"Babe can we talk"?Pagsusumamo ni Trevor kay Macy ng makitang nagpapahinga ito.
"Busy ako, madaming customers". Pag-iwas naman ng dalaga.
"Alam ko namang hindi kasi nagpapahinga ka babe. Can you just listen to me first? Hindi naman to matagal. I will let you go after you hear me. Please". Nagpapacute pa na sabi ni Trevor sa dalaga.
"Hindi mo ko madadaan dyan sa pagpapacute mo ha pero sige, you have 10 minutes to explain". Sagot ni Macy na kinatuwa naman ni Trevor kahit may nahihimigan pa siyang galit sa boses ng dalaga.
"Ang bilis naman ng oras na binigay mo babe". Pagmamaktol ni Trevor.
"Eh di wag na lang. Ang dami mong arte ikaw na nga tong humihingi ng time eh so ako ang masusunod. Ikaw ang may kasalanan remember so ako ang masusunod". Panunupla naman ni Macy kay Trevor.
"Babe sana maniwala ka sa akin na mga kaibigan ko lang ang kasama ko Sasabihin naman nilang bastos ako kapag hindi ko sila inasikaso o kinausap man lang. Believe me I am telling the truth. Ikaw lang ang gusto ko makasama babe. Sana naman bigyan mo na ako ng time na makasama ka o mabisita man lang sa bahay ninyo. Gusto ko din makita mama mo at makamusta. Makabonding ka din. I miss those times na kasama ka". Sumamo ni Trevor kay Macy.
"Busy ako tsaka tulog ako sa umaga. Mga tanghali na ako nagigising. At alam kung busy ka ding tao kaya wala ka ng panahon para sa mga pagbisita na yan diba"? Balik tanong naman ni Macy sa binata.
"Oo I am busy pero pwede kitang bigyan ng panahon para magkakilala pa tayo ng lubusan. I wanna know you better babe. Just give me a chance to prove that I have good intensions on you. Please", pagsusumamo uli ng binata at ginagap pa ang kamay ng dalaga para maramdaman nito ang sincerity ng mga sinasabi niya.
"Pag-iisipan ko". Sambit na lang ni Macy na nakangiti naman kaya magkaroon ng kunting pag-asa ang puso ni Trevor na magiging ok sila ng dalaga sa madaling panahon.
Aalis na dapat si Macy ng biglang nakita niyang may paparating na babae at biglang yumakap na naman kay Trevor.
"Baby it's been so long since we've bumped into each other", sabi ng dalaga na kinagulat din ni Trevor at sabay lumingon kay Macy para malaman kung ano ang magiging reaction ng dalaga.
Nakita ni Trevor ang pagdilim na naman ng mukha ni Macy. Lagot na naman siya. Akala pa naman niya na magkakasundo na sila ng dalaga ngunit ito na naman may dumating na naman na sagabal. Paglingon ni Trevor nakita niya ang isa na namang kafling dati na matagal na niyang hindi nakikita.
"It's you Jessy. How have you been? Actually you arrived in the wrong time. I am taming my girl but eventually you ruin it". Inis na sambit ng binata dahil frustrated na siyang mapaamo si Macy pero lagi na lang may sagabal sa tuwing nagiging ok sila.
"I'm sorry, pupuntahan ko na lang to explain". Hinging paumanhin naman ng dalaga.
Isa si Jessy sa mga madaling kausapin sa mga naging flings ni Trevor kaya nagkasundo sila na no string attached sila, just pure s*x. Naging vocal naman si Trevor dito na naiintindihan naman ng dalaga.
"I am so sorry if I bother you. This is not my lucky day i guess. I'm hoping ba magiging ok kayo ng inaamo mong babae. She must be very special kaya ganyan na lang ang naging reaction mo pagkakita mo sa akin. I guess this is it, I have to move on and find another man. Thanks for all the times we've shared Trev". Niyakap na lang nito si Trevor at iniwan na.
Nakayuko na lang si Trevor na sapo ang ulo sa nagawa na namang bagay na lalong ikakagalit ni Macy.
May biglang tumapik sa balikat ng binata.
"Ano marami pa bang darating"? Macy pala ang nasa tabi niya na nakataas na naman ang kilay.
"Mukhang problemado ka. Kala ko ba wala na. Madami pa pala". Inis na sabi nito sa binata.
"Babe hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin na tuwing hihingi ako ng time sayo ito ang nangyayari. Hindi ko na alam. I swear I don't have a thing for her now. Noon meron inaamin ko pero we were done. She is a past already". Sagot naman ni Trevor.
"Sige paliwanag pa. Ang gwapo mo kasi", nilapitan pa nito si Trevor at hinaplos ang pisngi na kinamangha naman ng binata.
"Ibig sabihin ba niyan bibigyan mo na ako ng oras na makasama ka babe"? Ngiting tagumpay ng binata.
"Hindi noh, I just miss that face of yours pero hindi nangangahulugang ok na tayo. Madami ka pang dapat patunayan". Sagot ni Macy.
"Graveh naman, hindi na talaga ako mahalaga sayo babe. I missed you pero you don't miss me that much"?
"Basta magdusa ka muna. Ok na yang nakikita kita paminsan". Sagot naman ng dalaga at iniwan siya sa bar counter.
"Hayy mga babae talaga ang hirap espelingin", sambit na lang ng binata na nagulat at nasa tabi na niya ang pinsang si Quennie.
"O insan mukhang ayaw talaga ni Macy na pagbigyan ka ah. Parang hindi ikaw ang Trevor na habulin ng chicks ha. Ang lalaking kabi-kabila ang gf. Pero ngayon hindi man lang makaporma sa waitress ko. Nakahanap ka ng katapat mo insan. Nakakatuwang hindi na-immune sa kakisigan mo si Macy".
"Sige insan tawanan mo pa ako dyan. Nahihirapan na nga akong paamuin siya eh. Hindi ko nga alam bakit hindi ko magamit ang charm ko sa kanya na sa ibang girls naman gumagana".
"Mukhang kinakalawang ka na insan. Wala na bang ibubuga ang isang Trevor Montecillo"?
"Meron pa insan. I'm just taking my time. Makikita mo, magiging masaya na ako in a few weeks time". Paninigurado naman ni Trevor na kinalaki ng mata ng pinsan nito.
"Ano namang balak mo abir? Dadaanin mo na ba sa santong paspasan yan si Macy ha".
Pangungulit ng pinsan ni Trevor.
"Hindi ah, hindi naman ako ganun. Sa gandang lalaki kong to gagawa pa ako ng ganun. Dadaanin ko na lang sa diskarte insan".