Unang araw ni Macy sa Enclave Bar kaya inagahan niya ang pagpasok. Nilakad na lang ng dalaga at malapit lang iyon sa bahay nila. Pinili niya ang trabahong mas malapit para mas madali siya makauwi at makapasok. Mas magandang malapit ang trabaho niya para kung may emergency man makakauwi siya ng mabilis.
Isa din sa nagustuhan niya sa bagong trabaho ay madadaanan niya ang yatch club na gusto niya rin puntahan. Hindi kasi basta-basta makakapasok doon at exclusive lang iyon sa members o kung kakilala mo ang isa sa mga members.
Napapangiti siya habang tinatanaw ang mga yate na nakadaung sa pantalan. Hindi niya napansin ang paparating na sports car kaya laking gulay niya ng bigla na lang ito bumusina. Napatutop siya sa kanyang dibdib.
"Diyos ko po". Kinakabahang sambit ng dalaga at napaantada pa siya.
Siya namang labas ng may-ari na nakakunot ang noo.
Biglang naestatwa si Macy pagkakita sa lalaking umibis ng sasakyan.
Napakagwapo naman nito, parang isang Greek God, pangahang mukha, mapulang labi na parang ang sarap halikan, wavy hair, brown na mata, makisig na pangangatawan na bakat sa suot nitong polo.
"Are you done examining my body babe?" Nakakunot noong sambit ni Trevor sa dalaga.
"As much as I want to talk to you right now, I'm in a hurry. I just leave you my card so you could call me whatever damages I've done". Tugon na lang ng binata sa dalagang naengkanto ata pagkakita sa kanya.
"Mag-usap na lang tayo kapag ok ka na. Mukha atang ngayon ka lang nakakita ng gwapo". Kindat nito sa dalaga na bigla na lang tumaas ang kilay.
Nagagandahan pa naman siya sa dalaga ngunit nagmamadali siya para sa meeting nila ng magulang niya sa yate niya mismo. Bagamat simpleng pantalon at tshirt lang ang suot ng dalaga. Makikita ang magandang hubog ng katawan nito. Hindi niya masyadong makita ang mukha nito pero alam niyang napakaganda nito. Malapit ng magtakip silim kaya hindi niya maaninag ang mukha ng dalaga.
"Antipatiko, nagulat lang ako kaya hindi ako makapagsalita". Sambit na lang ni Macy para mawala ang hiya dahil sa pagtitig niya sa napakagwapong nilalang na ito.
"Sabi mo eh, just give me a call babe. I was just in a hurry". Sambit na lang nito sa dalaga bago pinaharurot ang sasakyan nito papasok sa yatch club.
"Omg, isa siya sa member tiyak kasi pumasok siya sa loob. Pwede ko itong tawagan kapag nagkataon", natutuwang sambit ni Macy habang tinatanaw ang sasakyan ni Trevor papasok ng yatch club.
Tiningnan din niya ang binigay nitong calling card na kinabigla niya at si Trevor pala talaga ang nakausap niya. Noong isang araw lang nila napag-usapan ito ng kaibigang si Manuel.
"Pagkakataon nga naman, kapag kailangan mo talaga dumadating. Salamat Lord, hindi mo talaga ako pinababayaan". Masayang sambit ng dalaga habang tinatago ang calling card na binigay no Trevor.
"This is my lucky day", sambit uli ni Macy habang papasok na sa Enclave Bar.
"Magandang gabi po, first day ko po ngayon as waitress". Bungad nito sa guard ng tinanong siya kung ano ang kailangan nito.
"Ikaw si Macy Quinto?" Tanong kapagkuwan ng guard sa dalaga.
"Opo, ako nga po". Sagot naman ni Macy.
"Pumasok ka na at dumeretso ka sa opisina ni Mam Quennie. Inaantay ka na niya ineng".
"Salamat po kuya". Tugon uli ni Macy at pumasok na sa loob ng bar.
Hindi pa naman nagbubukas kaya wala pang mga customer. Nagtanong na lang uli si Macy kung saan ang opisina ng manager nila pagkapasok niya sa loob.
Kumatok muna siya. Nang may sumagot na pinapapasok siya, pinihit na niya ang seradura ng pinto.
Bumungad sa kanya ang napaka cozy na opisina ng manager nila, minimalist lang ang design nito ngunit napakaayos tingnan.
"Good evening po mam". Bati ng dalaga sa manager na nakangiti.
"Hi pretty, I was glad you came early. Marami tayong customer tonight because its Friday night. You know the yacht club nearby? Sila mamaya ang karamihan sa customer natin. Meron din namang suki na din dito. May pinsan din ako na member sa yacht club kaya papakilala kita mamaya". Kindat nito sa kanya.
"Nakakahiya naman ma'am. First day ko po tapos papakilala ninyo agad ako".
"Huwag ka mag-alala kasi mabait naman yun. May pagka-playboy nga lang siya. Huwag ka muna mafall sa kanya at madami ng napaluha yun", saad uli ni Queenie na kinagulat naman ni Macy.
"Basta papakilala kita at bagay kayo nun.
So panu, bihis ka na.. Hingiin mo na lang ang uniform kay Jen. Nasa reception siya. Pumili ka ng sexy ha", sambit ng dalaga uli kay Macy.
"Kaw talaga mam. Salamat po". Tugon ni Macy sa manager nila at pumunta na sa reception para humingi ng uniform.
"Hi, good evening". Bati nito sa reception na agad namang ngumiti sa kanya.
"Yes pretty. Ano yun?", bungad naman sa kanya ng receptionist.
"First day ko kasi ngayon, ang sabi ni Ma'am Quennie, dito ko kukunin ang uniform ko".
"Ah ok, Anong size mo ba ganda para mahanap ko. Sa tingin ko large na lang kasi may kalakihan ang hinaharap mo. How I wish meron ako niyan ganda". Sambit nito na kinangiti na lang ni Macy.
"By the way I'm Jen, your pretty receptionist. Dalawa na pala tayong pretty ngayon". Nakangiti pa ring saad ng dalaga na kinagaan naman ng loob mo Macy at magkakaroon na siya agad ng kaibigan sa katauhan nito.
"I'm Macy". Nakipagkamay na siya dito na tinanggap naman ni Jen.
"Salamat sa warm welcome Jen. Isusukat ko muna kung kasya to". Paalam nito sa dalaga at pumunta na siya sa employees locker.
"Suit yourself pretty. Kahit hindi ka naman mag make up napakaganda mo na. Ako itong doble na ang make-up wala namang pagbabago". Pagbibiro nito kay Macy na kinahagikgik naman nito.
"Lukaret ka talaga. Magkakasundo talaga tayo. Maiwan muna kita. Papakita ko na lang sayo kung carry na yung uniform".
"Ok ganda. Mag lipstick ka na lang ng pula para palaban ang peg at madami tayong fafa na dadating mamaya. Nagpalda nga ako ng maiksi talaga para makabingwit mamaya".
"Siya sige na, Isusukat ko lang ito".
"Go girl, ipakita mo na lang pagkatapos". Dugtong naman ng dalaga.