Umuwi na si Trevor pagkabalik niya sa mesa nila Lexie. Nagdahilan na lang siya na masama na ang pakiramdam at kailangan na talaga niyang umuwi. Hindi naman na siya pinigilan ni Lexie. Ayaw na munang dagdagan ni Trevor ang galit ni Macy dahil sa pagsisinungaling niya dito kiya minabuti niyang umalis na lang para wala ng gulo.
Habang pauwi nagpadala ng message si Trevor kay Macy sa messenger nito ng nakita niyang online naman ang dalaga.
"Umuwi na ako, mag-iingat ka babe. I'll talk to you soon. I miss you," laman ng chat nito sa dalaga.
Nagseen lang ang dalaga ngunit hindi naman siya nireplayan nito na naiintindihan naman ng binata. Alam nitong galit o nagtatampo ang dalaga sa kanya kaya hindi na muna niya kukulitin ito. Nagpadala na lang siya ng picture niya na nagpapaawa.
Seen uli ng dalaga ang picture pero wala pa ding reply kaya hinayaan na ng binata.
Sa condo na lang muna siya matutulog. Sa bahay sana siya matutulog kasi doon ang meeting nila kinabukasan kaso pagod na si Trevor kaya sa condo na lang siya na mas malapit sa bar kung saan siya nanggaling.
Nagulat ang binata ng parang may tao sa condo niya. Binuksan niya ang pinto ng magulat na may nakatalikod na babae habang nanonood ng TV sa sala niya.
Lumingon ang babae sa kanya ng nabuksan niya ang pinto.
"Hi sweetie, I thought hindi ka uuwi? I was glad andito ka. I was in the vicinity when I realize I still have your key, only to find out na wala ka. Aalis na din sana ako pero since andito ka. I might stay overnight."
Lumapit na ito sa binata na hindi na makakilos.
It was Stella, ang naging fubu niya for a couple of months pero hindi na sila nagkita ng umalis ang dalaga para manirahan ito sa ibang bansa.
" +It's been awhile na wala ka sa bansa. What brings you back." Tanong na lang ni Trevor habang umiwas na mayakap ng dalaga.
"Why so stiff sweetie. Galit ka ba sa pag-iwan ko? I was on vacation and I remember those days that we were together. You missed me?" Habol nito sa binata na niyakap naman ito mula sa likod.
Malaki ang dibdib ni Stella na damang-dama ni Trevor kaya nagsimula ng umiinit ang katawan niya, dahil na rin siguro sa alak na nainom kanina.
Nagsimula ng humalik ang dalaga sa punong tainga ng binata at hinahaplos na din ang alaga nito na nagsisimula ng mabuhay.
"That's more I like it. Just give your best shot sweetie for old times sake." Bulong nito sa binata na sinisimulan ng buksan ang zipper ng pantalon nito.
Gaganti na sana si Trevor ng halik kay Stella ng biglang tumunog ang telepono nito. Tumatawag ang pinsan niya.
"Yes insan, what's up." Sagot ng binata.
"Ano na naman ginawa mo kay Macy ha, nakita Kong umiiyak sa locker. Ikaw talagang lalaki ka, kung hindi ka seryoso huwag mo ng ituloy kasi nasasaktan na siya." Bigla na din naputol ang tawag nito bago pa man sumagot si Trevor.
"Who was that?" tanong ni Stella na lumalapit na naman kay Trevor.
"Pinsan ko. I'm sorry Stella pero pagod ako. Dumaan lang ako para kumuha ng gagamitin ko for tomorrow's meeting. I will be going ahead. If you will use the condo it's ok with me," sambit ng binata habang pumunta ng kwarto.
Kinuha na lang ni Trevor ang ilang papers para sa meeting para kapani-paniwala ang rason niya kung bakit siya umuwi sa condo. Balak na niyang palitan ang lock ng pinto para hindi na makapasok si Stella. Muntik na siyang bumigay kanina kung hindi lang tumawag ang pinsan baka hindi na naman siya nakapagil. Nagulumihanan siya sa narinig kanina na umiiyak si Macy. Siya nga ba ang dahilan noon. Lalo siyang naguguilty.
"Alis na ako. You can use the condo if you want." Paalam ni Trevor kay Stella na nakasimangot na.
"Bakit ang cold mo na. Meron na bang iba?" Tanong nito sa binata.
"Yes I already have a girlfriend. I'm sorry."
Sagot naman ni Trevor bago nito iwanan ang dalaga.
Pagdating sa bahay nila Trevor, tinawagan nito si Macy pero ring lang ng ring ang telepono nito. Gusto niya makausap ang dalaga at magpaliwanag dito.
Nag message na din siya sa messenger nito pero seen lang din iyon ng dalaga. Hindi niya talaga sinasagot ang tawag. Iniiwasan siya ng dalaga. Susubukan na lang niya uli mamayang tawagan ang dalaga baka sakaling sumagot naman ito. Hindi pa naman ito out sa trabaho.
Nakatulog na si Trevor at hindi na ito nakatawag kay Macy. Nakatulugan na niya ang pangungulit sa dalaga.
Nakikita naman ni Macy ang mga message ni Trevor pero matigas lang ang paninindigan niyang iwasan ang binata. Hindi ito nagsasabi ng totoo sa kanya. Napapatunayan talaga niyang babaero ang lalaki.
Kinabukasan sinubukan uli ni Trevor na tawagan ang dalaga ngunit ring lang ng ring ang telepono nito. Nagpadala na lang uli siya ng picture sa dalaga na nagmamakaawa na sagutin na siya.
Nagulat si Macy na tumatawag na naman si Trevor ngunit matigas pa rin ang paninindigan niyang hindi ito sagutin.
"Magdusa ka babaero." Sambit na lang ng dalaga na bigla na lang nagulat sa picture na pinadala ni Trevor na nakahubad baro sa kama na may caption pang forgive me babe.
"Ang yummy kaso babaero ka naman. Forgive me babe mo mukha mo." Saad na lang ng dalaga kahit kinikilig naman sa picture na pinadala ng binata.
Mukha naman walang epekto kay Macy ang pagpapacute ni Trevor kaya tinigilan na muna niya ang dalaga at baka magalit lang ito sa kanya. Hindi naman din niya masisi ang dalaga dahil siya rin naman ang may kasalanan bakit ito cold sa kanya.
Hindi rin niya lubos maisip kung bakit gusto niyang magseryoso sa babae ay doon naman nagsusulputan ang mga nakaraan niya.
"Parusa na ba ito sa pagiging palikero ko dati?" sambit ni Trevor sa sarili habang silip ng silip sa cellphone niya kung may message ba si Macy sa kanya.