“Good Morning, Miss Vetari,” rinig kong bati sa akin ng isang babae. Lumingon ako sa kaniya. Nakita ko ang malawak niyang pagkakangiti sa akin.
I’m sure that she’s one of the staff here. Pinagmasdan ko lang siya mula ulo hanggang paa. Well, she’s pretty naman pero mas maganda pa rin talaga ako. Kailangan niya lang na mag-ayos at magsuot ng magandang damit. She’s so simple. Tamang t-shirt at pantalon lang ang suot niya. Nakita ko na napayuko siya dahil sa tingin na ibinibigay ko sa kaniya.
Nakita ko ang hawak niya na light reflector. So, nagtitiis siya sa ganitong trabaho kahit na pwede naman siyang maging model.
Imbis na bumati pabalik sa kaniya ay inilibot ko na lang ang paningin ko sa buong studio na paggaganapan ng aking photoshoot. Ako ang napili na maging cover sa Glanfi Magazine, para ito sa magazine issue for the month of July. Mag-isa lang ako sa cover kaya mahal ang bayad nila sa akin. Hindi ko rin naman gusto ang magkaroon ng kasama. Ang ayoko sa lahat ay ang nasasapawan. I want to be the best. Gusto ko ay nasa akin lang ang atensyon. Even If someon call me attention seeker I just don't really care. Totoo naman ito.
Pansin ko ang nag-aayos na mga staffs. Ang mga lightning ay nasa tamang pwesto na, pati na rin ang backdrops ay nakahanda na. Mas nagmadali sila noong nakita nila ako. Kilala ko na ang ibang staff dahil hindi lang naman ito ang unang beses na nakatrabaho ko sila. Alam na nila ang temper ko. Gusto ko ay proffesional silang lahat. Ayoko rin ng hindi perfect. I'm a perfectionist kasi.
Dumaretso na ako sa paglalakad papunta sa dressing room. Si Tiffany na ang nagbukas ng pinto at ang unang bumungad sa aking paningin ay ang make up artist ko. Nakita ko ang kaniyang malawak na ngiti. Napairap ako dahil sa nakita. She's acting like wala siyang nagawang kasalanan sa akin.
“Good Morning sa pinakamagandang artista sa buong mundo,” wika niya habang ngiting ngiti siya sa akin. Binola niya pa ako. Peke talaga siya!
Tinaasan ko siya ng kilay at pagkatapos ay inismiran ko siya. “You’re just saying that because I’m here. I’m pretty sure that you don’t like me…well, I don’t like you either!” malakas na sabi ko sa kaniya.
Naramdaman ko ang kamay ni Tiffany sa aking braso pero hindi ko naman siya pinansin. Well, I know naman na pinipigilan niya ako. Ayaw niyang gumawa ako ng scene sa harap ng maraming tao. Umirap lang ako sa kawalan. Hindi ako nagpapigil. Hindi pa nga kami tuluyang nakakapasok sa loob ng dressing room pero binulyawan ko na agad ang babaeng ito.
Umiling siya sa akin. Nakita ko ang pag-amo ng kaniyang mukha. Mas lalo akong nainis sa kaniya. “No! Ofcourse not! I’m not lying,” pagtanggi niya sa akin.
Napangisi ako dahil sa pagiging indenial niya. Alam ko na naman ang ginagawa niya tuwing nakatalikod ako sa kaniya. She’s always acting kind, and tuwang tuwa sa akin but pag wala ako sa kaniyang tabi ay puro masasamang salita na ang lumalabas sa kaniyang bibig. Puro masamang mga bagay na ang ibinibida niya sa iba. Hindi lang iisa na maanghang na salita ang nalaman ko. Sobrang dami niyang ipinagkakalat.
“Plastics are supposed to throw at the garbage can, so dapat na kitang itapon sa basurahan kasi isa kang dakilang plastic na masama sa kapaligiran,” mariin kong sabi sa kaniya. Inirapan ko siya. Isang pamatay na irap. Sa araw na ito ay sobrang dami ko nang nagawa na katarayan.
Well, ang plano ko pa naman ay sa birthday niya na lang ako magbibigay ng confrontation sa kaniya kaso nga lang ay nakita ko ang kaniyang plastic na ngiti. Nakaramdam ako ng inis kaya naman hindi ko na natiis ang sarili ko na sumabog sa harapan niya. Mapagpanggap talaga ang babaeng ito!
“Vetari,” suway ng manager ko. Napairap na lang ako dahil sa biglang pagsulpot ni Kelly.
