Hindi ko maiwasang mapanguso habang nakatingin sa pwesto ng mag-asawa kanina. Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga and I know naman na si stupid guy ito. Napatingin ako kay Tremor at napansin ko na tulala pa rin siya sa kawalan.
Tama nga ang kasabihan na nasa huli ang pagsisisi. All you can do is to watch your past lover walk away from you. Kung inalam mo lang sana ang truth dati, I'm sure that baka kayo pa rin ang magkatuluyan.
I think that ang nararamdaman niya ay hindi love or mababaw lang ang love niya kay Amara kasi hindi siya lumaban. Hinayaan niya lang na mawala ang babae sa kaniya. Kasi I know that pagmahal mo ang isang tao ay gagawin mo ang lahat upang ipaglaban siya. You will seek for the katotohanan kahit masakit basta ginawa mo. Atleast walang what if na tatakbo sa isip mo.
Why do I feel like I'm a love guru na? I'm single naman.
Tulala na lang siya while standing in the middle of the parking lot. Like this! I'm pretty sure that nagkakagulo na sa kaniyang utak ang mga what if scenario.
“May kamera ba sa tabi-tabi? Para akong nasa teleserye, ah!” mahinang sabi ko at pagkatapos ay ngumisi ako. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at mabagal na pumalakpak ako.
If I were a screenwriter then I will copy this scene. Well, gasgas nga pero alam kong papatok pa rin sa mga manonood.
Mahinang palakpak para sa isang magandang palabas! Napatigil sa ere ang aking kamay noong napansin ko na napalingon si Tremor sa akin. Kitang kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo.
“Opps! Is he looking at me?” tanong ko sa sarili ko. Nanlaki ang aking mga mata.
Tinted ba ang windshield ng car ko? I forgot to ask Lindstrom! Siya kasi ang inutusan ko na bumili ng car ko!
I gasped and then yumuko ako upang hindi niya ako makita. Ilang segundo akong nakayuko. Noong nangawit ako ay umayos na rin ako sa pagkakaupo. Why naman ako magtatago? I'm not a criminal kaya. Wala naman akong ginawa. Nakinig lang naman ako sa kanilang talk, so I'm not a criminal! Wait! Nakinig ako sa kanilang usapan? May kaso ba roon?
Tumingin ako sa unahan at nakita ko na naglalakad na siya palayo. Papunta na siya sa entrance ng Mall kaya napahinga na ako nang malalim. I think naman na hindi niya ako nakita. I hope so. Baka mamukhaan niya ako. Like, I'm an artist and hindi ito maganda para sa image ko.
Sinaraduhan ko na ang pinto ng sasakyan dahil maraming tao na ang dumadaan sa parking lot. Hindi nila ako pwedeng makita kasi baka pagkaguluhan nila ako.
*
Limang minuto lang ang lumipas ay dumating na si Lindstrom. Pansin ko sa kaniyang mukha ang pagtataka noong nakita niya akong nakaupo sa unahan. Pinanlisikan ko siya ng mga mata. Bakit ang tagal niya? Kasing haba ba ng pila sa ayuda ang pila sa Cr? I'm so bored na sa paghihintay sa kaniya.
“Tinted ba itong sasakyan ko?” salubong na tanong ko sa kaniya. Pumasok na siya sa kotse.
Binigyan ko lang siya last year ng pera para siya na ang bumili nito. Wala akong masyadong alam sa sasakyan. Basta ang alam ko lang ay pagmahal, maganda. Yung dream car ko lang ang alam ko ang specs eh!
Napansin ko ang paglaki ng kaniyang mga mata. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang pamumula ng kaniyang buong mukha, kasama na rin ang kaniyang tainga.
“Bakit mo ako tinatanong? Do you want me to kiss you?” tanong niya at pagkatapos ay ngumiti siya. Yung ngiti na parang nahihiya.
Napairap ako at pagkatapos ay binato ko sa kaniya ang box ng tissue. Naramdaman ko ang pagkainis sa kaniya. Ang assuming niya talaga! Akala niya ba ay ibababa niya ang standard ko para sa kaniya? Driver s***h bodyguard ko lang naman siya!
“Gusto mo bang tanggalin kita sa trabaho mo? Ang landi mo!” mariin kong sigaw sa kaniya.
Sa lahat ng kakilala ko ay siya lang yung bukod tanging assuming! This panget na froglet! Akala niya ba ay prince siya?
“Akala ko naman nahuhulog ka na sa akin,” sabi niya. Pansin ko ang nakanguso niyang labi.
“Huwag ka ngang assuming! Sagutin mo na lang ‘yung tanong ko sa’yo!” may kalakasan ang boses na sabi ko.
Maikli ang pasensya ko, mas umiikli pa ito dahil sa kaniya!
“Tinted ito,” tipid niyang sabi at pagkatapos ay sumakay na siya. Umiwas siya sa akin nang tingin.
“Akala ko naman kita niya ako,” wika ko at pagkatapos ay bumuntong hininga ako upang pakalmahin ko ang sarili ko.
Baka mapagkamalan niya akong tsismosa! Artista pa naman ako! Baka mamaya makita ko na lang ang name ko na nasa headline tapos ang nakasulat pa sa balita ay ‘Isang sikat na aktress ang nahuling nakikinig sa usapan nang ibang tao!’
“Sino? Fan mo o basher?” tanong ni Lindstrom sa akin.
Umiling ako at pagkatapos ay binuksan ko ang bag ko. Inilabas ko ang aking lipstick na kulay red. Bagong padala lang ito ng aking sponsor. I’m their ambassador. Tumaas ang kanilang sales noong kinuha nila ako. Well, magaling naman kasi ako at maganda.
Ibinaba ko ang pahaba na pangharang sa liwanag. In english, sun visor. May salamin kasi sa likod noon.
“May napanood ako na parang teleserye kanina,” I said while I’m applying my lipstick on my pretty lips. Well, Iisa pa lang ang nakahalik sa akin, and he is my on screen partner.
Bukod siyang pinagpala sa lahat.
“Tsismosa ka na ngayon?” tanong ni Lindstrom. Rinig ko sa kaniyang boses ang pang-aasar.
Biglang nanginig ang aking kamay kaya napalampas ang paglalagay ko ng lipstick sa aking labi. Napasinghap ako at pagkatapos ay mabilis ko siyang nilingon. Me? As marites… I mean chismosa? Sinamaan ko siya nang tingin.
“Hindi!” mariin kong pagtanggi.
Pansin ko na lumipat ang kaniyang tingin sa aking labi at pagkatapos ay mas lalo siyang napangiti.
“Masamang makinig sa usapan ng ibang tao,” natatawa niyang sabi habang kumukuha siya ng tissue sa box.
Inirapan ko lang siya at pagkatapos ay umiwas sa kaniya nang tingin ngunit napatigil ako noong bigla niyang hawakan ang aking pisngi. Iniharap niya ang mukha ko sa kaniya.
Napahigpit ang hawak ko sa aking skirt noong napansin ko na sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
Naramdaman ko ang marahan niyang paghawak sa aking baba at titig na titig din siya sa aking labi. Napalunok ako ng laway at hindi ko siya nagawang suwayin. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Mas lalong napahigpit ang hawak ko sa aking damit.
Pinunasan niya ang lumampas na lipstick. Marahan at may bahid ng pag-iingat. Hindi ko naman ipinagkakaila na gwapo talaga siya. Umiwas ako sa kaniya nang tingin. Ibinuka ko ang aking bibig upang magsalita.
“Kasalanan ko bang sa unahan ng sasakyan ko sila nag-usap! Wala akong kasalanan! May tainga ako upang marinig ang ingay sa paligid ko!” malakas kong sabi kaya napalayo agad siya sa akin.
“Oo na! Huwag mo akong sigawan!” wika niya at pagkatapos ay bumuntong hininga siya habang hinahaplos ang kaniyang tainga.
“Nayanig ‘yung eardrums ko!” wika niya habang nakangiwi sa akin.
Umayos ako sa pagkakaupo at pagkatapos ay tumingin ako sa gilid. Mas sumiksik ako sa may pinto. Pinagmasdan ko ang magandang kotse na pinapangarap ko. Super swerte naman ni Amara. May beautiful car and handsome husband.
*
“Kakaunti naman ang mga tao sa Mall. Sa Main entrance ka na pumasok,” sambit ni Kelly noong nakabalik siya.
Bumalik na lang talaga siya at hindi na lang tumawag sa akin sa phone.
Tumango lang ako sa kaniya. Baba na sana ako sa kotse ngunit napatigil ako at napatingin kay Lindstrom. Napansin ko na nakanguso siya. Biglang nanlaki ang aking mga mata. Lumingon ako kay Kelly. Nakita ko na nag-aayos na siya ng bag niya.
“Are you going with me?” tanong ko sa kaniya pero umiling lang siya.
“Hindi na. Kailangan ko nang umuwi. Kasama mo naman si Lindstrom,” sagot niya sa akin kaya napasinghap ako.
I thought pa naman na sasama siya, iyon pala ay hindi.
“Aasarin niya lang ako!” malakas kong sabi at pinanlisikan ko nang tingin si Lindstrom. Hindi naman siya natakot sa akin bagkos ay kumindat pa siya. Mas lalong nalukot ang face ko!
“Pero ililigtas naman kita sa panganib,” wika ni Lindstrom habang hinahaplos ang kaniyang braso. Napairap ako at pagkatapos ay bumulong.
“Ang yabang!” Akala mo naman ay sobrang macho!
Ngumiti lang siya sa aking sinabi. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Feeling kaya ang lahat!
“Ayokong kasama ka,” sabi ko at pagkatapos ay nag-cross ako ng arms ko. Sinamaan ko siya nang tingin.
Hindi na talaga nabago pa ang ekspresyon ko tuwing kasama siya. Lagi na lang akong nakatingin sa kaniya ng masama, nakairap at nakabusanggot ang mukha. Sa kaniya lang naman ako na-iistress eh! Dinaig ko pa ang may boyfriend dahil sa konsomisyon na ibinibigay niya sa akin. Nakakainis siya always!
Well. I can't fired him naman talaga kasi ang hirap na ring maghanap ng kapalit niya. It's hard na kumuha ng mapagkakatiwalaan na tao sa panahon ngayon. Sa ilang taon na pinagsamahan namin ni Lindstrom ay alam niya na ang mga nangyari sa life ko. Marami na ring issue ang ibinato sa akin at tuwing may nagagalit sa akin na mga bashers at sinusugot ako ay lagi siyang nakaharang sa unahan ko. Walang sawa niya akong pinoprotektahan.
“Araw-araw mo na nga akong kasama pero hindi ka pa rin sanay sa pagmumukha ko?” natatawa niyang sabi kaya napangiwi ako.
Sa araw-araw na lumilipas ay lagi naman akong naiinis sa kaniya! Hindi ako masasanay!
“Ilang taon na nga kayong magkasama pero lagi pa rin kayong nag-aasaran. Baka mamaya ay kayo pa ang magkatuluyan sa huli,” mahinhin na sabi ni Kelly kaya malakas na napasinghap ako.
Exaggerated na hinampas ko ang dashboard ngunit napasigaw rin ako nang malakas noong nasaktan ako. Hinawakan ko ang kamay ko at naluluha na napatingin ako kay Kelly.
“Yuck! Don’t say that! Hindi ako papayag, noh! He’s just my bodyguard and driver. Walang akong maipagmamalaki sa iba pag siya ang nakatuluyan ko!” maarteng sabi ko.
“Is it important for you? Hindi na lang ba magiging sapat na mahal niyo ang isa’t-isa?” tanong ni Kelly kaya nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako kay Lindstrom at napansin ko na tumatawa lang siya.
“Hell no! Hindi ko siya mahal no!” malakas kong pagtanggi sa kaniya.
“It’s just a what if scenario,” wika ni Kelly kaya lumingon ako sa kaniya. Pinanlisikan ko siya ng mata.
“Don’t say that!”
“May ipagmamalaki naman ako, ah!” singit ni Lindstrom. Tumingin ako sa kaniya at tinaasan ko siya ng kilay.
“Wala!” malakas kong pambabara sa kaniyang sinabi.
Hinawakan niya ang mukha niya kaya napairap ako. Alam ko na ang sasabihin niya.
“Gwapo ako! Malakas ako! Kaya kitang ipagtanggol sa lahat ng bashers mo,” wika niya sa nagmamalaking tono.
“My standards are so high! You don’t have a favorable status, so you can’t pass my standards!” maarte kong sabi sa kaniya at pagkatapos ay taas baba ko siyang tiningnan.
Napangiwi ako. He’s not my type! He’s not my type talaga!
“Come on, Vetari. Tigilan niyo na ang pag-aasaran niyo. Pumasok ka na sa loob ng Mall hanggat wala pang maraming tao. Bilhin mo na agad ang gusto mo at pagkatapos ay umuwi ka na agad,” wika ni Kelly sa mahinang boses.
Napabuntong hininga na lang ako. She’s saying that because it’s for my own good naman.
“Okay!” tipid kong sabi.
“Let’s go, Ma’am Vetari,” nang-aasar na sabi ni Lindstrom. Napairap na lang ako sa kaniya.
Tumakbo agad siya papunta sa pinto na nasa gilid ko. Binuksan niya ang pinto habang nakabusangot lang ang mukha ko.
Inabot niya sa akin ang kamay niya pero hindi ko ito kinuha. Marahan akong bumaba sa kotse.
“Just guard and protect me. Don’t talk to me, Okay?” sabi ko sa kaniya noong nakababa na ako.
“Copy, Ma’am Vetari!” Malawak ang ngiti ni Lindstrom habang sinasabi iyon.
Nagpaalam na rin si Kelly sa amin at pagkatapos ay umalis na siya. Napatigil ako sa paglalakad noong biglang hawakan ni Lindstrom ang aking kamay kaya nanlalaki ang mga mata ko noong napatingin ako sa kaniya. Nakangiti lang siya sa akin.
Magsasalita na sana ako ngunit naramdaman ko na may inilagay siya sa aking kamay. Napatingin ako sa kamay ko at nakita ko ang facemask.
“Wear it,” wika niya kaya napanguso na lang ako at kinuha ko ang mask na nasa loob ng plastic. Ibinigay ko sa kaniya ang plastic at pagkatapos ay isinuot ko ang mask.
“Baka makilala ka nila,” bulong niya ngunit narinig ko naman.
Hindi na ako nagsalita.
Nagsimula na akong maglakad at sumunod naman siya sa akin. Pasimple akong lumingon para silipin siya. Tahimik lang siya na nagmamasid sa paligid. Ibinalik ko ang tingin sa daan. Taas noo na naglakad ako. Napatingin ako sa kaniya noong sumabay siya sa paglalakad ko. Mahina akong napabuntong hininga at pagkatapos ay ngumiti.
I hate him but...