Kabanata 1
Ang pagiging artista ay hindi madali. Maraming mga taong nakasubaybay sa bawat kilos at pananalita. Ang hindi nila magustuhan ay laging tinutuligsa.
Ang kapalit ng kasikatan ko ay kalayaan. Hindi ko na pwedeng gawin pa ang mga simpleng bagay na ginagawa ng ibang normal na tao. Ang lahat ay may restriction.
Hindi ako maaaring umalis nang mag-isa. Hindi ako pwedeng magtagal sa public places dahil baka may makakita sa akin at pagkaguluhan ako. Higit sa lahat, bawal akong makipag-date dahil mayroon akong ka-love team na dapat pahalagahan. Ang pangalan namin ay kailangan kong ingatan.
“Vetari, hintayin mo ako rito sa sasakyan. Titingnan lang namin kung maraming tao ngayon sa Mall,” rinig kong sabi ni Kelly- siya ang manager ko. Tatlong taon lang ang tanda niya sa akin.
Limang taon niya na akong minamanage. Hindi pa kami sobrang close dahil masyado siyang mailap sa akin. She doesn’t treat me as a friend nor family. Ganoon din ako sa kaniya. We are just a colleague.
Well, I really don’t care if she’s not friendly, huwag niya lang akong tatraydurin.
Dati ay si Mama pa ang manager ko pero nagkaroon kami nang hindi pagkakaunawaan kaya pinabayaan niya na ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakaayos. Kahit text na kumustahan ay hindi namin magawa sa isa’t isa. Hindi na rin ako nauwi sa bahay namin. Sa condo na lang ako tumitira.
Napabalik ako sa realidad noong bumukas ang pinto ng sasakyan. Panandalian pala akong natulala dahil sa pag-iisip. Napatingin ako sa kanila. Bumaba si Kelly sa sasakyan at pagkatapos ay humarap siya sa akin. Kasunod niyang bumaba si Tiffany- siya ang aking P.A.
Tumingala si Kelly upang salubungin ang aking tingin. Walang reaksyon ang aking mukha habang umaayos ako sa pagkaka-dekwatro. Minsan lang naman ako ngumiti. Depende pa rin talaga sa mood ko.
Ngumiti siya sa akin ngunit ngumisi lang ako sa kaniya. Umiwas siya nang tingin sa akin at pagkatapos ay kinausap niya si Tiffany. Pinagmasdan ko lang sila habang nag-uusap sila nang masinsinan.
Mas close ko si Tiffany dahil sobrang tagal niya na sa akin. She’s with me na since day one. Kasama ko na siya mula noong hindi pa ako sikat hanggang sa sumikat ako. I was seven years old noong ma-discover ako. She’s eighteen naman that time. She’s thirty eight years old now. Unmarried and still single. Matagal ko na siyang pinipilit na mag-asawa pero ayaw niya. She said that she’s still not ready.
Crazy! How can she still not ready kung sobrang nakalampas na siya sa petsa ng calendar? Sino bang hinihintay niya? Muling pagkabuhay ng love of her life noong panahon pa ni kopong kopong? Napairap ako sa kawalan. Sayang ang kagandahan niya.
Hinayaan ko silang mag-usap at ibinalik ko ang atensyon ko sa aking cellphone. Nag-browse ako sa Twitter at napangiti ako nang mabasa ko ang mga papuri sa akin. Trending na naman ako dahil sa kagalingan ko sa pag-arte. They said that I’m so pretty and magaling na artista. Kaya kong gawin ang lahat ng roles na ibinibigay sa akin. Well, no need pa na magpa-humble ako kasi totoo naman ang lahat ng kanilang sinasabi.
Napahawak ako sa aking labi noong mabasa ang isa pang papuri sa akin. Mahinang hagikhik ang aking ginawa.
I’m so proud to say that I’m a great actress. Masaya kong hinawi ang aking maganda at tuwid na buhok. Walang makakatalo sa akin. 2ne1 said that I am the best!
Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Kelly. Napaalis sa cellphone ko ang paningin ko at napalipat sa kaniya ang mga mata ko. Nakita ko ang kaniyang pawisang mukha kaya napangiwi ako nang kaunti. Yuck! Hindi siya pleasing sa mga mata ko. In english… she’s not aesthetically pleasing in my eyes!
Ang ayoko sa lahat ay pawis. I hate it when I see it and smell it. It’s nakakadiri.
Agad kong kinuha ang aking worth eight thousand handkerchief sa aking Pochette Felicie Louis Vuitton bag.
“Wipe your sweat first,” sabi ko sa kaniya habang nakangiwi. Inabot ko sa kaniya ang aking panyo. Napatingin siya rito, but seconds later she looks at me again.
Sa una ay nag-alangan pa siyang kunin ito pero pinandilatan ko siya ng mga mata.
Kinuha niya agad ang aking panyo at pinunasan niya agad ang kaniyang pawis. I don’t want them to look like a dugyot. I always want them to be hygienic and fresh. Lahat ng staffs ko dapat magandang tingnan!
