Umuwi na muna si Trevor pagkatapos niya puntahan ang pinsan sa bar nito. May kailangan pa siyang ayusin na dadalhin niya sa paglalayag nila. Kailangan niyang magtrabaho kahit maglalayag sila.
Tumawag siya uli kay Macy para makausap man lang ito kahit sandali. Susubukan niya kung sasagot naman ang dalaga.
Nagriring naman ang telepono pero hindi naman sinasagot ng dalaga. Nanlumo naman si Trevor. Hindi na muna niya pinagpatuloy ang tawag niya sa dalaga at balak na lang niyang puntahan sa trabaho nito mamaya kasi ang sabi naman ng pinsan niya na papasok na ang dalaga sa trabaho ngayong gabi.
Anak kanina pa may tumatawag sayo pero hindi mo naman sinasagot.
Hayaan mo na muna yan Nay. Gusto ko makausap ng personal si Trevor hindi po sa telepono lang. Kailangan ko po malaman kung nagsasabi po siya ng totoo. Sa telepono pwede ka magsinungaling kasi hindi naman nakikita ang expression ng kausap mo.
Anak huwag mo naman tikisin si Trevor. Mabait yung batang yun. Hindi na nga nakakapunta dahil na rin siguro dyan sa hindi mo pagpansin sa kanya. Hindi naman sa pinangungunahan kita kaso sana naman anak bigyan mo siya ng pagkakataon na magpaliwanag. Alam kong may pitak naman siya dyan sa puso mo anak. Hindi lang nabibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag.
Kakausapin ko na siya Nay kapag pumunta siya mamaya sa trabaho. Papasok naman na po ako mamaya. Sagot na lang ng dalaga at lalo lang siyang naguguilty sa pag-iwas sa binata.
Mabuti naman kung ganun anak. Huwag mo ng pahirapan at makakatulong siya sa akin. Gusto ko gumaling anak at makasama pa kayo ng kapatid mo. Naluluhang sambit ng ina ni Macy..
Oo Nay gusto ka din naming makasama ng matagal. Hindi ako papayag na may mangyari sayong masama kaya gagawin ko ang lahat para magamot ka.
Maliligo na ako Nay para makapasok na po ako. Paalam nito sa ina kasi nagiging emosyonal na din siya sa mga sinasabi nito.
Sige anak. Nakahanda na yung dinner mo. Kumain ka na din pagkatapos mo maligo.
Opo Nay, kakain po talaga ako at ikaw ang nagluto. Hinalikan pa nito ang noo ng ina bago pumasok na sa kwarto at kunin ang mga kailangan sa pagligo niya.
Naligo na din si Trevor at nag-order na muna ng magiging dinner niya kasi sa condo niya siya umuwi ngayong gabi at may kukunin siya dito na dadalhin niya sa yate at bukas na ang paglalayag nila.
Nakalagay na sa sasakyan niya ang mga dadalhin niya para sa yate na lang niya siya mamaya matutulog. Mas magandang sa yate na siya matulog para hindi na siya magkumahog sa pagising bukas ng umaga.
Dumating na ang order niya at kumain na din ang binata habang sinubukang tawagan uli si Macy.
Balak ng sagutin ni Macy ang tawag ng binata sakaling tumawag ito. Napaisip tuloy ang dalaga kung tatawag pa ba ang binata at palagi niya itong hindi sinasagot kahit sa messenger, seen zone lang lagi ang binata.
Nagulat siya ng tumawag uli ang binata. Malakas ang naging t***k ng puso ng dalaga bago sagutin ang tawag ng binata na hindi naman nawala sa isip niya kahit hindi sila ok nito.
Hello Trev. Kamusta ka na? Bungad nito sa binata na sinagot ang tawag nito.
Ikaw ang kamusta babe. Hindi mo na kasi ako kinakausap eh. Kahit sa messenger seen zone ang mga message ko.
Pasensya ka na Trev. Madami lang akong iniisip. Hindi ko kasi alam saan kukuha ng pangpaopera sa Nanay ko kaya hindi na ako masyadong nakakasagot ng tawag o text mo. Mas iniisip ko ngayon ang kapakanan ng nanay ko.
Handa naman akong tumulong sayo. Huwag ka na mag-alala. Namimiss na kita sobra. Hindi mo na kasi ako pinapansin. Buti at sinagot mo ang tawag ko ngayon. Nagkaroon na ako ng pag-asa na mayakap ka. Nangingiting sambit ng binata kahit hindi naman nakikita ni Macy ang binata. Masaya lang si Trevor at nakausap na niya ang dalaga.
Pasensya ka na talaga Trev. Namimiss din naman kita eh. Sagot na lang ng dalaga. Pano papasok na ako ha. Baka malate ako eh. Paalam nito sa binata.
Sige ingat ka. I miss you. Sagot na lang ng binata at binaba na din nito ang telepono. Balak niyang sorpresahin ang dalaga sa trabaho nito kaya hindi na siya nagsabi para makausap na din ito ng personal. Bibilhan na din niya ito ng bulaklak. Gusto na talaga niya mayakap ang dalaga. Naguguluhan na siya sa nararamdaman para sa dalaga. Gusto niyang sa kanya lang ang atensyon nito at sa kanya lang ito ngingiti. Mahal na nga ba niya ang dalaga, tinatanong niya ang sarili ngunit hindi pa niya ito masagot ito. Dahan-dahanin na muna niya at baka mabigla din ang dalaga sa kanya. Baka sa pagmamadali niya lalong mawala ang dalaga sa kanya. Take it slow muna.
Dumaan muna sa flower shop ang binata bago pumunta sa bar ng pinsan kung saan nagtatrabaho si Macy. Naeexcite na siyang makita ang dalaga. Sana lang wala ng pumuntang kakilala ng binata na magiging sagabal na naman sa pagiging malapit na naman nila ng dalaga.