Ipinatong ko ang mamahalin kong bag sa ibabaw ng counter ng receptionist. Nasa 13th floor ako at bibisitahin ko ang mga big bosses ko na nasa 15th floor. Kailangan ko pa kasing dumaan sa 13th floor para kumuha ng passes. “Hi! Pupunta ako sa itaas ngayon para makausap ang management,” taas noo kong sabi sa receptionist. Napansin ko na tinaasan niya ako ng kilay. Hindi rin ako nagpatalo at ganoon din ang ginawa ko sa kaniya. “Hey! Hindi mo ba ako naririnig?” tanong ko sa kaniya noong umiwas siya sa akin nang tingin. Nag-busy busyhan siya at inayos niya ang mga papeles na nasa ibabaw ng counter. Tinawag ko pa rin siya pero inignore niya lang ako! “Bingi ka ba? Sinabi kong kailangan kong pumunta sa taas!” Taas noo niya akong tiningnan. “Huwag ka ngang magtapang tapangan dito. Hindi ka na s