Napalipat agad ang tingin ko kay Tiffany. Nakatitig siya sa cellphone niya. Yumuko ako at pagkatapos ay kinuha ko ang pitaka ko at inilabas ko ang atm card ko. Ibinigay ko ito kay Tiffany. Alam na niya ang gagawin niya rito.
She needs to buy our groceries for this month. Hihiwalay na siya sa amin dahil matatagalan siya sa pamimili. May driver na susundo sa kaniya mamaya.
“Kelly, Huwag mong tagalan, ha? Ayokong naghihintay nang matagal,” bilin ko sa kaniya.
Tumango siya sa akin at pagkatapos ay inayos niya ang bag niya. Mas nasusunod pa rin naman ako kahit na manager ko siya. Para nga kaming baliktad eh! Tiklop siya pagdating sa akin.
“Huwag kang mag-alala, mabilis lang ako.” Tipid na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Umalis na rin sila kaya muli kong ibinalik ang atensyon ko sa aking cellphone.
Tuwing pumupunta kami sa Mall ay ganito ang ginagawa namin. Hihiwalay si Tiffany upang bumili ng mga groceries at si Kelly naman ay unang aalis upang tingnan kung marami bang tao sa Mall.
Pag maraming tao ay hindi ako pwedeng pumasok sa Mall. Nagkakagulo kasi ang mga fans ko at ibang tao tuwing nakikita ako. I’m so gorgeous kasi.
Naramdaman ko na biglang uminit kaya naman napatunghay ako. Tumaas ang aking kilay habang tinitingnan ang lalaking nasa driver seat. Likod lang niya ang nakikita ko pero sigurado ako na kitang kita niya ang ekspresyon sa mukha ko dahil sa salamin.
“Manong, paki-paayos ng aircon ng sasakyan. Mahina na naman ang aircon!” mataray kong utos sa kaniya.
Narinig ko ang pagsinghap niya nang malakas. Ang maayos niyang pagkakaupo ay nawala dahil sa paglingon niya sa akin. Hindi pa siya nakuntento at pumihit pa siya patalikod upang humarap sa akin.
“Manong? Magkasing edad lang tayo, Ma’am Vetari,” mariin niyang sabi habang nakakunot ang kaniyang noo.
“May wrinkles ka na,” nang-aasar na sabi ko. Ibinalik ko ang atensyon ko sa cellphone ko at itinuloy ko ang pagbabasa ko.
“Sa gwapo kong mukha? Baby face pa ako!” pagtatanggol niya sa kaniyang sarili.
Umirap ako at pagkatapos ay tiningnan ko siya. “Ang dami mong sinasabi. Gawin mo ang inuutos ko!” mataray na sabi ko.
Lagi na lang siyang nagrereklamo. Minsan talaga ay nakakarindi na...wait, no! Lagi pala akong naririndi sa mga pang-aasar at reklamo niya. Wala siyang galang sa akin kahit na ako ang boss niya!
“Maam, hindi po ako marunong gumawa niyan,” wika niya sa nang-aasar na boses.
Tumaas ang kilay ko dahil sa kaniyang sinabi. Lagi siyang reklamo, hindi man lang intindihin ang aking sinabi.
I said paki-paayos not ayusin!
“Sinabi ko bang ikaw ang gumawa? Hindi naman, diba? Dalhin mo bukas sa repair shop!”
“Opo. Opo!” sagot niya habang nakangisi sa akin. Umirap ulit ako at pagkatapos ay nangigigil na ibinalik ko sa cellphone ko ang atensyon ko.
“Ibibigay ko bukas ang pera,” mahinang sabi ko habang pinapakalma ang sarili ko.
Chill, Vetari. Don’t make patol with him!
Konting sagot niya lang talaga sa akin pero lagi nang umiinit ang ulo ko sa kaniya.
“Opo.”
Hindi na ako umimik pero umirap ako sa kawalan. Nag-focus ako sa pagbabasa sa mga positive tweets ng mga fans ko pero napatigil ako nang muling sumitsit sa akin ang lalaking araw-araw gumugulo sa buhay ko.
“Maam, Pwede po bang mag-cr?” wika niya at narinig ko ang pagtawa niya.
Napapikit ako nang mariin. Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Tumingin ako sa kaniya at nanggigigil na ngumiti ako. “Go! Nagtatanong ka pa sa akin! Pwede mo namang sabihin na lang.”
“Maam, baka po kasi hindi mo ako payagan,” nakangisi na sabi niya kaya tumaas ang kilay ko.
“Paano mo nasabi? May hawak ba akong cr? Pag hindi kita pinayagan, sasabog ang pantog mo.” Inirapan ko siya.
“Galit na naman,” bulong niya habang nakangisi.
“Anong binubulong bulong mo d’yan?” naiinis kong tanong sa kaniya.
“Wala po. Alis na po ako, Ma’am!” nagpapaalam na sabi niya at binuksan niya na ang pinto ng kotse.
“Alis na. Pinapainit mo ang ulo ko.”
“Kung bago lang ako sa trabaho ko, malamang iiyak na ako dahil sa katarayan mo,” wika niya bago siya tumawa.
“Limang taon ka pa lang sa akin,” pagpapaalala ko sa kaniya. Nagsisisi talaga ako na siya ang pinili ko bilang bodyguard ko.
“Pwede naman akong maging driver at bodyguard mo habang buhay. Basta ba pakasalan mo ako,” malakas ang loob na sabi niya kaya pinulot ko ang tissue box na nasa tabi ko. Binato ko sa kaniya ito pero nasalo niya naman ang bag. Isang deadly na irap ang ginawa ko.
“Lumayas ka na. Nagdidilim ang paningin ko sa’yo,” mataray na sabi ko.
“Opo. Opo!” Tumawa siya at pagkatapos ay lumabas na siya sa sasakyan.
Noong umalis siya ay natahimik ang mundo ko ngunit hindi naman ako mapakali dahil sa sobrang init. Apat na minuto ang lumipas, hindi na ako nakatiis at lumabas na ako. Malakas kong isinara ang pinto at pagkatapos ay lumapit ako sa unahang pinto.
“Nakakainis! Ang init!” reklamo ko habang binubuksan ko ang pinto sa unahan. Mabilis akong pumasok ngunit hindi ko sinaraduhan ng tuluyan ang pinto upang makapasok ang hangin.
Itinuloy ko ang pag-scroll ko sa twitter ngunit napatigil din ako nang napansin na pumarada ang magandang sasakyan sa gilid ng kotse ko.
“Oh my gosh! It’s Ferrari 458 Italia! My dream car!”
Excited na pinagmasdan ko ito hanggang sa maayos itong pumarada sa tabi ng sasakyan ko. One year ago inilabas ang statement na mayroong new car na ire-release. Nagustuhan ko dahil sobrang ganda ng car na ito. Isang taon ko nang pinag-iipunan ang dream car ko pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito mabili dahil limited pa ang availability nito. It’s not available here in the Philippines, and my money is still not sapat.
The owner of this car must be a f*****g hella billionaire! Afford niya agad ang bumili, even if kakalabas lang nito sa market last week!
Mahal na nga ang binayad sa car then super mahal pa nang pag-ship nito here in our country!
Napatigil ang pagtitig ko rito nang biglang may bumusina sa kabila. Napatingin ako roon at pinagmasdan ko ito. May pumarada rin na kotse sa kabilang gilid ng sasakyan ko. Napataas ang kilay ko nang makita na hindi kagandahan ang kotse. It’s cheap!
Bumaba ang lalaking sakay sa cheap na sasakyan. Napansin ko ang itsura niya. Hindi ko maiwasang mapanguso dahil sa mukha niya.
He’s good looking naman. Super gwapo but his car isn’t my type.
Pinaggitnaan ako ng maganda at panget na kotse.
Napalingon ako sa dream car ko nang narinig kong tumunog ang busina nito. Nakita kong bumukas ang pinto at lumabas ang isang magandang babae.
May lumabas din na isang lalaki na sa palagay ko ay driver niya. Hindi ko na sinaraduhan pa ang pinto ng kotse ko, wala na akong pakialam kahit na makita pa nila ako. I just wanna stare at her car.
Nakakainggit. I want that one, too!
“Ma’am Amara, hihintayin pa po ba kita o sasabay ka na po kay Sir Orion?” tanong sa kaniya ng driver niya.
Nakita ko ang magandang ngiti niya. She’s so gorgeous even if she’s just wearing a simple dress. Well, I’m also gorgeous but kailangan ko pa ring magpaganda at magsuot ng mamahaling mga damit! I’m not attractive kasi if I’m just wearing a simple dress! Life is so unfair!
“Hintayin mo na lang po ako, Manong Tonio. Hindi ko pa po kasi sigurado kung anong oras matatapos si Sibuyas sa pagsu-supervise niya sa supermarket,” sagot niya sa driver.
Sibuyas? What a weird endearment! Crazy!
“Sige po. Hihintayin na lang po kita rito,” sagot ng driver niya. Nagpaalam na ang babae sa driver niya.
Pinagmasdan ko lang siya sa paglalakad sa unahan ng kotse ko. Sakto naman na biglang nakasalubong niya ang gwapong lalaki na may-ari ng panget na kotse.
Napansin ko ang nagulat na ekspresyon nilang dalawa. Ipinasok ko sa bag ko ang aking cellphone. Ibinalik ko ang atensyon sa kanilang dalawa. Napasandal ako at pinanood ko sila. Did they know each other?
“Amara?” gulat na sabi ng lalaki.
Oh? I think so!
Napansin ko ang pagngiti ng babaeng nagngangalan na Amara. I love that name.
The word "Amara" in Italian means bitter. In the Igbo language naman of Nigeria, it means grace. And in Sanskrit, it means immortal.
Kung magkakaanak ako, I want to name her Amara because I’m pretty sure she’s gracefully beautiful like me.
“Senorito Tremor?” masayang sabi ni Amara sa lalaki.
Tremor? Okay, his name is kinda cool, but his car is panget!