To be with you

1101 Words
Pagkatapos maligo ni Trevor, pumunta na siya sa Enclave Bar. Gusto na niyang makita si Macy. Gusto niya itong kausapin at paliwanagan. Hindi mapakali si Macy kasi laging tumatawag si Trevor pero ayaw pa nya itong kausapin. Naiinis pa rin siya dito. Hindi nagsasabi ng totoo ang binata sa kanya. Nakita na nga niyang may kasamang babae kung ano pang alibi ang sinasabi sa kanya. Hindi naman niya kasi maintindihan kung may gusto ba sa kanya ang binata o gusto lang nitong paglaruan siya o ibilang din siya sa mga naging babae nito. May nararamdaman na siya sa binata pero sinusupil niya iyon dahil na din sa takot na baka masaktan lang din siya. Hindi pa siya nagkakanobyo at gusto niya na kapag magkaroon siya nito ay yung may tiwala siya at talagang nag-iisa lang siyang mahal ng lalaki. Madami uling customer sa bar ng gabing iyon kaya busy uli sila Macy. Pagpunta niya ng counter bigla siyang nagulat ng may humarang sa kanyang daraanan. Hindi siya nakatingin dito kaya nabangga niya ito. "Hi babe," saad ng baritonong boses na namimiss niya. "O bakit andito ka na naman. Hindi ba magiging busy ka this week?" tanong ni Macy kay Trevor na siya pa lang nabangga niya. "I want to see you. Hindi ka ba masaya na nandito ako babe. Nakakatampo ka naman, ni hindi mo nga masagot mga tawag ko pati text messages ko. Even my chat puro seen zone lang. It was so frustrating knowing you didn't care if I am sad that you did not even bother to reply all of those messages." Pagtatampo ng binata. "Alam mo naman kung ano ang nangyari so ano pa inaarte mo dyan. I was supposed to get mad on you. Siguro naman alam mo kung bakit ako naiinis sayo. You lied to me. Sabagay wala naman akong karapatan maramdaman ito diba. Masaya na ako na madaming naghahabol sayo. Masarap siguro sa pakiramdam na madaming babaeng nagkakagusto sayo noh kaya ok lang na masaktan ang iba kasi may reserba ka naman." Mahabang litanya ni Macy na kinalungkot naman ni Trevor. "Hindi ko naman intensyon na inisin ka o galitin ka babe. I am here para magpaliwanag sayo. Ang mga babae na nakasama o nakita mo na kasama ko ay kaibigan ko lang. Nagkataon lang na nakita mo kami sa ibang scenario. Mahirap kasi ipaliwanag talaga pero kaibigan ko lang ang mga yun babe. Ikaw ang gusto ko babe. Maniwala ka naman sa akin. Galing akong meeting ng pamilya pero I am here para makita ka." "So dapat ko pa pala iappreciate ang pagpunta mo dito ganun?" Panunupla nito sa binata. "Hindi naman sa ganun. Gusto ko lang naman magpaliwanag. Namimiss na kasi kita. Gusto kitang makasama." Pagsusumamo ng binata kay Macy. Malapit ng bumigay ang puso ni Macy sa effort ng binata pero hindi pa din siya kumbinsido talaga dito. Nagdadalawang isip pa siya kung maniniwala o hindi sa binata. "Maiwan na muna kita. Madami pang customer." Sambit na lang ng dalaga bago iwanan si Trevor na umupo na lang sa counter banda para mag-order ng inumin. "Ano pinsan nahihirapan ka bang paamuin?" Bungad ng pinsan niyang kanina pa pala pinagmamasdan. "Malungkot yan ng pumasok kanina kasi ang nanay niya kailangang operahan para hindi na kumalat ang cancer sa dibdib nito. Kailangan ng tanggalin ang bukol sa dibdib hanggat maliit pa. As much as I want to help her malaki ang kailangang halaga kaya hindi ko pa mapahiram. Magbibigay na lang ako ng tulong para makagaan naman sa iniisip niyang magagastos sa operasyon." Biglang nabuhayan ng loob si Trevor kasi gusto niyang matulungan ang dalaga. Sa ganung paraan hindi na siya iiwasan ng dalaga. Magiging malapit na ito sa kanya. Ito na ang pagkakataon niyang matulungan ang dalaga at siya ay matulungan din nito. He will give her a tempting offer na hindi nito tatanggihan. Siya din naman ang makikinabang kasi napapalago pa lalo ang negosyo nila pati siya ay makakasama pa ang dalaga. "Sana lang makapag-isip isip ang dalaga para na din sa nanay nito." Sambit ni Trevor sa sarili habang pinagmamasdan ang dalaga sa malayo. Sa ngayon yun na lamang ang tanging magagawa ng binata ang matanaw ang dalaga sa malayo. He has all the time to have a proposition to Macy. Matagal pa naman ang binibigay na palugit ng papa niya. Paaamuin na muna niya ang dalaga sa ngayon. Alam niyang hindi madaling gawin pero magtatagumpay din siyang mapaamo ang magandang dilag. "Natahimik ka na agad pinsan. Siya nga pala kelan ang sail nyo at saan kayo pupunta na mga members ng yacht club?" "We are sailing Palawan, this coming week. Friday to be exact." Sagot naman ng binata. "Pwede bang sumama?" Tanong uli ng pinsan ni Trevor na si Quennie. "Ano namang gagawin mo dun. Mga isang linggo ko balak magstay doon bago ako bumalik. Kaya mo bang ganun katagal mawala sa bar. Ni isang oras nga ayaw mo umalis, isang linggo pa kaya. At tsaka date ang kailangan ko hindi ko kailangan ng istorbo." Sambit naman ni Trevor. "Oo nga pala ano may date pala kayong dinadala kapag may sail kayong mga members. Sino naman kayang malas na babae ang makakasama mo?" Napahawak pa sa baba na sabi ni Quennie. "Malas talaga ha, ang swerte kaya niya sa akin. Gwapo ko na tapos madami pang naghahabol." Ngiting saad naman ni Trevor. "Kaya nga nagalit na sayo si Macy dahil dyan sa pagiging babaero mo eh. Magbago ka na uy, hindi sa lahat ng oras magpapaiyak ka ng babae. Ang babae minamahal hindi sinasaktan. Tandaan mo yan insan". Saad naman ni Quennie kay Trevor na nakakunot na ang noo. "Wow madami ka ng alam pinsan ha. Nasesermunan mo na din ako. Eh kung maghanap ka na din ng kadate para maiba naman ang mood mo at environment. Puro ka din trabaho eh baka mamaya maging old maid ka na niyan insan". Natatawang sambit naman ni Trevor. "Kaya nga ako andito pinsan para amuin si Macy. Gusto ko ngang siya ang makasama sa sail ko eh. Tulungan mo naman ako sa kanya insan. Medyo wala nga sa mood eh. Akala ko makakausap ko ng matagal kaso busy na naman siya." Nagsusumamong saad ni Trevor kay Quennie. "Hindi ko alam kung makakasama siya kasi may pasok." Sambit na lang ni Quennie na may binubuo ng plano para magkaroon ng katuparan ang balak ni Trevor na makasama ang dalaga sa sail nito. Alam naman ni Quennie na may pagtingin din si Macy sa pinsan niya. Nag-aalangan lang ang dalaga sa sitwasyon nila at sa kaalamang habulin din ng mga babae si Trevor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD