po sa check-up. Sana po ok naman ang resulta. Basta kapag kailangan mo ng tulong, andito lang ako tita. I'm just one call away". "Salamat iho, hindi ko yan kakalimutan". "Sige po. Mauuna na po ako". "Bye babe. You take care. Just call me", at nag-flying kiss ito bago pinaharurot ang sasakyan. Pumasok na sa ospital ang mag-ina pagkatapos ihatid ng tanaw ang papalayong sasakyan ni Trevor. May unting pagsisinungaling si Trevor sa sinabing magkikita sila ng kapatid. Sandali lang muna sila na magkikita pero may imemeet talaga siyang babae na matagal ng gustong makipagkita sa kanya. Isa itong modelo na nakabase sa ibang bansa. Matagal ng nakaplano ang magkikita nila ng dalaga kaya hindi naman niya ito mahindian at hindi pa niya kilala si Macy noon. Sa isang mall sila magkikita, nagtext na sa kanya ang dalaga na nasa resto na kung saan sila magkikita. Nireplayan naman niya ang dalaga na malapit na siya sa tagpuan nila. " I will just fetch you outside", text ng dalaga kay Trevor. Bigla na lang may yumakap kay Trevor na kinagulat niya. Napakabango nito. "Hi dear, I was surprised that you look more handsome in person that in pictures". Bulong ng dalaga kay Trevor na kinatigas ng katawan nito. Nung isang linggo pa siya nakatikim ng luto ng Diyos kaya biglang naexcite ang alaga niya. "Down boy", piping sambit naman ng binata sa nagwawala ng alaga. "Uhmm, can we go inside. I'm just tired". Sambit naman ng binata para madivert ang alaga niyang gusto ng kumawala. "Sure, I am starving dear". Yaya ng dalaga kay Trevor at hinawakan na ito sa braso. Hindi naman maipinta ang mukha ni Manuel ng makitang may kayakap si Trevor sa harap ng isang resto. Palihim niya itong kinuhaan ng picture para ipadala sa kaibigang si Macy. "Matindi talagang playboy ito hindi man lang iniisip ang mararamdaman ng beshy ko". Naiinis na sambit ni Manuel sa nakitang kasweetan ni Trevor sa kasama nitong babae. "Makakarating talaga ito kay beshy. Hindi ko ito dapat palagpasin. Hindi niya ito dapat ipagwalang bahala". Dagdag pa ng kaibigan ni Macy. Inaantay na lang ni Macy ang ina sa pagsusuri ng doktor dito. Sa labas lang muna siya nag-aantay at ang pasyente lang ang pinapapasok. Lumabas ang doktor at pinapapasok si Macy sa loob kasi nirequest ng ina nito na pumasok siya sa loob. "Iha nagpasabi ang nanay mo na pumasok ka para marinig mo ang initial findings ko sa kanya". Sumama naman ni Macy sa loob para puntahan ang ina. Nakita niyang may lungkot ang mata ng ina nito. "Ano po ang findings Nay?", Bungad na tanong nito sa ina. "Anak kinakabahan ako, medyo malala ang sakit ko. Hindi ko alam bakit nangyari iyon". "Dok ano po ba ang sakit ng nanay ko? Malala na po ba?". "Hindi naman malala iha, nasa early stage pa lang naman kaya maari pa nating agapan. Ang importante ay magawan mo muna ng paraan para mapasuri sa espesyalista". "Ang initial findings ko merong breast cancer ang nanay mo na ayon sa kanya ay meron nito sa pamilya kaya dapat agapan at hindi pa naman ito malala. Para maliwanagan kayo magpunta kayo sa espesyalista para matugunan agad. May alam akong oncologist na kakilala kung gusto nyo. Ang gawin nyo muna is magpa-mammogram muna ang nanay mo iha para may 2nd opinion". Nabigla si Macy sa natuklasang sakit ng ina. Hindi siya makapaniwala. Nasa early stage pa naman kaya gagawin niya ang lahat para maagapan ito. "Nay huwag kang mag-aalala gagawa ako ng paraan para mabuhay ka pa ng matagal. Ikaw pa maghahatid sa akin sa altar, magkakaapo ka pa sa akin ha". Naluluhang sambit ng dalaga sa ina na nilalakasan naman ang loob. "Mahal na mahal kita Nay kaya hindi natin hahayaang matalo tayo ng sakit na yan ha". Yumakap na si Macy sa ina para makaamot ng lakas dito kasi ayaw nitong mawalan ng pag-asa ang ina niya. "Oo anak, kaya natin ito. Hindi naman malala kaya maagapan natin". Saad ng ina ni Macy na hindi naman nakitaan ng pagkabahala kasi alam niyang sa pagmamahal ng dalawang anak siya kumakapit at tiwala sa panginoon na gagabayan sila sa unos ng buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD