Nagsimula na ang meeting ng pamilya nina Trevor. Madaming napag-usapan sa expansion ng kompanya. May mga pagbabago sa mga patakaran din sa kompanya.
"Pa may isa ka pang hindi nasasabi sa akin. Ang sabi ni mama kanina ay may tumawag na investor kanina. Mukhang may dapat akong gawin sa pagkakaintindi ko. What is it? Mayroon na silang hinihingi sa atin?" Pagkaklaro ng binata.
"I almost forgot about it. Iho sana maiintindihan mo kami kung bakit kami sumang-ayon sa gusto ng investor. Napakalaki ng investment nila dapat sa kompanya natin. Sana matulungan mo kami dito. In fact this will double our profit since sila ang magbibigay ng malaking halaga para sa expansion natin". Paliwanag ng ama kay Trevor.
"What is it papa? If I could do it bakit naman hindi. Pagtulungan na lang natin para naman po sa kompanya ang gagawin natin".
"Iho ang investor is a family man. He wants the son or sons ng kompanya kung saan siya mag-iinvest is also married. Since married na ang kuya Troy mo, ikaw na lang ang kailangan magpakasal. He wants a loyal family man. Yung merong happy family life. Yan ang hinihingi niya anak. Hindi ka naman namin pinupursiging magpakasal na para lang maging maganda ang takbo ng kompanya. Kaya naman naming maging stable ang kompanya natin pero the offer is tempting iho. He gives us two months to think about it. It sounds weird pero may point naman siya. Gusto din kasi naming makitang hindi ka na nagloloko kaya sumang-ayon na din kami pero ang sabi namin we will try to convince you first". Mahabang paliwanag ng papa ni Trevor na kinatigalgal niya.
"I get the point papa. Weird nga ang gusto ng investor. Pwede ba yun papa na maikasal ako pero in a year or two pwede ba maghiwalay?" Pagkaklaro ng binata.
"I don't know about it pero pwede naman siguro yun. Eh kung hindi ka naman masaya sa mapapangasawa mo at hindi mo naman talaga mahal. Pero anak gusto ko naman na sana makapag-asawa ka na hindi naman maghihiwalay. Hindi naman yan dapat option para lang makakuha ka ng kung sino-sinong babae lang dyan just to prove that you are a good man sa investor natin."
"I will think about it papa. You will have my answer soon. Kailangan ko munang pag-isipan ng mabuti yan. Hindi sa ayaw ko papa. It's a lifetime commitment kaya it will be a win win situation. Syempre dapat mahanap ko muna ang babaeng mapapangasawa ko. Hindi naman dapat kung sino-sino lang. Commitment yun pa kaya dapat may pagkakaintindihan naman kami ng babae hindi ng kung sino-sino lang."
"May napupusuan ka namang babae diba? So kung meron naman baka pwede na siya na lang iho. I can see na mukhang may pag-ibig ka na para sa kanya kaya baka pwedeng siya ang bigyan mo ng oras para suyuin. Atleast sa paraang iyon hindi ka naman lugi kasi may pagtingin ka naman sa kanya."
"Ang tanong lang papa siya kaya may pagtingin sa akin. Hindi ko pa siya uli nakakausap. Iniiwasan niya ako. Hindi pa ako nakakapagpaliwanag sa kanya may mga sitwasyon namang nangyayari na nakakapagpagalit na naman sa kanya."
"I know you son, magaling ka magpaamo so ano pang inaantay mo, you have all the time to tame her. Tiyak siya pa ang maghahabol sayo, sa gandang lalaki mong yan naduduwag ka sa kanya. Or is it love kaya ka natatakot na paamuin ka. Mahal mo na siguro siya anak. That's good news anyways. My playboy son just find the girl who will be his future wife."
Ngiti na lang ang naisagot ni Trevor. Hindi pa din niya matukoy ang damdamin kay Macy. Alam niya sa sarili na gusto niya ang dalaga pero kung sa pag-ibig naman hindi pa niya masigurado, ang kasiguraduhan lang ay ayaw niyang may ibang nagpapangiti sa dalaga. Gusto niyang sa kanya lang ito ngumingiti.
"Sana anak you can decide soon. So paano can we take our lunch now? I'm starving meron pa tayong ibang pag-uusapan."
"Sure po," pagsang-ayon naman ni Trevor sa ama at sumunod na dito papuntang komedor.
Madaming inihanda ang kusinera nila para sa tanghalian kaya magandang kumain ang binata. Madalas kasi kapag nasa condo siya pumipirmi puro order na lang siya para sa kakainin niya.
"This is superb ma. Ang sarap talaga kapag lutong bahay. Sira na naman ang diet ko nito."
"Paminsan ka lang din naman dito pumupunta anak kaya sulitin mo na." Sagot naman ng ina na napakaganda pa rin kahit sa edad nito.
"Ma matanong kita, is papa your first love?" Maintrigang tanong ni Trevor just to have a conversation while having their lunch.
"Sa pagkakaalam ko oo, mabait kasi talaga ang papa mo at pinaramdam talaga sa akin ang totoong kahulugan ng pag-ibig. He was every girls dream." Nakangiting sambit ng mama nito na sa papa niya nakatingin.
"Although madami akong naging boyfriend bago siya. Siya pa din ang pipiliin ko in the second life iho." Dagdag pa din ng mama niya.
Abot tenga naman ang ngiti ng papa ni Trevor na hinawakan ang kamay ng mama nito.
"Ang sweet nyo naman talaga. Sana nga I can find a girl just like you find mama pa. It's a feeling of finding your true happiness."
"I hope so son." Tugon na lang ng papa nito na tumingin uli sa mama at nagsabi ng I love you dito.
Nagpatuloy ang meeting ng pamilya na inabot na din ng gabi kaya naghapunan na din si Trevor sa bahay nila at naligo pagkatapos. Sinubukan niyang tawagan ang dalaga at nakabukas na ang telepono nito. Nagseen na din ito sa messenger ngunit wala kahit ni isang reply.
"Babe can we talk? I really missed you. I was bothered by the way you treat me. Please," message uli ng binata na nagsusumamo sa dalaga. Naligo na muna si Trevor at balak niyang puntahan si Macy sa bar ngayong gabi.