Hey babe ❤️

1138 Words
Nagsukat ng uniform si Macy ng uniform niya. Naexcite ang dalaga sa unang gabi sa Enclave Bar. Sukat sa kanya ang uniform na inilaan para sa bagong empleyado, it was a simple waitress dress with scarf. Lalo siyang sumexy sa uniform nya. Hakab na hakab sa magandang hubog ng katawan ng dalaga. Pinuntahan niya muna si Jen para matanong dito kung ok lang ba ang uniform sa kanya. "Jen ok na ba sa akin tong uniform o masyadong fit? May mas malaki pa bang size to?" Tanong ni Macy sa dalaga. "Oo naman, kung ako may ganyang katawan dios mio rarampa ako ng rarampa girl". "Talaga ha? Ok lang to ha. Baka naman oa to sa pagiging fit sa akin". Tanong uli ng dalaga. "That's so fab girl. Naiinis ako sa kaseksihan mo girl. Tiyak mamaya may admirer ka na agad. Bahaginan mo ako ng fafa mamaya ha. Ready ako sumalo kapag hindi mo na sila kaya. Andito lang ako girl". "Lukaret ka din talaga. Mukhang hindi ko gaanong mamimiss ang kaibigan kong beki. Pareho kayong makulit". Natatawang sambit ni Macy. "Mag-aayos lang ako unti para naman hindi ako plain looking". "Plain looking girl eh kahit wala ka ngang make-up daig mo pa ang inayusan ng bongga. Yung lips mo natural ng mapula. Napaka-unfait talaga. Nung umulan ng kagandahan nauna ka ata sa pila girl, salo mo lahat. Ako nagising na rainbow na lang ang nasa langit kaya ito lang ang nakuha", sabay turo nito sa mukha na kinahagikgik naman ni Macy. "Maganda ka Jen in your own way kaya huwag kang magsalita na pangit ka ok". "Saglit lang ako at mag-aayos na muna ako. Malapit na magbukas ang bar at hindi pa ako nabriefing". Paalam nito kay Jen na tinanguan naman ng dalaga. Naglagay ng kaunting blush on at lip tint ang dalaga. Nagustuhan naman niya ang pag-ayos niya sa mukha niya kaya lumabas na siya sa locker at dumeretso sa mga kasamahan niya. "Guys si Macy nga pala ang bagong waitress natin, turuan nyo na lang siya sa mga gagawin nyo ha. Fast learner naman yan". "Ayan may maganda na naman tayong kasama. Pangdagdag sa mga magaganda na dito", sambit ng isang waiter na nakilala ni Macy na si Jim. "Hay naku may isa na namang dumagdag sana naman hindi makakasagabal yan". Pasupladang saad naman ng makilala ni Macy na si Lexi. "Lexi tama na yan, kabago-bago lang ni Macy tinatarayan mo agad. Be nice". Sambit naman ni Jenny na kasama din nilang waitress. Tumungo na lang ang ibang makakasama niya sa bagong trabaho. Hindi naman lahat ma-peplease ni Macy kaya pakikisamahan na lang niya lahat at kailangan niya ang trabahong ito. Open na ang bar at nagsimula ng dumami ang customer. Nagkanya-kanya na silang kuha ng order ng mga ito. Tinutulungan muna ni Jim si Macy paano kumuha ng order at paano ito bigkasin. Natutuwa naman si Macy sa mga natutunan kaya hindi na niya iniinda ang pagod sa dami ng order. Habang lumalalim ang gabi lalong dumadami ang customer nila. Mga bigatin ang mga pumapasok na halos may bitbit namang kasama kaya ang sinasabi ni Jen na may mabibingwit silang pogi mukhang hindi mangyayari. Tinawag ng manager nila si Macy kaya lumapit siya rito. "Macy I want you to meet my cousin Trevor Montecillo". Pakilala nito sa dalaga na kinagulat niya. Ang lalaking muntik ng makabangga sa kanya ay nasa harapan na ng dalaga. "Quennie hindi mo man lang sinabi na andito pala ang magiging next girlfriend ko". Sabay lahad ng kamay sa dalaga. Nakipagkamay naman si Macy sa binata na mukhang presko magsalita pero kinikilig naman siya. "Cous huwag mo ng isali si Macy sa mga binibilang mong babae dyan sa daliri mo ha. Hindi siya ganung klase ng babae". "Huwag kang maniniwala sa kanya babe, I am one woman man". Ngiting sambit ng binata na nakapagpabilis ng t***k ng puso ni Macy. "Madami pa po akong gagawin mam sir". Paalam nito sa manager at pinsan nito. "Not so fast babe". Awat ni Trevor sa dalaga na aalis na. "Trevor mamaya mo na kulitin ang staff ko. Nag-aantay na sayo ang barkada mo". "Ok Cous, I'll be waiting later babe". Kindat na lang nito sa dalaga bago ito iwanan at bumalik sa mga kasama nito. "Ma'am balik na po ako. May order pa po kasi". Paalam uli ng dalaga. "Ok, just enjoy yourself. You will have good compensation here". Saad naman ng manager niya. "Salamat po ma'am", turan naman ng dalaga. Hindi na magkamayaw si Macy sa pagkuha ng order kaya tinulungan na ito ni Jim. "Salamat sa pag-alalay ha. Malaking tulong talaga". "Ang swerte nga namin ngayon at kabi-kabila ang order. Maganda kasi ang serbidora". "Asus, nambola ka pa talaga". Tinampal naman nito sa Jim sa braso nito. "Tama na ang paglalandi". Nakabusangot na mukha ni Lexi ang nakita ni Macy. "Lex ano ba, masyadong matabil yang dila mo. Bago lang si Macy kaya huwag mong pag-isipan ng kung ano-ano". "Sabi mo eh. Irap nito bago umalis". "Pagpasensyahan mo na yun, kulang ata sa tulog". "Ikaw talaga puro ka biro. Salamat ulit". Pagdaan ni Macy sa isang sulok may humawak sa bewang niya at nagulat siyang si Trevor pala yun. "Babe masyado ka naman atang komportable sa isang kasama mo. I'm getting jealous". Bulong nito sa dalaga. "Sir madami pa po akong gagawin". Piksi ng dalaga. "Nakakatampo ka naman". Saad na lang ng binata bago siya bitawan. "I'll be waiting later babe". Bulong na lang uli ng binata bago nito iwanan si Macy na namumula na. Mabuti na lang at sa bar sila kaya hindi pansin iyon. May tumatawag ng waiter sa mesa nila Trevor, nakita iyon ni Macy. Gusto man niyang umiwas ngunit siya lang ang available ng oras na iyon kaya wala na siyang pagpipilian kundi puntahan na lang. "Wow may I know your name pretty". Tanong ng isang kasamahan nila Trevor. Wala pa kasing name plate na naibibigay sa dalaga kaya hindi pa siya nakilala doon. "Macy po sir. May I take your order po?" Tanong ng dalaga sa nagtatanong ng pangalan niya. Ang gwapo din nito, matangkad din at maganda ang pangangatawan. "Mamaya na ang order namin. I just wanna know you better". Sagot naman nito kay Macy "By the way I'm Jeric Manalo". Nilahad nito ang kamay sa dalaga na tinanggap naman ni Macy. Pinisil pa nito ang kamay ng dalaga. Binawi na lang agad nito ang kamay na ayaw pa nito bitawan. "What a nice name. Macy. Baka pwede kita ihatid mamaya. Dagdag pa ng binata. "Sir may kasama na po kasi ako umuwi". Sagot na lang dalaga para tigilan na siya ni Jeric. Nakikita niya din na nakatiim bagang lang si Trevor sa tabi nito. "Bakit ganyan ka girl masyado mong iniintindi si Trevor. Hindi naman ikaw ang tipo niyang babae" Saway nito sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD