bc

My GATE CRASHER FIANCÉE

book_age18+
210
FOLLOW
1K
READ
forbidden
arranged marriage
drama
comedy
sweet
enimies to lovers
rejected
sassy
love at the first sight
engineer
like
intro-logo
Blurb

Nabigo ako sa pag ibig sa babaeng pinangarap ko. Tinanggap ang lahat...pinalaya ko ito upang sumaya.

Ako kaya? Mararanasan ko pa ba ang sumaya sa taong nakalaan saakin?

Dati ang gusto ko kagaya niya...

Bakit kabaliktaran ang pinadala?

Ang masakit pa... napakakulit niya. Spoiled Brat.. halos hindi mapirmi sa isang lugar.

Oh! Shakira!!

chap-preview
Free preview
Shakira
ELO POV Kakaunti lang ang tao. Mga piling mga bisita lang ang naimbitahan. Ang nagparami lang dito ay ang angkan. Tumunog ang phone ko kaya lumayo muna ako.. Dito sa Resort ng Grazeter ginanap ang kasal dito sa Probinsya. " Hello?? - - hello----Hindi kita marinig****sh*t!" Nahulog ang phone ko ng may bumangga sa akin na babae. " Oh my gosh sorry!" sabi nito. Pinulot ko ang phone ko at hinarap siya. " Sino ka? Bakit ka nandito?... gate crasher ka ano!" " H-hindi ah!... sumisilip lang ako sa kasal na nagaganap" Tansa ko sa kanya ay mas bata ito kaysa sakin. Parang nasa 24 palang ito. " Bawal ang gate crasher dito... Guard! Guard!" " hoy! Sabing di ako gate crasher eh..." " Guard!.... Gua-----" tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kanyang kamay. " shhhhh... napakaingay mo.. Sabing di ako Gate crasher eh..." Tinanggal ko ang kamay niya sa bibig ko. " bitawan mo nga ako... wala kang karapatang hawaka----" Pinutok na naman niya ang sasabihin ko nga. Hinatak ako sa may mga halaman. Para kaming batang nagtatago sa kalaro namin. " shhhh wag kang maingay... andyan na sila.." Napasilip ako sa sinasabi niya. May tatlong lalaking naka black polo at naka tuck in. " Madam.... natakasan po kami" sabi ng isang nakaitim sa kausap niya sa cellphone. " doon siya nagtungo... dali!" sabi ng isa. Pagkaalis nila. " Kuya please... isama mo naman ako dyan sa kasiyahan... please!..nagugutom na ako eh. Kainan ata dyan." , ? hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaharap ko. Hindi pa nga ako nakakapag Oo ay hinatak na niya ako papasok sa ceremonya ng kasal. Nagulat bigla sila Mama ng may kasama na akong babae. Na ako pa ang hinahatak. Oh great! ?‍♂️ ELO POV Pabalik na ako sa kwarto ko dito sa resort. Katatapos lang ng kasal nila Earth. Napansin kong may sumusunod saakin. Kaya sa sumunod na floor ay nagtago ako para malaman kung sino ang sumusunod saakin. Narinig ko ang yapak na malapit na ito. Kaya sa huling hakbang niya hinatak ko agad ang kwelyo niya at sinandal sa pader. " Ouch!" daing nito. Halos muntik ng magkadikit ang labi namin ng matanto ko na yung gate crasher pala ang sumusunod saakin. " Ikaw!?" " hehehe... ako nga.." " Bakit mo ako sinusundan?" " K-kasi ano... ah... w-wala kasi akong pera." Halos lumaki ang mata ko ng sabihin niya iyon. " Paano ka nakapasok dito sa resort kung wala kang pera?" Lumingon ito sa baba. " naku andyan na naman sila... Please Manong.. tulungan mo ako. May humahabol kasi saakin mga goons... gusto akong patayin.." Napailing nalang ako sa sinabi niya. Ano ba itong batang ito. Ginawang play ground ang resort. " Please nagmamakaawa ako Manong..! " ".... yah sige na paakyat na sila dito... Please! " maiyak iyak na ito. Nakaramdam ako ng mga yabag sa baba kaya hinatak ko ang babae papasok sa kwarto ko. Tinakpan ko ang bibig niya para hindi ito mag ingay. Sumilip ako sa bintana. " Mukhang wala siya dito sa Resort... tara na.. baka nakalayo na yun dito... malilintikan tayo." sabi ng lalaki. Pagkaalis nila siya namab pagkaalis ng kamay ko sa bibig niya. Nagtama ang mga mata namin. Hindi ko alam bakit parang may spark sa pagitan namin. Napatulak ko naman ito na muntik na niyang ikatumba. Agad kong hinawakan ang bewang niya upang masuportahan. Agad ko din siyang binitawan. " Sino ka ba?" tanong ko Inilahad niya ang kamay nito. " ako si Shakira..." Tinignan ko lang ang kamay niya. " Elo..." tipid kong sagot. " Bakit ka ba nila hinahabol?" " tumakas kasi ako... ibebenta nila ako sa kliyente nila." Kawawa naman. Binubugaw siya ng magulang niya? " mga magulang mo ba ang bumubugaw sayo?" Tumango ito at umupo sa kama. Humikab ito na parang antok na antok. " Sandali.... ang dumi dumi mo oh.. " Tinignan naman niya ang kanyang sarili. " Wala naman akong damit... Pwede ba akong umidlip?.." " Magshower ka muna bago ka matulog... sandali kukuha ako ng pamalit mo." Kumuha ako ng long-sleeved ko para maisuot niya. " ito.. gamitin mo muna. Mamaya ay bababa ako para makahiram ng damit sa mga pinsan ko. " " Salamat Manong... " Tsk Manong? " Anong Manong? " " Manong ka naman talaga diba? Kasi halata na mas matanda ka sa akin... ako kasi 25 palang ako..." Mas matanda nga ako sa kanya... 32 ko na kasi. Pitong taon ang agwat namin. " Mas matanda nga ako sayo... sige na magshower ka na at ako ang susunod." Tumalima naman ito. Ang kaso ang tagal niyang magshower halos 20 minuto na itong nasa loob. Kanina pa ako kating kati sa suot ko. Nakaidlip na ako ng matapos ito. " ahhhh..... freshness na ako! " sigaw niya. Kaya nagising ako. " Ang tagal mo magshower..." " Naligo na ako kasi ang baho na ng buhok ko... Hehehe ikaw na sumunod." Napatingin ako sa kanya. Kaya napalihis agad ang tingin ko. Wala itong suot panloob kaya halata ang kanyang.... Tsk kakainis. Hindi ko masabi. Agad akong pumasok sa banyo. Hindi ba siya aware na lalaki ako at ganun ang suot niya.? Kailangan kong makahiram ng damit niya hindi pwedeng ganun ang suot niya habang magkasama kami sa iisang kwarto. Pagkatapos kong naligo, halos bumaba na ang mata niyo sa antok. " Bakit hindi ka pa matulog?" " basa pa ang buhok ko eh... Masakit ang ulo ko kapag nakatulog ako ng basa ang buhok" Tsk.. kinuha ko ang blower na nasa banyo. Ang kaso maigsi ang wire ng blower sakto lang sa banyo. " halika dito..gamitin mo itong blower... Hindi kasi aabot ang wire kapag dyan isasaksak." Pumasok naman ito na humihikab. " eto na ang blower...... oopss! " inabot ko sa kanya. Muntik ng mahulog dahil sa inaantok ito. " Akina na nga... ako na..!" Para akong may kapatid na blinoblower ang buhok. Sakto lang ang haba ng buhok niya ang kaso makapal kaya matagal matuyo. Nakaharap kami sa salamin. Kitang kita ko kung paano bumababa ang talukap ng mata nito. Napapangiti nalang ako dahil sa itsura niya. Nang matuyo ito hinawi ko ang buhok niya palikod ng makita ko kung gaano kanipis ang balat sa leeg niya. Napalunok ako bigla. Ano ba itong iniisip ko? " Pst! tapos na... matulog ka na sa kama." Dumilat ito at napatingin sa salamin. Nagtama muli ang mata namin. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. " Salamat Manong..." humikab ulit at nagtungo sa kama. Napahawak ako sa dibdib ko. " no... Not her! " Iniwan ko itong natutulog sa kwarto at bumaba para humiram ng damit para sa kanya. Nakita ko si Layla magkasing katawan kasi sila. Layla ay anak ni Tita Ayvah. " Layla... may extrang damit ka ba?" Nagtaka naman ito. " Bakit kuya? Saan mo gagamitin?" " Ah kasi... yung nakasalo kanina ng bouquet... walang extrang damit...hihiram sana ako.. kahit yung ano.." Hindi ko masabi sabi... " Ano yung ano Kuya?. " " Yung ano... tsk...yung nasa loob ng ano niyo.. Yung... " Biglang sumingit si Ivo. " Yung undies daw... " sabat niya. Halos mamula ang tenga ko sa kahihiyan. " Seryoso ka Kuya Elo? " " please wala siyang extrang