Nalulungkot si Macy na hindi niya masagot ang tawag ni Trevor kasi nga naiinis siya sa lalaki. Palagi na lang tuwing magkakaayos na sila sumasakto namang may mga babaeng lumalapit dito na kinakainis niya. Hindi niya alam kung nanadya ba talaga ang pagkakataon o isa na iyong palatandaan na dapat na niyang iwasan ang binata dahil masasaktan lang siya.
Nagsabi na lang si Macy sa manager niya sa bar na absent na muna siya ngayong gabi dahil na rin sa aasikasuhin muna niya ang operasyon ng ina. Maghahanap siya ng murang ospital kung saan pwedeng operahan ang ina. Nawawalan na siya ng pag-asa. Wala din siyang makitang pera na ipangtutustos sa operasyon pati na din sa gamot pagkatapos.
Nay mano po. Sambit ni Macy sa ina pagdating niya sa bahay.
O iha andyan ka na pala. Andito kanina si Trevor inaantay ka. Yun nga lang sinabi kong umalis ka kaya umalis na din at may aasikasuhin din siya at pinaparenovate niya pala ang yate niya. Maglalayag pala sila sa biyernes. Meron din daw kasing get together sa lahat ng member ng yacht club kung saan siya nabibilang at pupunta daw sila sa isang isla. Ang swerte ni Trevor at mayaman, hindi na namomroblema sa pera. Sabi nga niya sa akin huwag ko na daw poproblemahin ang operasyon ko at siya na ang bahala sa lahat. Nagpasalamat na ako anak at hindi ko naman tinanggihan ang tulong niya. Sabi niya aayusin niya iyon pagbalik niya galing sa paglalayag nila.
Salamat naman Nay kung ganun. Pero hindi pa po kami nakakapag-usap dahil hindi pa po kami nagkakaayos. Sinabi na lang ni Macy para hindi na magtaka ang ina kung bakit hindi na niya nakakasama ang binata.
Bakit nga ba anak ayaw mo kausapin si Trevor? Ayusin mo na kung ano man ang hindi ninyo pagkakaunawaan. Mahirap naman na ganyan kayong dalawa. Gusto ko anak na gumaling kaya sana tanggapin mo na ang alok sa akin na ipagamot ako ni Trevor. Hindi ka na mahihirapang maghanap pa ng pera para sa operasyon ko.
Kakausapin ko na lang po Nay. Sa ngayon po gusto ko muna magpahinga Nay. Napagod po ako sa paglilibot makahanap ng murang ospital na pwede kayo operahan.
Kumain ka na muna anak. Ipaghahain kita.
Huwag na Nay. Magpapalit po muna ako at ako na lang ang maghahanda ng kakainin ko, mas kailangan ninyong magpahinga para malakas kayo sa operasyon ninyo. Makikipag-ayos na din po ako kay Trevor pagbalik niya sa paglalayag, sambit na lang din ng dalaga para mapanatag na ang ina nito.
Salamat naman anak kung ganun. Siya magbihis ka na at ng makakain ka.
Sige po Nay. Si Dino nga po pala Nay? Tanong sa ina.
Siya muna pinagbantay ko sa palengke para kahit papaano eh makatulong naman.
Mabuti nga po at hindi pa pasukan Nay kaya siya nakakatulong. Poproblemahin pa natin ang tuition niya ulit sa pasukan na naman. Huwag na natin siyang patigilin Nay. Maganda ang pasweldo sa bar lalo na at may tip naman.
Salamat anak hindi mo talaga kami pinababayaan. Yumakap pa ito kay Macy.
Sino pa ba ang magtutulungan Nay kung hindi tayo lang din.
Hayaan mo anak kapag magaling na ako tutulungan din kita.
Naku Nay yan ang huwag mong gagawin. Gusto ko kapag naoperahan na kaya sa bahay ka na lang. Magbubukas na lang tayo ng sari-sari store para may mapaglibangan ka.
Saan ka naman kukuha anak ng puhunan?
Gagawa tayo ng paraan Nay. Habang buhay naman may pag-asa tayo eh. Huwag lang kakalimutan na may panginoon na laging gagabay sa atin.
Oo nga Nay. Wala namang pagsubok na binibigay ang Diyos na hindi natin kakayanin kaya kapit lang tayo.
Nay bihis lang ako at ang lagkit ko na. Paalam uli nito sa ina na tumango naman.
Nakauwi na sa bahay nila si Trevor galing sa bahay naman ni Macy. Nagbakasakali ang binata na nakauwi na ang dalaga dahil na rin hindi ito papasok sa bar ngayong gabi. Hindi pa pala nakakauwi ang dalaga kaya umalis na lang din siya at nahihiya na siya sa Nanay ni Macy kung tatambay pa siya dito.
O anak anong masamang hangin ang nagpauwi sayo dito. Bungad ng ina ni Trevor na yumakap sa anak.
Nakakapagtampo ka na ma ha, mga ganyan na pinagsasabi mo tuwing dadalaw ako dito. Syempre ma, namimiss ko kayo ni papa. Namimiss ko ang kakulitan ninyo.
So iho may balita na ba sa inaamo mong dalaga?
Wala pa nga ma eh. Hindi pa ako pinapansin pero hindi ko naman siya susukuan. Habang buhay may pag-asa.
Mukhang lakas ng tama mo dyan sa babae na yan anak ah. Nangingiting sabi ng ina nito.
Mabait siya ma at huwarang anak kaya lalo ko siyang hinahangaan.
Mabuti naman anak at nakita mo na ang babaeng para sayo. Sana makilala na din namin siya.
Sana nga mama. Sana nga siya na. Makahulugang sambit naman ni Trevor.
Mukhang seryoso ang mag-ina ko ah. Bungad ng ama naman ni Trevor na galing sa taas ng bahay nila.
We were just talking about the girl Trevor wants. Sagot naman ng mama ni Trevor.
Talaga sweetheart. Sana nga iho magiging ok na kayo. Turan na lang ng ama ni Trevor.
Sana nga papa. Gagawin ko po lahat para po maging ok kami. Hindi ko po siya susukuan. Ngayon ko lang po naramdaman na magkagusto ng sobra sa isang babae. Nakangiting sambit naman ng dalaga na kinatuwa ng mga magulang nito.