Babe bilisan na natin. Kanina pa pala tayo inaantay. Paalala ni Trevor kay Macy habang binabagtas nila papunta sa meeting place nila sa beach ang kagrupo nito.
Ikaw kasi ang harot mo pa. Panunudyo ni Macy.
Ako lang ba babe. Pareho lang naman tayo. Kung pwede nga lang hindi sumama para masolo na kita sa kwarto eh. Sagot naman ng binata na ginagap pa lalo ang kamay ng kasintahan.
Nadamay pa ako. Natatawang sambit naman ni Macy.
Pagdating nila sa meeting place. Halos kumpleto na ang grupo.
Kaya naman pala matagal pumunta ang isa dyan. May pinagkakaabalahan pala. Tudyo ng isa sa member ng yacht club.
Kaw talaga Jerry nakita mo na naman ako. Sambit ni Trevor sa lalaki at pabirong sinuntok ito.
Totoo naman pare. Kung ako naman may ganyan kagandang kasama hindi na talaga ako lalabas ng kwarto. Hindi na ako mag-entertain ng kung ano-ano. Dagdag pa ni Jerry.
May point ka diyan pare.. Si Macy nga pala ang aking pinakamamahal. Paki lala nito kay Macy na kinagulat naman ng iba na hindi pa nakikilala si dalaga.
Last month pare iba ang kasama mo ah. May bago na agad. Pagbibiro ni Willie na isa ding miyembro.
Pare huwag mo naman ibuking tong kaibigan natin at baka outside de kulambo yan mamaya. Tayo pa ang sisihin. Sambit naman ni Chris na isa din sa miyembro.
Ako na naman pinagdiskitahan ninyo. Babe huwag ka na lang makinig at baka magkatotoo mamaya na hindi mo ako patabihin. Biro naman ni Trevor na nagpapula ng mukha ng dalaga.
You are really beautiful when you blush babe. I do love you. Bulong ng binata dito na nagpakilig naman sa dalaga.
Babe you are so sweet. Ganting bulong naman ng dalaga dito at humalik pa sa pisngi ni Trevor.
Madami ding mga babae na walang mga partner ang sumama sa swimming nila kaya kuntodo kapit si Macy sa nobyo at baka malingat lang siya may kasama na itong iba. Umiling na lang si Macy sa naiisip. Namamangha siya sa nagagandahang katawan ng mga babae na sumama sa get together ng grupo. Walang tulak kabigin sa kaseksihan ng mga ito. Medyo nahiya tuloy siya sa sinuot na two piece. Pero alam naman niya na confident siya sa katawan niya. Mamaya na lang siya maghuhubad ng cover up kapag maliligo na sila.
Babe ligo na tayo? Tanong naman ni Trevor sa dalaga.
Mamaya na babe. Ikaw kung gusto mo ng lumusong, go ahead. I'll just watch you here. Saad na lang ng dalaga dito na naglatag ng mauupuan nila.
Are you sure babe. The water is so inviting. Lulusong lang ako saglit. Babalikan kita after. I'll just do some lapse. Paalam nito sa dalaga at hinalikan siya sa labi bago hinubad ang sando nito.
Napakagat labi si Macy habang tinitingnan ang kasintahan na papunta na sa dagat. Ang katawan nitong nililingon ng mga babae kahit kasama pa ang mga nobyo nito. Meron pa nga na muntik ng matumba dahil sa kakalingon ng binata.
May babaeng lumapit kay Trevor at humalik pa sa pisngi nito. Nakita iyon ni Macy kaya naningkit ang mata niya. Aba may lumalandi sa nobyo ko ah. Nagngingitngit na saad ni Macy.
Hi lover boy. Sambit ng babae kay Trevor na nagpalingon dito.
Hi Beverly. It's nice meeting you here. Sino kasama mo? Tanong na lang ni Trevor na nilingon ang kasintahan na mukhang busy sa telepono nito kaya hindi naman siya kinabahan na baka makita siyang may kausap na babae.
I just arrived last month. Sinama lang ako ng pinsan ko na may boyfriend na miyembro ng yacht club kaya ako nandito. Akala ko nga makikita kitang walang kasama pero I know knowing you hindi ka mawawalan. Are you with someone? Baka may magalit kapag kausap kita. Tanong nito sa binata.
Oo meron. Sambit naman ni Macy na nakalapit na pala sa kanila.
Nagulat si Trevor na nasa tabi na ang nobya at ang seksi ng suot nito. Gusto na tuloy niyang ibalik ang cover up na suot nito dahil halos lahat ng miyembro ay nakatuon ang pansin dito.
Babe si Beverly nga pala, isang kakilala. Sambit naman ng binata na nakahawak agad sa bewang ng nobya para ipaalam sa lahat na sa kanya ito.
Hi Macy. Ikaw pala ang kasintahan ni Trevor. Nice meeting you. Sige puntahan ko na ang pinsan ko. Nangamusta lang naman ako kay Trevor. Bye Trevor, just see you around. Dagdag na lang ni Beverly sa lalaki bago umalis.
Bakit naman babe ganyan ang suot mo. Masyadong sexy. Gusto ko na tuloy bumalik sa room at baka may makaaway pa ako.
Talaga lang ha. Eh ang suot nga nung Beverly parang wala na tapos itong akin hindi naman ganun. Naiinis na sambit naman ni Macy.
Babe eh hindi ko naman nobya yun. Ikaw kasintahan kita kaya may pakialam ako sa suot mo. Niyakap na nito si Macy na nagtatampo sa pagpuna niya sa seksing suot nito.
Babe sa dagat tayo, ano gusto mong suotin ko? Pantalon? Hindi naman appropriate diba. Inis pa rin na sambit nito.
Huwag ka na magtampo babe. Ikaw lang naman ang maganda at seksi para sa akin eh. Hindi naman ako titingin pa sa iba. Ikaw lang ang makakapagpasaya sa akin. Hinalik-halikan din nito ang babae.
Talaga babe? Nagbago na ang tono ng pananalita ni Macy sa paglalambing ng nobyo sa kanya.
Oo naman. Tara langoy na tayo. Yaya nito sa dalaga.
Nagpaligsahan pa ang dalawa sa paglangoy na parehong ayaw magpatalo.
Babe thank you for bringing me here. I love the place. Ang ganda talaga.
You deserve to be here babe. You deserve to be loved. Sambit nito sa dalaga na naluluha na naman.
Babe why are you crying? Sambit naman ng binata sa kasintahan.
I was just happy babe na minahal mo ako. It was surreal. Mahinang hikbi pa nito.
Babe baka naman ano isipin nila na umiiyak ka. Pabiro na lang na sambit ng binata at kinabig na ang kasintahan.
This was tears of joy babe. Hindi mo naman ako paiiyakin eh. Kasi pag nagkataon, mata mo lang ang walang latay. Pagbibiro na lang nito sa binata na yumakap na din dito. Napakasaya niya na nakasama ang binata sa magandang lugar na yun.