Missing you

1021 Words
Hindi pa rin mapakali si Trevor dahil hindi na siya pinapansin ni Macy. Tumawag at nagpapadala na siya ng message sa dalaga thru messenger at text ay wala pa rin siyang natatanggap na sagot dito. Hindi pa niya mapuntahan ang dalaga kasi ngayong araw ang meeting niya sa magulang. "Ma Pa magandang umaga." Bati nito sa mga magulang. "Dito ka ba natulog iho?" Tanong ng mama nito. "Opo ma, masyado ng late kaya hindi ko na kayo ginising." "Mabuti kung ganun na andito ka na. Hindi na kami mag-aabala pang tawagan ko k itext ka. Mas mabuti din na andito ka kasi kung nasa condo mo ikaw eh baka may kasama ka pang babae at mahirap ka gisingin," turan ng mama ni Trevor. "Tama ka dyan sweetheart baka hindi pa yan bumabangon ngayon at may kayakap pa sa kama. Mas mahirap yun. Kain na muna tayo," sambit ng papa ni Trevor. "Namiss ko tong breakfast na makakasama tayo. Minsan lang to mangyari kaya dapat nilulubos ko na," pag-iwas ng binata sa panggigisa ng magulang niya. "Sa library na lang ang meeting natin. I supposedly want it in your yacht iho kaso sabi mo nga it is being renovated for you will be sailing next week together with your friends. May monthly get together kauo dibah, it is also known as a bachelors party in the yacht. Sino naman kaya ang magiging date mo next week. Sana makilala naman namin, usually kasi wala ka namang napapakilala. Makikita na lang its all over the magazine kung sino man ang nakakadate ng isang Trevor Montecillo, the playboy bachelor." Patuloy na panggigisa ng papa ni Trevor. " Pa ako na naman nakita mo." Naiinis na wika ng binata. "Sino pa ba ang sasabihan ko niyan eh ikaw lang naman ang alam ko na hindi nagseseryoso sa babae. Alam ko madami ng umiyak sayo iho kaya sana this time magseryoso ka naman. It's time we will meet the person you will be spending the rest of your life with." Dagdag pa ng papa niya. "Soon pa at ma, makikilala ninyo din siya. Medyo we are not in good terms right now. I am still courting her, she hates me by this moment." Malungkot na saad ng binata na kinangiti ng magulang nito. "Bakit naman kayo nakangiti eh nalulungkot na nga ako." Inis na sabi nito sa magulang. "We were happy kasi alam namin na nakita mo na ang babaeng makakapagpatino sayo. Look at you hindi ka ganyan kapag hindi ka seryoso. Ang alam ko kasi kapag may kadate ka parang normal na lang sayo yun pero ngayon you look bothered kasi galit sayo yung babae. This is something and we were excited to know or meet her." Sambit ng mama ni Trevor na kuntodo ngiti pa. "Ma soon, huwag muna natin madaliin, masyado pang maaga para maexcite. Inaamo ko pa siya ma. She works at Queenie's bar. She's a waitress there." Pagbibigay impormasyon nito sa ina. "Oh, that's great. Maybe some other time pupunta kami ng papa mo doon." "Ayan ka naman ma. I will bring her here ma. I was just sad now because she don't want to talk to me." "Baka naman kasalanan mo din. Baka nagselos yun kung may kasama kang iba o kung ano man ang ginawa mong kasalanan." "Sana she will let me give my side bago niya ako husgahan. Kasalanan ko naman talaga." "Let's finish our breakfast and then we will discuss some important things about business. This is gonne be exciting iho." "Kinakabahan na ako sa sinasabi mo papa ah." "I will benifit you son huwag ka ng kabahan." paniguradong sambit naman ng papa ni Trevor "San nga papa, baka kung ano na yan ha. Sana umabsent na lang pala ako sa meeting nyo." Pagbibiro na lang ni Trevor. Pagkatapos ng almusal, naligo na lang uli si Trevor. Sinubukan niya uli tawagan si Macy ngunit out of coverage area ang telepono nito kaya nagmessage na lang siya sa dalaga. "I miss you, I hope you have time to answer my calls and messages" message ni Trevor sa dalaga. Nagpunta na siya sa library para sa meeting nila tungkol sa negosyo. "Ma si papa?" Tanong ni Trevor ng hindi pa nito nakikita sa library nila. "May tumawag lang saglit tungkol sa negosyo natin. He will be here in a minute. I think may changes sa pag-uusapan natin, that's what I've heard kanina." "Ok ma, so how's our business going on?" "It's Ok son but may mga pababago na sana pagbigyan mo." "So may dapat pala akong gawin ganun ba ma kaya ako lang pinatawag mo at hindi kasama si ate at kuya." "Yes son, its about you." Sagot na lang ng ina nito at tumahimik na kasi may binabasa pa itong dokumento. Tiningnan muna ni Trevor kung may sagot na ba si Macy sa text o messenger nito. Nalungkot si Trevor kasi hindi pa rin talaga nag-online ang dalaga at wala ding sagot sa text niya. Sinubukan kita itong tawagan ngunit hindi niya rin ito makontak. Tinitikis talaga siya ng dalaga. Sana maisipan niya ring sagutin ang text at message. Piping dalangin ni Trevor. Nag-antay pa sila ng sampung minuto bago simulan ang meeting nila. Napahaba ang pag-uusap ng ama niya at isang investor nila sa kompanya. "So are you guys ready, this will be a long hour meeting. So I already told Aling Maria to cook delicious lunch para naman maibsan ang sakit ng ulo natin mamaya." Nakangiting bungad ng ama ni Trevor. "Kakabahan na ba ako sa meeting na ito Papa?" Tanong ni Trevor sa kanyang papa na kakikitaan pa rin ng kakisigan. "Bakit ka naman kakabahan iho. Wala namang dapat ikabahala. This is a family meeting. Matagal na din na nakasama ka namin ng mama mo." Sagot naman ng papa ni Trevor. "Ayan na nagtatampo na ang mahal kong papa at mama. Medyo busy lang talaga ako this past few days. Sa negosyo. At the same time may nililigawan din ako papa. I think i am in love with her. Hindi pala I think, i love her but i screwed up." Sagot ni Trevor sa kanyang papa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD