Kinabukasan pumunta uli sa yacht club si Trevor para matingnan ang yate niya.
Papasok na siya sa yacht club ng makitang nagsisimula ng ayusin ang isang lugar para sa munting selebrasyon bago ang sail nila. May inaayos na mga mesa at upuan dito. May salo-salo muna sila para sa mga bagong myembro na sumali sa grupo nila.
Buddy ready ka na ba bukas? Tanong ni Eric sa binata na kakarating lang din. May kasama itong magandang dilag. Nakahawak ito sa bewang ng lalaki.
Oo pare handa na. Binibisita ko lang itong yate ko at tapos na ang renovation. Baka may nakaligtaan para mahabol na din. Sagot naman ni Trevor.
This is Natalia, my date for tomorrow. I just have a tour of my yacht. Pakindat nitong sabi sa binata.
Hi, I'm Trevor. Inilahad ng binata ang kamay sa dalaga at tinanggap naman ng huli na may unti pang pagpisil na kinangiti naman ni Trevor.
Ingat ka dyan sa kasama mo, mapaglaro yan. Pagbibiro ni Trevor sa dalaga.
Ako pa talaga buddy ha. Ikaw nga itong numero uno. I will be glad to meet your partner tom. Paalam na lang nito kay Trevor bago umakyat sa yate na pagmamay-ari nito.
Umiling-iling na lang si Trevor ng lumingon pa sa kanya si Natalia bago umakyat na din ng yate ni Eric.
Some girls are not contented. Pabulong na lang ni Trevor bago umakyat na din sa yate niya.
Satisfied naman siya sa resulta ng renovation ng yate niya. Titingnan na lang niya ang kondisyon nito. Sinimulan niyang icheck ang engine nito at nasa konsidyon naman. Nakapag-utos na din naman siya ng mga dadalhing pagkain at may mga damit naman siya dito kaya aantayin na lang talaga niya ang paglalayag nila bukas at ang partnet niya na sana sumama sa kanya.
Dadaanan niya muna ang pinsan sa bar nito bago siya pumunta ng condo at may kukunin siya doon. Napalitan na din naman niya ang lock ng condo niya kaya nasisigurado niyang hindi na makakapasok ang sinumang napagbigyan niya ng susi dati na pinagsisihan naman niya.
Pagkatapos matingnan lahat ni Trevor ang mga importanteng bagay sa kanyang yate, napagpasyahan niyang tawagan ang pinsan niya.
Hello, oh insan kamusta na. Ano bang maipaglilingkod ko?
Pinsan pwede ba kitang kausapin?
Oo naman, andito ako sa bar. May inaayos lang ako. Puntahan mo na lang ako dito.
Sige, I'll be there in a minute. Sa yacht club lang ako manggagaling. Be sure to have food at gutom na ako. Paalala pa nito sa pinsan.
Oo na, nakapag-order na ako kanina ng pizza. Pwede naman na siguro sayo yun.
Oo naman. Pwede na yan. Natatawa namang sagot nito sa dalaga.
Papunta na ako dyan. Bye. Dagdag na lang ng binata bago nito binaba ang telepono.
Pagdating ng binata sa bar, pinuntahan na agad niya ang opisina ng pinsan nito.
O cous, mukhang gutom na gutom ka ah. Nakita kasi niyang nilalantakan na nito ang pizza na sinabi nitong pagkain nila.
Hindi kasi ako nag-almusal. Tara na. Ano bang pinunta mo dito at mukhang importante talaga yan na maaga pa andito ka na. Mamayang gabi pa ang pasok ni Macy.
Pinsan pwede mo ba akong tulungan kay Macy. Bungad nito sa dalaga.
Ano namang tulong ang gusto mo? Kung liligawan mo siya tigilan mo na ang pagpapacute para wala ng magkakagusto sayo. Kaso kahit hindi ka naman magpacute o maging suplado ka man madami ka na talagang tagahanga kaya maswerte si Macy at ikaw ang naghahabol sa kanya. Mahaba ng litanya naman ng pinsan niya.
Yun na nga ang problema ko sa tuwing magiging ok na kami ng pinsan ko siya namang dating ng mga babaeng dati Kong karelasyon. Lalo tuloy napupurnada ang diskarte kong magiging malapit kay Macy.
Kaya sana insan ilakad mo naman ako sa kanya. Ibuild-up mo naman ako sa kanya. Siya sana ang gusto kong makasama sa paglalayag ko eh. Siya sana ang makadate ko. Kung matutulungan mo akong makasama siya ako na ang bahala sa ibang paraan para maging malapit uli kami. Desperado na ako kasi hindi na niya all pinapansin. Hindi naman kami ganun dati. Bigla na lang nagbago ng nahuli niya akong may kasamang babae.
Ayan kasi naging palikero ka kaya nagkakaproblema ka ngayon ng makita mo na ang gusto mong babae.
Hindi ko maipapangako na aayon sayo ang pagtulong ko na maging malapit kayo ni Macy basta gagawin ko ang abot ng Aling makakaya.
Nabigla pa ang dalaga ng yumakap sa kanya ang pinsan.
Salamat talaga pinsan. Basta matulungan mo na ako, ako na bahala sa ibang bagay. Salamat talaga. Saad naman ni Trevor sa pinsan.
Pahingi na ng pizza, mukhang mauubos mo na yan. Buti nga hindi ka tumataba. Pagbibiro na lang ni Trevor sa pinsan na binatukan naman siya.
Mapanakit ka naman pinsan. Basta aasahan ko ang tulong mo ha at sana maganda ang resulta. Sambit na lang ng binata habang ngumunguya na ng pizza.
Huwag mo ubusin, hindi pa ako busog. Ako naman bumili nito. Irap pa nito sa binata na tumawa naman.