Tila natuklaw ng ahas ang dalaga sa pagkarinig ng tanong ni Trevor.
"Wala naman, bakit mo naman natanong yan"? Balik tanong ng dalaga dito.
"Ikaw nga itong tinatanong ko tapos binalik mo naman sa akin ang tanong. You look tense babe. Did I do something wrong? Hindi ko kasi alam kung bakit mukhang galit ka kasi sa akin pero hindi mo naman masabi kung bakit. Umuwi lang ako sa bahay para maligo at pumunta ako dito kasi sobrang namiss kita kaso ito lang naman maabutan ko. Galit ka ba sa akin talaga? Naguguluhan lang ako sayo babe. Pwede mo naman sabihin sa akin ang mga nararamdaman mo". Nalulungkot na tugon ng binata sa pagiging tahimik ni Macy.
"Pagod lang ako pasensya ka na". Hinging paumanhin ni Macy sa binata.
"Pasensya ka na din makulit ako. Gusto lang talaga kita makita". Hinawakan pa nito ang kamay ng dalaga na hindi naman nito binawi.
"Tama na muna yan nak. Kumain na tayo. Tamang-tama at niluto ko ang paborito ko Trevor".
"Sinigang ba yan tita? Hindi talaga ako kumain sa bahay para dito na ako magdinner. Mas masarap kumain kapag kasama mo ang inspirasyon mo", sambit ng binata habang nakatingin kay Macy na hindi naman alintana ang sinabi ng binata kasi nahihiya ito sa inasta kanina dito.
"Tara kain na. Madami akong niluto kasi alam ko na madami kayong makakain".
"Oo nga tita, tama muna ang diet ngayon". Sagot naman ni Trevor.
Hindi na rin umuwi si Manuel at kumain na din doon ngunit tahimik din ito. Hindi ito makatingin kay Trevor kasi naiinis ito sa binata dahil sa nahuli niya itong may kasamang babae.
"Masarap talaga tita ang sinigang ninyo. Uulit ako ng kain dito tita ha". Pamamaalam nito sa ina ni Macy.
"Oo naman iho, basta ikaw welcome ka dito lagi. Bukas ang tahanan namin para sayo".
"Salamat tita, pwede ba akong matulog dito". Pabirong tanong uli nito.
"Pwede naman pero sa sala ka lang at dalawa lang ang kwarto namin. Sa kwarto ko lang nakikitulog si Dino. Si Macy naman may sarili ng kwarto".
"Talaga tita ha, aasahan ko yan. Within this week matutulog ako dito". Ngiting sambit naman ng binata na kinalaki ng mata ni Macy.
"Maliligo na po ako Nay at malapit na ang oras ng pasok ko sa bar".
"Ako na maghahatid sayo. Pupunta din ako sa pinsan ko at bukas magiging busy ako". Sabi na lang nito sa dalaga na tumango na lang at baka may masabi na naman ang binata.
"Salamat iho at ihahatid mo ang dalaga ko".
"Walang anuman tita. Babalik naman po ako dito sa isang araw, magiging busy lang ako this coming days pero susubukan ko pong pumunta dito para makatikim ulit ng luto mo tita".
"Walang problema iho basta magsabi ka lang agad kung anong gusto mo na kaya ko namang lutuin".
"Aasahan ko talaga yan tita ha".
"Gusto mo ba magkape o ano ba gusto mong inumin habang hinihintay mo ang dalaga ko".
"I'm ok tita, I'm so full. Aantayin ko na lang po si Macy".
"O siya iho maiwan muna kita at sinusumpong na ang rayuma ko".
"Sige po tita. Ok lang po ako dito. Salamat po ulit".
Biglang may tumawag kay Trevor na ipinagtataka niya kung sino ba ito.
"Hello, sino ba ito"?
"Nakalimutan mo na agad ako eh kanina lang tayo magkasama".
"Ikaw pala yan Lex. I'm sorry. I didn't recognize your voice. Kamusta"? Sambit na lang ng binata habang lumilingon kung palabas na ba si Macy sa sala.
Si Lexie aka Lex ang nakatagpo kanina ni Trevor sa mall. Isa ito sa mga nakilala niya na kanina lang niya nameet dahil na rin sa busy silang pareho. Ngayon pa talaga sila nagkita kung kelan naman gustong makilala ni Trevor si Macy ng lubusan. Malakas ang tama nito kay Macy ngunit madami namang nakikisabay. Ayaw naman ni Trevor na bastusin si Lexie kaya nakikisama na muna siya sa dalaga.
"Are you still there"? Tanong ni Lexie kay Trevor na mukhang napipi na.
"Yup I'm still here". Sagot naman ni Trevor.
"I'm just busy", alibi na lang nito sa dalaga para hindi na ito mangulit.
"Ahmm. Can I invite you to hang out later"? Tanong nito sa binata kapagkuwan.
"Hindi ako pwede kasi bukas may lakad ako. We have a family meeting. It will be whole day so I need to rest".
"So it's a good night then. You take care handsome, it's not my lucky night tonight".
"I'm sorry. Some other time maybe". Pahinuhod na lang nito sa dalaga.
"Ok bye". Paalam na ni Lexie sa binata.
"Bye", sagot naman ni Trevor bago ibinaba ang telepono. Sakto namang lumabas na ng kwarto si Macy.
"Sino kausap mo"? Tanong ni Macy sa binata.
"Kaibigan ko lang".
"Ok sabi mo eh". Sambit na lang ni Macy na hindi na lang pinansin ang binata.
"Babe are you still mad at me"? Pangungulit nito sa dalaga.
"Hindi nga, makulit ka din".
"Makulit talaga ako. Ayaw mo naman kasi sagutin kung talagang galit ka ba sa akin kasi kanina ka pa hindi makatingin ng deretso sa akin".
"Sige tatanungin na lang kita para hindi ka na mangulit".
"Shoot. Ano ba yun babe"?
"Si Manuel kasi kanina nasa mall, andun ka daw at may kasama kang babae. Ikaw nga ba yun?"
Biglang kinabahan si Trevor sa tanong ni Macy. Hindi niya alam paano sasagutin ang dalaga. Aamin ba siya o magkukunwaring wala siya sa mall kanina.
"Ako nga yung nasa mall. I was with a friend."
"Friend nga ba yun eh magkayakap nga daw kayo."
"Nagseselos ka ba babe? She was just a friend. It's the first time na magkita kami kaya ayun yumakap siya."
"Naniniwala na ako sayo. Tara na alis na tayo para hindi ako malate sa work."
"Babe mukhang labas naman sa ilong yang sinasabi mo eh."
"Tara na," pasupladang sagot uli ng dalaga.
Hindi na makatiis si Trevor. Niyakap na niya si Macy.
"Ang suplada mo talaga babe. I miss you sobra. Miss na kitang yakapin. Payakap muna."
Hinayaan na lang ni Macy na yakapin siya ng binata dahil gusto rin niyang madama ang init ng katawan ng binata.