damit.. Nabasa niya kanina.. ayoko namang magkasama na wala siyang saplot no" Halos lumuwa ang kanilang mata ni Ivo. " Syemay ka Elo... nadali mo agad?" Tinignan ko ng masama si Ivo. " Shut up!... anong nadali... nabasa lang siya kanina sa pag shower alangan naman ulitin niya yung ano niya." " Wait... kukuha ako Kuya. May mga undies naman akong bago... kasya siguro sa kanya" " wag mo akong tignan ng ganyan Ivo...baka sabihin ko kay Emerald ang kalokohan mo sa Australia noon." " hoy... Walang ganyanan Elo... wala naman akong sinabi ah..." Pagbalik ni Layla inabot niya saakin ang isnag paper bag. " Ito na kuya..." " Salamat... " Iniwan ko agad sila. Baka kasi magtanong pa sila marinig pa nila Mama. Pagbalik ko sa kwarto. ? Hindi ko inaasahan ang nakita ko. Lumitaw ang maputing legs niya sa pagkatagilid nito. Binaba ko ang paper bag at lumapit sa kanya. Inayos ko ang damit niya. Tsaka kinumutan. Pinahinaan ko ang aircon para hindi ito lamigin. Natulog ako sa may sofa. Gentleman akong tao... maging kay Earth nga ay hindi ako nag take advantage sa kanya noon. Pinalaki kaming nirerespeto ang mga babae. Kinabukasan. Mga katok ang gumising saakin. Naka topless lang ako ng buksan ang pinto. Nagulat ako ng makitang nasa labas sina Mama at Papa. " Pagkain ba yan?" Lalo akong kinabahan ng magsalita yung babaeng nakahiga sa kama. " Elliott?" Mama Napatingin ito sa kama at nagulat ng may nakahigang babae. " Jusme kang bata ka! Sino yan?" turo ni Mama " Ma... let me Explain..." Pumasok sila at nakitang kinukuskos ni Shakira ang kanyang mata. " Hi po... Good morning.." bati niya sa magulang ko. Lalong lumaki ang mata nila ng bumangon ito at ganun ang damit niya. " Elliott... Anong kalokohan ito? " Papa Hindi naman sila galit. Kinuha ko ang paperbag at inabot kay Shakira at tinulak sa banyo. " Magbihis ka ako na kakausap sa parents ko... May extra toothbrush dyan sa drawer... Wag ka munang lalabas habang andyan sila ok? " Nag OK sign naman ito. Nasermonan naman ako ke aga aga. Hindi sila galit dahil sa nakita nila. Nag explain naman ako sa kanila. Ngayon ay naintindihan naman nila. Naawa nga si Mama dahil sa nalaman niyang hinahabol ito para ibenta ng sarili niyang magulang. Nang makaalis sina Mama. " Shakira lumabas ka na dyan." Nakabihis na ito. " Manong... nagalit ba sila sayo? Ipagtatabuyan ba nila ako dito?" malungkot niyang tanong " Hindi... ipinaliwanag ko na ang sitwasyon mo... pumayag na dito ka muna.." Lumiwanag naman ang mukha niya. " Thank you Manong! " Sa sobrang tuwa niya ay napayakap siya saakin. Awkward... Niyaya ko siyang mag almusal sa baba kasama ang mga angkan. Ang iba ay umuwi na dahil may mga trabaho pa sila. Syempre hindi mawawala ang interrogation sa pamilya. Kaya hinayaan ko nalang na siya ang sumagot. Kinalabit naman ako ni Phobos dahil siya ang katabi ko. " Ang bilis mo makahanap ah... tignan mo halos hindi makakain si Shakira sa mga interview sa kanya. Hahaha" " Hoy! yan yung nakasalo ng bouquet kahapon ah... tinira mo agad?" lintik naman na magkambal na ito. " Yung bunganga niyo MONTEVERDE..." pagbabanta ko sakanila Pinagtawanan lang nila ako. " Bata pa ata... kaya pala narinig kong Manong tawag sayo." pahabol pa ni Phobos. Paano ko ba ilalayo sa tsismis ng angka ang batang ito. Ayoko din iwan siya dito dahil pagpipiestahan lang siya ng mga pinsan kong kaedad niya. Wala akong choice kundi isama ito sa condo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

PLEASURE (R—**8)

read
58.0K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.7K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.5K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.8K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook