Kabanata 2

2100 Words
“Kumusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkikita,” masayang sabi ni Tremor. Pansin ko na parang nabuhayan ang kaniyang mga mata. I can see from here na ngumiti si Amara sa kaniya. Ang pretty naman ng kaniyang pag-smile pero mas maganda pa rin ang smile ko. may dimples kasi ako while siya naman ay wala. “Sampung taon na. Bente anyos pa tayong dalawa noong huli tayong nagkita. Ang bilis ng panahon. Maayos naman ako. Ikaw ba? Kumusta ka na?” pagtatanong pabalik ni Amara. Kumustahan stage again? That's boring. Halata sa kanilang dalawa ang slight na awkwardness. “Pwede ba tayong kumain sa isang restaurant habang nag-uusap?” suhestiyon ni Tremor. Napansin ko na napakamot sa batok si Amara. “Gusto ko sana kaso may kailangan pa akong gawin. Kukunin ko pa kasi ‘yung cake na pinagawa ko sa isang shop sa Mall,” sagot niya rito ngunit naging mahina ang boses niya. Napakunot ang noo ko. Baka hindi ko na marinig ang susunod niyang sasabihin. Napahawak ako sa dashboard para mapalapit. “Birthday mo ba?” mahina ang boses na tanong ni Tremor. Napabuntong hininga ako dahil sa boses nila. Can they make it loud naman? Ang hirap makarinig eh! “Hindi. Kakatapos lang ng birthday ko. Para sa anniversary namin ng asawa ko,” wika ni Amara. Napansin ko na mas lalong gumanda ang ngiti sa mukha niya. Nabanggit lang ang husband pero todo na ang ngiti. It's so cute na makita ang ibang tao na mas nabubuhayan ang ngiti pag nababanggit ang asawa nila. Yung iba kasi ay nakasimangot pag napapapunta sa asawa ang topic. I remember so many people. “May asawa ka na?”gulat na gulat na tanong ni Tremor. Napataas ang kilay ko. What’s wrong with him? She’s gorgeous, it’s impossible na wala pang asawa ang babae. Sobrang sexy rin niya! “So, nag-e-expect pa si Guy na hindi makakahanap ng iba ang babaeng ito? She’s pretty. Simpleng manamit pero sobrang ganda. Imposibleng walang nanligaw sa kaniya noong naghiwalay sila,” mahina kong sabi habang umiiling. Halata naman na magkasintahan sila dati. Halata pa sa mukha ng lalaking ito ang pagkagusto niya sa babae. He can’t move on pa rin? It’s so matagal na! Well, well, well, She’s really beautiful kasi...naiinis ako. I hate it. Maganda naman ako pero bakit mas lamang siya? “Si Driton ba ang asawa mo?” tanong ni Tremor kay Amara. Halata sa face niya ang labis na panghihinayang. It's your fault naman kasi hindi niya pinaglaban si Girl. “Hindi no! Kahit kailan ay hindi naging kami,” mabilis na pagtanggi ni Ate Girl. Umayos ako sa pagkakaupo ko sa passenger seat. Lumayo na ako sa dashboard kasi malakas na ang boses nila. I can hear them loud and clear. It's nice naman na nilakasan na nila ang voice nila. Ang hirap kayang maging curious sa pinag-uusapan nila, baka hindi ako makatulog. “Paanong hindi?” naguguluhan na tanong ni Tremor. Napairap ako dahil sa aking narinig. “I don’t wanna curse but I think he’s stupid.” Nagtanong pa siya ng ‘paanong hindi?’ can’t he read between the lines? Syempre! Hindi sinagot! “Hindi ko naman siya sinagot,” paliwanag ni Amara. "Wala rin naman akong gusto sa kaniya," pagpapatuloy niyang sabi. Mabagal na pagtango ang aking ginawa noong narinig ko ang kaniyang answer. “Noong umuwi ako sa probinsya ay nakita ko na hinalikan ka niya. Para kayong isang masayang pamilya. Hindi ba’t sinabi mo rin sa sulat na masaya ka na sa piling niya at magpapakasal na kayo?” “Mahilig talagang tsumansing ‘yang pinsan mo kaya lagi ko rin siyang nahahampas sa mukha,” sabi ni Amara. Napansin ko na nawala na ang ngiti sa mukha niya. “Yung sulat? Sus! Fake news ‘yun. Naniwala ka naman?” umiiling na dugtong ni Amara. “Alam ko ang Penmanship mo, Amara,” wika nito kaya napairap ako. Ang alam ko ay pwedeng madaya ang sulat. Hindi niya ba naisip 'yun? Mapapasabi ka na lang talaga na 'His brain left the group' talaga. “Sa galing ba namang