Nalulungkot si Macy sa natuklasang sakit ng ina. Gusto niyang pagaanin ang loob nito. Alam niyang hindi ito nagpapakita ng kahinaan sa kanila kasi alam nitong mahihirapan din sila. Gagawin ng dalaga ang lahat para maibsan ang lungkot na nadarama ng ina. Gagawin niya ang lahat para mapagamot lamang ito at gumaling. Seryoso siya sa sinabi niya kaninang ito pa ang maghahatid sa kanya sa altar at magkakaroon pa ito ng apo sa kanya.
"Nay kung gusto mo umiyak huwag ninyo pong pipigilan ha. Masama po ang may kinikimkim. Hindi po kahinaan ang mai labas ang tunay ninyong nararamdaman".
"Hindi naman ako nalulungkot anak kasi alam ko magagawan natin ng paraan na gumaling ako. Hindi naman ito malala. Maagapan naman natin. May tiwala ako sa Diyos at sa pagmamahalan natin sa ating pamilya. Hindi tayo papadala sa takot".
"Salamat Nay lalo mo akong binibigyan ng lakas ng loob para maging matatag".
Yumakap na siya sa ina. Umuwi na din sila pagkatapos ng konsultasyon sa doktor at kinabukasan ay pupunta sila sa ospital uli para sa schedule ng mammogram ng ina. Gusto nilang magkaroon ng second opinion para malaman ang tamang gagawin sa ina.
Pagdating sa bahay naabutan ni Macy ang kaibigang si Manuel na inaantay siya.
"O beshy bakit ka andito? May raket ka bang ibibigay?" Tanong nito sa kaibigan na umiling naman.
"Wala naman pala pero bakit sambakol yang pagmumukha mo?" Aniya sa kaibigan.
"Bes may sasabihin kasi ako sayo pero doon na muna tayo sa kwarto mo".
"Doon pa talaga eh pwede naman dito sa sala".
"Doon na lang beshy kasi may sasabihin ako". Pamimilit nito sa kaibigan.
"Sige na nga". Sambit na lang ni Macy at nagpaalam muna sa ina.
"Nay mag-uusap lang muna kami ni Manuel, may sasabihin pala siya". Paalam nito sa ina na tumango naman.
"Dito ka na maghapunan Manuel magluluto ako sinigang".
"Talaga madir, Sige gusto ko yan. Naglalaway na agad ako". Sambit pa kaibigan nito sa ina.
"Saglit lang kami Nay para matulungan kita sa paghanda. May pasok din ako mamaya".
Pumunta na sila sa kwarto ng dalaga.
"Ano ba besh ang sasabihin mo at kailangan pang dito sa kwarto tayo mag-usap. Masyado bang sikreto yan at hindi pwedeng marinig ng nanay ko", kibit balikat na sabi ni Macy.
"Kasi besh", kinakabahang sambit NI Manuel.
*Ano yun? Pinapakaba mo naman ako eh. Baka naman may nabuntis ka besh". Pagbibiro nito sa kaibigan para maibsan ang kabang nararamdaman.
"Nagpunta ako sa mall kanina. May nakita ako doon. Nagulat nga ako eh. Akala ko naman hindi siya ganun nung makilala ko kaso napatunayan ko din na mapaglaro talaga siya". Sambit uli ni Manuel.
"Ano nga yun besh, pinapaexcite mo naman ako niyan eh. May raket?" Tanong uli ni Macy sa kaibigan.
"Ito oh", pinakita na lang ni Manuel ang picture na kinuhaan nito sa resto. Medyo blurry ang picture kaya tinanong na lang ito uli ni Macy.
"Sino ba yun? Hindi ko masyadong maaninag kung sino ang nasa picture. Makikita ko lang magkayap o naghahalikan sila at kumapit na ang dalaga sa leeg ng lalaki dito. Mukhang pamilyar ang damit ng lalaki". Napatigil siya bigla at naalala niyang suot ito ni Trevor kanina ng pumunta ito sa bahay.
"Si Trevor yan besh. Mukhang miss na miss ng babae si fafa Trevor pero hindi naman ganun kaintense ang pinapakita ni Papa Trevor dyan kaya hindi ko lang alam kung kaanu-ano nito ang babaeng kayakap".
"Baka kaibigan lang. Huwag mo namang bigyan ng malisya. May mga babaeng komportable sa mga kaibigan nila kaya ok lang kahit magyakapan sila". Paliwanag nito sa kaibigan.
"Sabagay besh pero kung si Trevor nga yung tinutukoy ko. Ano ang gagwin mo"?
Naumid ang dila ni Macy dahil sa tanong ni Manuel.
"Hindi pa naman siya pormal na naliligaw o nanliligaw ba talaga siya. May ganun kasing lalaki, sweet lang pero wala namang malisya. Hindi ko pa talaga alam ano ang pakay ng lalaking yun sa akin pero kung nanliligaw talaga siya sa akin. Aba hindi pwede yung ganyan besh, ako lang dapat ang liligawan niya wala ng iba. Bawal mag-two time", sambit ni Macy na nakataas pa ang kilay.
"Dapat lang besh. Hindi pwede ang salawahan dapat one woman man ang piliin mo. Sa ganda mong yan, dapat nag-iisa ka lang sa buhay niya. Susuntukin ko yun kapag sinaktan ka niya. Kahit pa-girl ako masusubukan niya ang p*********i ko kapag niloko ka niya. Prinsesa ka kaya namin kaya dapat ituring ka din niyang prinsesa niya. Huwag siyang loloko-loko at magiging lalaki ako pero isang araw lang para jumbagin siya". Pabiro pa itong sumuntok-suntok sa hangin.
"Ay wow lalaki na ang beshy ko, pahalik nga baka tayo pala ang meant to be". Inumang na ni Macy ang labi sa dalaga.
"Tigilan mo yang kaharutan mo Macy, hindi ako natutuwa bagkus nandidiri ako". Umiwas pa ito dahil hinahabol ng nakangusong labi ng dalaga ang labi naman nito.
"Kadiri ka beshy, Huwag mong yurakan ang dangal ko. Nakakadiri ka talaga".
Napahagalpak ng tawa si Macy sa kaartehan ng kaibigan. Kumatok ang nanay ni Macy kaya natigil ang paghaharutan nila.
"Nak may bisita ka. Lumabas ka na riyan at anong oras na din, may pasok ka pa. Malapit ng maluto ang ulam natin ang saktong dating ng bisita mo favorite niya itong niluto ko".
Napaisip si Macy kung sino nga ba sa kaibigan niya ang may paboritong sinigang. Bigla siyang napalabas para malaman kung si Trevor nga ba ang bisita kasi ito lang naman ang kakilalang sinigang ang paboritong ulam.
Prenteng nakaupo ang binata sa sala nila habang may kinakausap. Natitiyak ni Macy na ang ina niya ang kausap nito. Nakangiti kasi ito habang may tinitingnan.
"Anong ginagawa mo dito". Pagsusungit nito sa binata na nagulat naman sa inaakto niya.
"Masama ata timpla mo ngayon babe. Halika nga dito, sabay hila nito sa dalaga".
Napasubsob tuloy siya sa dibdib nito. Ang bango pa naman nito lalo na't kakaligo lang ng binata.
"Aray naman", patuloy pa ring pagsusungit ni Macy.
"May kasalanan ba ako sayo"? Bulong ng binata sa dalaga na kinaumid naman ng dila nito. Halos halikan na kasi ni Trevor si Macy.