Pagkatapos kumain nila Trevor bumalik muna sila sa hotel para makapagpahinga at sasama sila sa grupo para maligo. Nahihiya na silang hindi nakikibonding dito.
Babe ano susuutin mo? Tanong ni Trevor sa dalaga habang nakayakap dito na nanonood ng TV.
Surprise na yun babe. Wala ng thrill yun kapag pinakita ko na agad. Dapat secret muna. Sagot naman ng dalaga na sumiksik naman sa dibdib niya.
Babe tama na ang pag-amoy amoy sa akin at baka hindi tayo makalabas ng tama sa oras dito. You are making me h.....y again. Bulong niya kay Macy na nagpapula sa mukha nito.
You're so pretty when you blush babe. Huwag na kaya tayo sumama. Parang gusto ko magkulong na lang muna at samyuin ang bango mo.
Ayan ka na naman babe. Pinairal mo na naman ang kamanyakan mo. Natatawang sambit naman ni Macy kay Trevor.
Sayo lang naman ako namamanyak babe. Madikit ka nga lang sa akin, para na akong nililiyaban sa init. Halika nga dito babe. Pinatayo niya si Macy at hinila ng mabilis kaya napakandong ito sa kanya.
Babe ano ba. Mamaya hindi nga tayo makaalis. Pagbibiro ng dalaga na marahang kinagat ang tenga ng binata na bigla naman nanigas.
Babe huwag mong ulitin at baka makatikim ka na naman ng anaconda. Natatawang saad nito sa dalaga na hinalikan naman ang pisngi nito.
Ikaw nga itong kanina pa maya't maya tsansing sa akin babe eh. Ako pa itong pagbibintangan mo na nagsisimula ng pag-iinit mo. Siniksik na lang niya ang mukha sa leeg ng binata na hinalikan naman ang noo niya.
Babe sana tuloy-tuloy na itong relasyon natin ha. Ayokong mawala ka sa paningin ko.
Ano bang meron tayo babe? Pagkaklaro ng dalaga. Gusto niyang malaman kung ano ang estado niya sa puso binata kasi siya alam niya kung ano ito sa kanya.
Hindi mo pa ba alam babe? Pagtatampo nito sa dalaga.
Kaya nga kita tinatanong kasi hindi ko alam. Painosenteng turan ng dalaga para lang makasigurado siya kung ano ba talaga meron sila at baka nag-aasume lang din siya.
Babe naman, hindi pa ba halata na mahal na mahal kita. Girlfriend kita. Masuyong sagot naman ng binata na kinasiya ng damdamin ni Macy.
Nangunyapit na si Macy sa leeg ni Trevor at humalik pa dito ng masuyo.
I love you babe. Akala ko laro lang ang gusto mo. Naluluha pang sabi nito kay Trevor.
Babe naman, I'm not playing games. Mahal kita tatandaan mo lagi yan. Masuyong sambit ng binata at hinalikan ang dalaga na puno ng pagmamahal.
I hope magtagal tayo babe. Ayaw ko kasi na mawala ka sa akin. Gusto ko ikaw na hanggang dulo. Kaya sana huwag kang gagawa ng bagay na ikakagalit ko sayo at maging dahilan para bitawan ko ang relasyong ito. Madamdaming sambit ng dalaga na hinilig ang ulo sa dibdib ng nobyo.
Babe asahan mo na magiging faithful ako. Huwag mo lang pakinggan ang mga tsismis kasi madami talaga akong past. Pero ikaw naman ang present at future ko. I swear that I will love you no matter what problems we will encounter. Sana ganun ka din sa akin. Huwag mo akong iiwan babe kapag hindi na maganda ang nga nangyayari. Makahulugang sambit naman ni Trevor.
I promise to love you at your best and especially at your worst babe. Sambit naman ni Macy na nagpahigpit ng yakap ni Trevor sa kanya.
I am so happy babe na pinapahalagahan mo ako. Salamat. Dagdag pa ni Macy.
I will sealed our promises with a kiss. Saad naman ni Trevor na dahan-dahang lumapit sa dalaga na sinalubong naman ang halik na ipagkakaloob niya dito.
I love you babe. Thanks for coming into my life. Huwag ka lang maniwala agad sa tsismis ha, baka iwanan mo ko agad. Dagdag biro pa nito sa dalaga.
Basta ba hindi naman dapat pakinggan hindi yun magiging dahilan para magalit ako sayo. Sagot na lang ng dalaga.
Babe magbihis ka na at aalis na tayo. Utos nito sa kanya.
Ikaw babe? Magbibihis ka na din ba? Tanong naman nito kay Trevor.
Mauna ka na. Sagot naman ng binata.
Bakit mauuna pa ako eh pwede naman tayo magsabay.
Babe baka hindi na tayo makaalis kapag sabay tayo magbihis. Kanina pa naman ako nanggigil sayo. Nakangising saad nito sa dalaga na bigla namang pumasok na sa banyo.
Huwag na nga baka hindi mo na naman ako tantanan. Tumatawaang saad naman ni Macy at nilock na ang banyo.
Nakahibis na si Macy ng pangligo pero may cover up siya kaya hindi pa makita kung ano talaga ang suot niya.
Wow. Ang sexy ng babe ko. Mukhang may surprise pa yan sa loob ah. Pilit tinitingnan ng binata ang loob ng cover up pero umiiwas naman si Macy.
Babe mamaya na. Huwag kang makulit. Magbihis ka na dun. Tinulak naman ni Macy si Trevor sa banyo para hindi na ito mangulit pa.
Nagsusuklay na si Macy paglabas ni Trevor. Nakasando na ang binata at board short. Ang gwapo nito sa suot na pangligo.
You are so hot babe. Halika nga dito. Sambit ng dalaga na pinugpog ng halik ang binata pagkalapit sa kanya.
Babe mamaya mo na ako papakin. Malelate na tayo. Natatawang sambit naman ni Trevor dito.
Bigla naman tumahimik si Macy at lumayo kay Trevor. Napansin ito ng binata kaya lumapit siya dito at niyakap niya si Macy.
Babe what's wrong? May nasabi ba ako. Tanong ng binata habang kumalas muna sa pagkakayakap dito at tiningnan ang mukha ng dalaga.
Ayaw mo kasi na nilalambing kita. Hinahalikan lang naman kita. Pagtatampo ng dalaga dito.
Babe sorry kung naramdaman mo na ganun ang sinabi ko. I was just kidding. Matampuhin naman itong babe ko. Ito na papakin mo na ako. Nakadipa pa siya na para bang handang magpapapak.
Nakangiti na si Macy at lumapit na sa binata para pugpugin ito ng halik. Napuno ng tawanan nila ang buong kwarto.
Tara na babe. Yaya ni Trevor ng magring ang telepono nito at ang lider nila ang tumatawag.
Wait babe. I'll just get my bag. Nagdala kasi ng pamalit na sundress ang dalaga at undies para pag-uwi nila hindi siya basa.
Magkahawak kamay na ang magkasintahan na pumunta sa lugar kung saan magtitipon ang grupo nila Trevor.