mang-doktor ng sulat ang pinsan mo. Taob ang rekto,” sabi ni Amara kaya napangisi ako. I know right. I'm so intelligent talaga sa mga hulaan. Ang cute nang sinabi niya. It's the 'Taob ang rekto' talaga. “I want that lines! Say it again!” bulong ko habang nakangisi pa rin. “Ikaw naman kasi ang tanga mo,” diretsa na sabi ni Amara. Mas lalo akong napangiti sa sinabi niya. Matatawa na sana ako nang malakas ngunit mabuti na lang at napigilan ko pa ito. “Naniwala ka agad sa konting nakita mo! Pati sa sulat ay naniwala ka agad. Hindi ako mismo ang tinanong mo. Alam mo naman na hibang na hibang sa akin ‘yang pinsan mo dahil sa kagandahan at kaseksihan ko,” wika ni Amara. I can sense na proud na proud pa siya habang sinasabi ito. Napansin ko ang pag lungkot ng ekspresyon ni Tremor. Itinaas nito ang kaniyang kamay at hahawakan sana si Amara pero umatras naman ito. “I miss you. Kung maibabalik ko lang ang lahat. Sana ay magkasama pa rin tayo hanggang ngayon,” wika ni lalaki sa malungkot na tinig. Napairap ako dahil sa sinabi nito. Cliché. Same dialogue? Wala bang bago? Ganiyan ang laging dialogue ng mga ka-love team ko sa pelikula o kaya teleserye! Bakit ba naman lagi itong ginagamit ng mga writers! “Ikaw ang unang sumuko sa atin. Teka, akala ko ba ay may asawa ka na?” nalilito na tanong ni Amara. “Wala pa. May pinangakuan na ako, hindi ba?” Bigla akong na-curious sa sunod niyang sinabi. “Kalimutan mo na ang ipinangako mo sa akin,” sabi ni Amara. Pansin ko na medyo na-awkward na ang kaniyang ngiti. Parang gusto na rin ni Amara na umalis. Halata sa kilos niya. Napatingin siya sa kaniyang relo at pagkatapos noon ay napabalik ang atensyon niya kay Tremor. “Noong una kong pagpunta rito sa Manila nakita kita na may kasamang buntis,” pagpapaliwanag ni Amara. “Bakit hindi mo ako tinawag? Sana ay nagkausap tayo,” wika ni Tremor sa nanghihinayang na tinig. “Hindi naman ako plastik para ipakita sa’yo na masaya akong may kasama ka nang iba, no! Pero dati ‘yun. Ngayon ay kahit makita pa kitang may iba, ayos na sa akin. Matagal na akong naka-move on sa’yo,” paliwanag ni Amara. “Pinsan ko siya. Sinamahan ko siya dati sa isang OB,” mahinang sabi ni Tremor at pagkatapos ay bumuntong hininga siya. “Sana ay tayo pa rin hanggang ngayon,” malungkot na dagdag ni Tremor. “Ano ba!” Malakas na tumawa si Amara. “Nakaraan na ang lahat. Hindi na dapat pagsisihan o manghinayang pa. Masaya na naman tayo sa kaniya kaniya nating buhay, ah!” Umiling siya. “Hindi ko maiwasang manghinayang dahil mahal na mahal kita, Amara.” Napahawak ako sa aking bibig at umakting ako na para bang nasusuka ako. “Mahal?” bulong ko. Napatawa ako nang mahina. Wala bang expiration date ang pagmamahal niya? “Hanggang ngayon,” pagpapatuloy ni Tremor. Napairap ako dahil sa narinig mula sa kaniya. Hindi na dapat niya sinabi iyon. Nagmumukha lang siyang naghahabol. Nasabi na ni Amara na naka-move on na siya, tapos medyo stupid and paawa effect si Tremor kasi sinabi niya pa. He should keep it as a secret na lang sana. Weakling sa love! Magsasalita pa sana si Tremor pero napatigil siya noong biglang nag-ring ang cellphone ni Amara. “Wait lang, ha? Sasagutin ko lang ito,” wika niya. Naglakad ito palayo kay Tremor, palapit naman sa aking kotse. Sumiksik ako sa gilid upang hindi niya ako mapansin. Nakabukas pa rin nga pala ang door ng car ko kasi mainit! Kinuha ko agad ang cellphone ko at nagkunwari na ginagamit ko ito. Hindi ko rin natiis at sumulyap ako sa labas. Nakatitig lang si Tremor kay Amara. Pansin ko ang malungkot niyang face. Move on, boy! There’s many butterflies in the garden! “Hello?” Mas lumapit si Amara sa unahan ng kotse ko kaya umiwas ako nang tingin. Napayuko pa lalo ako. “Nandito ako sa parking lot ng Mall mo. Anong nanlalalaki? Para kang sira!” sabi niya at pagkatapos ay napatawa siya. Napatingin ako sa kaniya. Pansin ko ang pagsandal ni Amara sa unahan ng kotse ko. Napataas ang aking kilay. Baka magasgasan niya ang kotse ko. Isang maliit na gasgas lang ang makita ko sa car ko, magrereklamo agad ako. Baka gusto niyang ipalit ang kotse niya sa akin! Sa pagtitig ko sa kaniya ay napansin ko na biglang namula ang kaniyang mukha. “Gago! Huwag mo akong pakiligin. Patay ka sa akin mamaya,” wika niya sa masayang boses at may halong kilig pa. I rolled my eyes dahil sa inggit. What term nga yung laging ginagamit ng mga millenials and generation z? Sana all? Ilang segundo lang at binaba na rin niya ang tawag kaya bumalik siya sa kausap. “Kailan ang free time mo?” tanong ulit ni Tremor. Napatingin ako sa kaliwa noong may narinig akong mabibigat na yapak. Nahulog ang aking panga noong makita ko ang isang sobrang gwapong lalaki. “Oh my gosh!” Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kagwapuhan nito. “She doesn’t have any free time for you!” matigas na wika nito na may halong pagbabanta. Napanguso ako dahil na-realize ko na asawa siya ni Amara. Sayang, I like him pa naman. “Sibuyas, nand’yan ka na pala!” masayang sabi ni Amara. “Yuck! Ang panget talaga ng endearment niya. If I were her I will call him my everything,” nakangiwi kong sabi. “Leave,” tipid na banta ng asawa ni Amara. “Why would I? Wala naman akong ginagawa. I’m just asking her, Bro.” Napahawak ako sa aking noo dahil sa narinig na sagot ni Tremor. “Tremor, Can’t you see that he’s jealous? Distansya o ambulansya?” sobrang hina kong bulong. “Siya nga pala ang dati kong---” pinutol ni Tremor ang sasabihin ni Amara. Napansin ko na mas lalong kumunot ang noo ni Sibuyas? “I’m her ex-boyfriend,” pakilala ni Tremor. Gulat na napatingin si Amara kay Tremor habang nagkakamot ng ulo. Lumapit agad si Sibuyas kay Amara at inilagay niya ang kamay sa baywang nito. Napabuntong hininga ako habang umiirap. Nakakainggit at nakakainis! Ipinanganak na lang ba ako para mainggit at mainis sa mga mag-asawa at magkasintahan? “Huy! Ang assuming mo naman pala! Hindi naman kita sinagot dati, ah!” wika ni Amara habang nanlilisik ang mga mata niya. “Amara...” tipid na tawag ng asawa nito sa kaniya. Napalingon si Amara sa asawa niya at umiling siya. “Huwag kang maniwala sa kaniya. Friends lang kami.” Marahan na hinigit ni Sibuyas si Amara, at lumipat sa unahan si Sibuyas upang hindi makita ni Tremor ang asawa niya. Possessive, huh! I want a guy like him. Lalapit sana si Tremor pero mas lalong humarang si Sibuyas upang hindi makalapit si Tremor. Minsan talaga ay nakakatanga ang pag-ibig, and the real definition of tanga is no other than…Tremor! “I’m her husband, so, back off,” mariin na sabi ni Sibuyas. Nakakainggit talaga! Should I rent him as my boyfriend? Kahit isang araw lang, but I don’t want to be a mang-aagaw. “I just want to talk to her,” sabi ni Tremor pero umiling lang ang asawa ni Amara. “Past is past. You should not bring it back,” mariin na sabi ni Sibuyas at pagkatapos ay tinalikuran niya si Tremor upang harapin ang asawa niya. Hinawakan niya ang mukha ni Amara at pagkatapos ay yumuko siya. Hinalikan niya ang asawa niya sa harapan ni Tremor. Isang maiinit at mapang-alab na halik. Pansin ko ang namumulang mukha ni Amara noong natapos ang halik. Napairap ako dahil sa inggit na nadarama. Patayin niyo na lang ako! Wala bang manliligaw sa akin? Napairap ulit ako nang naalala ko ang contract ko. Wala pa akong freedom to date! Napatitig ako sa mag-asawa! See? They are sweet pa rin! Sa inggit lang pala ako mamamatay! “Let’s go, Love,” he said, and after that they left Tremor na halata sa mukha na nalulungkot. Napansin ko rin na biglang umalis ang driver nila Amara. Siguro ay tinawagan at pinasunod sa kanila. Kainis! I wanna say Sana all ulit like the millennials and Gen Z do everytime they’re naiinggit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD