Is this love?

1018 Words
Hinatid ni Trevor sa trabaho si Macy. Magiging busy siya sa susunod na araw kaya sinulit nya ang araw na kasama ang dalaga. May meeting sila ng magulang kinabukasan para sa expansion ng kompanya niya. Meron pa daw silang ibang pag-uusapan. Wala pang ibang sinabi ang magulang kung ano nga ba yung pag-uusapan nila kaya clueless din ang binata. "Salamat sa paghatid. Enjoy your night. Magiging busy kami ngayon at baka hindi kita makausap ng matagal." Sambit ni Macy sa binata. "It's ok babe hindi rin naman ako magtatagal. I just have a drink." Humalik pa ito sa pisngi ni Macy na kinagulat naman nito. "I just can't help it." Bulong na lang ni Trevor bago umalis ang dalaga. Napahawak naman sa pisngi si Macy dahil sa halik na ginawad ni Trevor sa kanya. "Lokong lalaki yun ah. Pahalik-halik tapos madami namang babae." Bubulong-bulong na sabi nito. "Bakit nakabusangot mukha mo ms. pretty?" Tanong ni Jim sa dalaga. "Ha, hindi ah. Wala naman to. Pagod lang kasi wala ako halos pahinga today." Ngiting sambit naman ng dalaga. "Pahinga ka din kapag pupwede. Hindi naman dapat laging pinapagod ang katawan. Iisa lang yan kapag bumigay yan magpapahinga ka din naman talaga ng tuluyan." "Oo nga eh. I will take a rest naman. Inaalala ko lang talaga ang nanay ko kasi. Salamat sa concern. Bihis na ako." Paalam nito sa binata. "Ok, see you later ganda. Madami tayo customer ngayon kaya mapapagod ka din talaga. Andito lang ako kapag kailangan mo ng resbak." "Salamat. Asahan ko yan." Saad naman ng dalaga. Naging busy ang bar ng gabing iyon. Merong grupo n nagcelebrate ng anniversary kaya madaming order. Hindi magkamayaw ang mga waitress at waiter sa pag-istima. Paalis na sana si Trevor ng biglang may yumakap sa kanya mula sa likod. "Andito lang pala kita makikita dear. Sabi mo busy ka pero dito ka naman pala tatambay. Mabuti na nga lang at naisipan naming dito pumunta." "Lex dito ka pala. I was just dropping by at my cousin's bar. May sinabi lang ako sa kanya at I just had a drink pero aalis na talaga ako. I will have a meeting early tomorrow so I have to leave early also." Paliwanag na lang ng binata at ayaw nitong magtagal na sa bar at baka makita ni Macy na may kausap na naman siyang babae at magalit na naman ito sa kanya. "Ang bilis naman pwede ba kahit isang oras lang. Hindi ka na nagtagal kahapon pati ba naman ngayon?" Pagtatampo ni Lex sa binata. "Gusto ko naman magtagal kaso I need to sleep early. Sige na nga oagbibigyan na kita." "Tara hanap na lang tayo ng pwesto." Sa bar counter lang kasi siya umupo at balak talaga niyang umuwi ng maaga. Hahanapin pa dapat niya si Macy para makapagpaalam dito kaso dumating naman si Lexie. Sana lang hindi sila makita ni Macy at magagalit na yun sa kanya dahil hindi na naman siya nagsasabi ng totoo. Baka hindi na ito maniwala sa kanya. Piping dalangin ng binata habang naghahanap ng pwestong tago. "Dito na lang dear. Masyado na tayong tago diyan." "Ok," pagsang-ayon na lang ng binata kahit ayaw niya sa pwestong iyon dahil kita talaga sila. May kasama naman si Lexie na barkada kaya safe naman pero hindi pa rin mapakali si Trevor. "Are you ok?" Tanong kapagdaka ni Lexie. "Yes I'm ok, tatawag na ako ng waiter." Sambit na lang ni Trevor na kumaway na. Sakto namang nakita ito ng isang waiter kaso may order pa siyang inaasikaso kaya si Macy na ang pinalapit niya. Gamunggo ang pawis ni Trevor ng makitang si Macy ang lumalapit sa mesa nila. Nagulat din si Macy at nakitang may kasama itong babae at sweet ang babae sa kanya. "Can I take your order mam, sir." Nakataas ang kilay nito na tumingin kay Trevor na hindi naman tumitingin sa kanya. Si Lexie ang nagbigay ng order ng grupo. "Dear what do you want?" Tanong nito kay Trevor na lalong kinataas ng kilay ng dalaga. "I'm good. Meron pa naman ako. I'll be out naman maya-maya." "Are you sure? This is my treat. No worries." "I'm ok. Kayo na lang," sambit na lang ng binata na halos ayaw ng tumingin kay Macy dahil alam niyang galit na ito. "I'll just use the rest room." Paalam ng binata sa grupo. "Sure dear. Basta huwag kang tumakas at hindi ka naman nagtagal the last time." Turan naman ng dalaga na kinakunot ng noo ni Macy. Inaantay lang ni Trevor na makapunta bandang cr si Macy para magpaliwanag dito. Nagsisi tuloy siya bakit nagstay pa siya ng matagal bago siya umuwi. "Babe," sambit ng binata ng makitang paparating si Macy. Nakita niyang iiwas ang dalaga kaya hinabol niya ito. "O bakit ka andito. Bumalik ka na dun." Pasupladang saad ng dalaga na binabawi ang kamay na hawak ni Trevor. "I just wanna explain about what you hear." Samo nito sa dalaga na ayaw bitawan ang kamay nito kahit pinipiksi pa nito. "Narinig ko na. Huwag ka ng mag-abala pang magpaliwanag. Yan ang hirap sayo eh, iba sinasabi mo iba naman ang nakikita ko." "Babe please, hindi ko naman girlfriend yun. Nakilala ko siya ng hindi pa kita nakikita. Promise hindi ko naman nililigawan yun." "Hindi ko alam kung ano pa paniniwalaan ko." Sagot na lang ng dalaga na umalis na din kasi hindi na nakaimik ang binata. Hindi alam ni Trevor kung hahabulin ba niya si Macy o hindi. Pinili na muna niya ang huli at baka lalong magalit ang dalaga lalo't kasalanan naman niya talaga. Ang sakit ng puso ni Macy. Hindi niya alam kung bakit ganun na lang ang selos niya kanina pagkakita na magkasama si Trevor at isang magandang babae. Alam niya sa sarili niyang dapat niyang pigilan ang pagmamahal na umuusbong sa puso niya pero sutil pa rin talaga ito, nagsisimula na siyang may maramdaman dito. Sisimulan na niyang kalimutan ang nararamdaman sa binata kasi alam niyang siya din ang talo sa huli. Pinahid niya ang luhang naglandas sa mukha niya na nakita naman ni Trevor dahil sinundan pa din niya ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD