Bagong trabaho

1002 Words
Pagkatapos maubos ng paninda ni Macy, si Dino na ang pinag-ayos niya kasi pupuntahan naman niya ang ina para tulungan ito sa karinderya kung saan ito nagluluto. Madalas siya ang tagahugas ng mga pinggan doon. Sayang din ang kikitain niya. Nay andito na po ako", bungad nito sa ina habang sinusuot ang apron. "Anak andyan ka na pala. Sakto ang dating mo at tambak na ang hugasin. Hindi ako makapaghugas at kumikirot itong balikat ko". Daing na ina ni Macy. "Nay ako na ang bahala sa mga hugasin. Sana tinawagan mo ako kanina Nay para binilisan ko ang pagpunta ko dito. Ayan tuloy sumasakit na ang balikat ninyo". Inalalayan ko sana kayo sa mga lulutuin ninyo. "Ok naman na ito anak. Ang hugasin lang talaga ang hindi ko na kaya". Dagdag nito sa anak. "Bumili tayo ng gamot mamaya nay at naubos ko naman ang mga paninda ko kanina. Pati na din pangpahid diyan sa likod ninyo para maginhawaan kayo habang nagpapahinga mamaya. Magpacheck up ka na kaya Nay para malaman na din natin yang iniinda ninyo. Mahirap na kung hindi yan maagapan". "Naku anak, gastos lang yan. Malapit na ang exam ng kapatid mo. Kailangan din ng pera para doon". "Nay magagawan ng paraan ang exam ni Dino pero yang sakit mo baka lumala pa yan mas malaki ang gagastusin natin kung hindi natin aagapan yan". "Bukas Nay magpapacheck-up tayo. May naitabi pa naman ako kaya dapat unahin natin yang kundisyon mo. Hindi po namin kaya na magkasakit ka Nay kaya kailangan na maagapan na kung ano man yan". "Oo na anak, magpapacheck-up na tayo bukas. Baka kulitin mo na naman ako". Tugon na lang ng nanay ni Macy para hindi na siya paulit-ulit. "Mabuti naman kung ganun Nay. Ayoko na makikita kang nahihirapan. Kaya ako rumaraket ng bongga para makaahon tayo sa hirap hindi para magkasakit". "Ang swerte talaga ako sa anak ko. Salamat anak". Sambit na lang ng ina ni Macy. "Maghuhugas na ako nay para maaga na din tayo makapagpahinga. Kailangan ko pang maghanda para sa bago kong trabaho. Baka ito na ang umpisa ng pag-unlad natin Nay". "Sana nga anak, pagbutihin mo na anak yung trabaho mo doon. Basta maging mabait ka, huwag pairalin ang pagiging masungit doon ha". "Kapag alam ko namang hindi maganda ang pagtrato sa akin Nay lalaban talaga ako. Hindi naman pwedeng palagpasin kapag ganyang aapihin ka diba. Pero kung kaya ko namang tiisin nay gagawin ko para sa inyo ni Dino". "Akala ko ba ako ang madrama, ikaw din pala anak". Pagbibiro ng ina ni Macy. "Saan pa ba ako magmamana kung hindi sayo din Nay". "Nak naiisip mo pa ba ang tunay mong mga magulang? Baka mayaman ka talaga nak at hindi ko yun naibigay sayo. Sa tingin ko kasi mukhang galing ka sa mayamang angkan. Sa kutis mo pa lang nakikita na. Pati yung mata mo, hindi naman sa pinoy yan, foreigner nga magulang mo". "Nay wala pa sa bokabularyo ko ang hanapin sila kasi hindi naman nila ako hinanap. Ilang taon na akong nabuhay sa mundong ito pero wala man lang naghanap sa akin so bakit ko pa pag-aaksayahan ng oras na hanapin sila. Maybe in time Nay kung maisipan ko din silang hanapin pero sa ngayon mas pagtutuunan ko ng pansin na maiahon tayo sa hirap. Yun lang po ang sukli ko sa lahat ng paghihirap mo noong bata pa ako. Pinag-aaral ninyo ako, binihisan ninyo ako, pinakain, kaya ano pa ba ang hihilingin ko Nay". "Anak hindi naman ako humihingi ng kapalit sa lahat ng ginawa ko sayo. Mahal kita anak kahit hindi ka nanggaling sa akin". Yumakap na si Macy sa ina dahil naluluha na siya sa mga sinasabi nito. "Tama na to Nay, masyado na talaga tayong madrama". Pagbibiro na lang ni Macy para mapagaan ang kanilang nararamdaman. "Oo nga anak, bilisan na natin para makapagpahinga ka pa. Baka hindi mo na yan magawa kapag nasa trabaho ka na. Mag-iingat ka lang doon anak". "Opo Nay, simulan ko na tong hugasin Nay at mukhang nagugutom na naman ako". "May naitabi naman akong pagkain na bigay ni Malou kanina. Nakakain naman na ako at para na sayo yun. May dadalhin pa tayo sa bahay mamaya at birthday pala ng anak ni Malou. May binalot siya para sa atin. May makakain ka mamaya bago ka pumasok sa bar". Natapos din ni Macy ang tambak na hugasin. Kumain na muna siya bago sila uuwi ng ina. "Macy andito ka lang pala. Inspired na naman ako nito". Nangingiting sambit ni Chris na manliligaw ni Macy. Isa itong kargador sa palengke. "Ikaw na naman Chris, tigilan mo na nga ako. Pagiging kaibigan lang ang maibibigay ko sayo kaya sana ibaling mo na sa iba ang pagtingin mo". Supalpal nito sa binata. Naiirita na kasi si Macy sa mga patutsada nito sa kanya. Kesyo handa itong mag-antay hanggang sa sagutin niya ang binata. Wala naman siyang problema sa panliligaw ng binata. May ugali lang talaga ang binata na ayaw niya. Lasinggero kasi ito at madalas na nakikipag-away. Mabait naman ang binata kaya lang talaga ay mabisyo ito. Madami naman babaeng pwede mong ligawan dyan at may gusto sayo kaya huwag mo na lang akong asahan. Nakayuko namang umalis si Chris dahil na rin sa pambabasted na naman ng dalaga. Maraming beses na siyang nabasted ng dalaga pero hindi pa siya nadadala. Talagang malakas ang tama niya sa dalaga. "Anak tapos ka na ba dyan?", tanong ng ina ni Macy. "Opo Nay, ililigpit ko lang to at aalis na tayo. Nagbigay na po ba si Aling Malou ng sahod natin?" "Oo anak. Meron na dito. Bilisan mo na dyan para mahaba pa ang pahinga mo. Naiayos ko naman na ang mga dadalhin natin pauwi at nakapagpaalam na ako kay Malou". "Sige Nay, bibilisan ko na at baka gutom na din si Dino sa bahay". Bumili muna ng bigas at ilang kailangan sa bahay sila Macy bago sila umuwi. Naalala kasi ng ina nito na wala ng laman ang lagayan nila ng bigas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD