Hindi pa nagkakaayos sila Trevor at Macy kahit na mukhang may nakikita ng pag-asa si Trevor.
Nagpunta muna ang binata sa yacht club para makita ang progress ng pinarerenovate niyang yate. Mas nilakihan kasi niya ang bar counter nito at ang kwarto pinaganda niya rin. Sakto lang ang pagkakarenovate nito kasi si Macy ang balak niyang isama sa sail nila na mga members ng yacht club kung saan siya nabibilang. May kanya-kanyang date dapat na madadala sa isla kung saan sila magsail ang grupo. Noong hindi pa nakikilala ni Trevor si Macy, may natitipuhan na dapat siyang isang International model na dadalhin o kaya si Soleen na lang din since nakakasundo naman niya ito. Ngunit nag-iba ang ihip ng hangin at nakilala niya si Macy. Namomroblema tuloy siya ngayon kung paano aamuin ang dalaga at maimbitahan ito sa sail nila.
Pagdating sa yacht club nakita niya ang ibang members na nasa yate din ng mga ito. Tinanguan niya ang ilan dito.
Hey buddy, what's up? Bungad sa kanya ni Eric na siyang isa sa may magandang yate din. Isa ito sa notorious playboy din. Kung siya madaming naghahabol, hindi rin magpapahuli ang binata.
The famous playboy is here. Sambit ng binata pagkatapos nito tapikin ang balikat ni Eric.
Famous ha, ikaw itong madaming babae. Sinali mo pa ako ha. Pagbibiro nito sa binata.
Talaga lang ha, ikaw itong palaging nababalita eh so mas famous ka kesa sa akin. Pagsasakay na lang ng binata dito.
May date ka na ba sa get together natin? I've been out of the country so I was not aware of your new chicks nowadays. Pagtatanong ng binata kay Trevor.
Sa ibang bansa ka pala naghasik ng lagim buddy.
Paminsan naman pare tumikim tayo ng ibang lahi pero iba pa din pag pinay. Kumindat pa ito sa binata.
Loko-Loko. Inaamo ko pa ang date ko. Sana maisama ko kapag wala naman, solo na lang para walang problema.
Ikaw pa mawawalan, eh pare it is our rule to bring a date. Ako naman may nakuha na. A model, so baka mainggit ka. Dagdag na lang nito sa binata.
Hindi naman ako maiinggit buddy basta sumama itong inaamo ko. Ngiti din ni Trevor.
Aasahan kong ipapakilala mo siya.
Baka hindi na pare at baka maagaw mo pa. Pagbibiro nito kay Eric.
Hindi naman ako mang-aagaw kapag may nagmamay-ari na pare. Sambit ng binata dito.
O siya pare see you on Friday. Kumaway na ito kay Eric bago umakyat sa yate niya.
Tiningnan ni Trevor ang progress ng renovation at patapos na din ito. Kaunting palamuti na lang. Nagpahinga lang siya saglit at umalis na din.
Pinag-isipan ni Trevor na alukin si Macy tungkol sa kasunduan nila ng magulang na magpapakasal sila para sa lalong ikakaunlad ng kompanya niya, kapalit ang pagpapagamot nito sa ina niya at suporta na din sa pamilya ng dalaga.
Balak na niyang kausapin ang dalaga tungkol dito ngunit hindi niya ito matagpuan lagi. Tuwing pupuntahan niya sa bahay nito ang dalaga, lagi itong nasa labas at inaasikaso ang magiging operasyon ng nanay niya. Ayon sa Nanay niya naghahagilap pa ang dalaga para sa operasyon nito at malaki-laking halaga ang kailangan nila.
Kapag naman tinatawagan niya ang dalaga hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Seen zone lang din ang mga chat niya sa dalaga. Hindi na tuloy niya alam kung maisasama pa ba niya ang dalaga o maghahanap na siya ng iba. May option naman siyang naiisip na isama sa sail baka pagtawanan din siya ng kapwa member sa yacht club kapag solo lang siya na magsail.
Asan ka na ba babe. Text niya sa dalaga. Nagbabakasakali siyang sumagot si Macy.
Maya't maya siya tingin ng cellphone at baka magtext na ang dalaga ngunit wala pa rin. Pati sa messenger nagpadala na din siya ng mensahe dito.
Babe answer my calls please. My sad emoji pang kasama ngunit hindi naman na-seen ng dalaga.
Sinubukan niyang tumawag sa pinsan kung papasok ba ang dalaga ngunit nagsabi daw itong aabsent muna at may aasikasuhing importante. Balak sana niyang puntahan uli ang dalaga sa trabaho nito.
Talagang iniiwasan pa siya ni Macy kaya napagpasiyahan na lang ni Trevor na kung hindi niya maisasama si Macy sa sail nila ay si Soleen na lang ang isasama nito. Madali naman itong kausap kaya kahit sa araw na yun na lang niya sasabihan ang dalaga.
Sana babe you have time to meet me or even answer my calls. I miss you so much babe. Text na lang ng binata sa dalaga uli bago ito napagpasyahang umuwi muna sa bahay nila. Namimiss na niya ang kakulitan ng mama niya.