Lumingon ako sa kaniya at nakita ko na napalunok siya dahil sa pandidilat ko sa kaniya ng mga mata. Umiwas siya sa akin ng tingin. Umirap muna ako bago ko mulimg hinarap ang make up artist ko. Nakita ko sa kaniyang likuran ang ibang member ng glam team ko. Nakatingin lang sila sa akin habang kinokompronta ang kasamahan nila. Sanay na naman sila. Isang taon pa lang naming kasama ang make up artist na ito. Pang apat na siyang naging make up artist ko.
Pinanlisikan ko siya ng mata habang humahalukipkip. “What! Tama naman ako, hindi ba? She’s just complementing me because kaharap niya ako but when I’m not around kung ano ano na ang sinasabi niya! Isang tipikal na basura!” malakas kong sigaw.
Pansin ko na maraming napalingon sa amin but I don’t care naman. Hindi naman ako mahihiya because hindi naman ako ang mali! Mas mali siya dahil tsismosa siya! Galit ako sa mga tsismosa dahil sila ang mga salot sa lipunan. Buhay ng iba pero ang lakas ng loob nila na makialam. Bakit hindi buhay nila o ugali ang pagtuunan nila ng pansin.
Mas maganda ba ang entertainment na dala ng tsismis?
“Miss Vetari, Huwag mo naman akong paratangan ng mali,” wika niya sa nagpapaamo na boses.
Nagmamaang maangan pa siya!
“Mali? Really? Akala mo ba ay hindi nakakarating sa akin ang mga pinagsasasabi mo tuwing nakatalikod ako?” malakas kong sabi.
“Sinisiraan lang nila ako sa’yo,” wika niya sa mababang tono ng boses. Mas lalong napataas ang kilay ko.
Ang galing niya naman na mag-act like an innocent angel. Magaling siyang magpanggap na parang walang alam.
“No! Ikaw ang mas magaling manira. Trabaho mo iyon sa akin, hindi ba? When I’m not around sinisira mo ako sa ibang tao,” naiinis na sabi ko.
Hindi naman sinungaling ang hair stylist ko! Ilang beses na nitong sinabi sa akin na lagi raw akong sinisiraan ng ingeterang make up artist ko sa ibang tao. Minsan ay pinagkalat nito sa ibang artista na inayusan nila na isa akong kabit ng isang businessman. What the f**k! Araw araw ko siyang kasama pero traydor pala siya sa akin.
Masama raw ang ugali ko. Lagi ko raw siyang minumura. Well, sadyang mumurahin ko siya dahil laging palpak ang trabaho niya. Hindi niya inaayos ang pagmamake up sa akin. Sinong artista ang hindi maiinis sa kaniyang ginagawa?
Iyon pala ay may tinatago na siyang galit sa akin kaya ganoon ang tinatrabaho niya.
Noong una ay hindi ako naniwala sa sinabi ng hair stylist ko pero noong narinig ko ang recording ng pagsasalita niya ng masama sa akin ay doon na nagpantig ang tainga ko. She’s not mapagkakatiwalaan pala.
Ang ayoko pa naman sa lahat ay ang sinisira ang tiwala ko.
Nilapitan ko siya ngunit napatigil ako noong naramdaman ko na muling hinawakan ni Kelly ang aking braso. Napalingon ako sa kaniya at nakita ko ang kaniyang nag-aalala na mukha. Umiling siya sa akin.
“Vetari, Stop! Marami nang nakatingin sa inyo,” wika niya sa mahinang boses.
Umirap ako sa kaniya. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. “WHAT? I won’t stop! Gigil na gigil na ako sa kaniya! Matagal na akong nagtitimpi sa kaniya at ngayon ay hindi ko na kayang makisama pa sa kaniya,” wika ko na mayroong panggigigil.
Matagal ko nang nalaman ang paninira niya sa akin. Matagal akong nagtimpi na itago ang galit ko. Mali pala ang ginawa ko dahil mas lalong naipon ang galit ko sa kaniya.
“Baka mas ma-issue ka,” wika ni Kelly pero tinawanan ko lang siya ng sarkastiko.
“So? The hell I care about issues! Sanay na naman akong maging headlines!” malakas kong sabi. Tumingin ako sa paligid at nakita ko na nasa amin na ang buong atensyon ng lahat. May ilang tao na nagbubulungan pero wala akong pakialam sa kanila.
Wala naman akong pakialam kung maging negative ang balita sa akin dahil matagal na naman nilang alam na maldita ako. Pati haters at fans ko ay alam iyon.
Ibinalik ko ang tingin ko sa make up artist ko. Pinanlisikan ko ulit siya ng mga mata. Nakita ko na tumapang ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Alam ko naman na palaban siya. Umaarte lang na akala mo ay kinakawawa. Hindi siya dapat maging make up artist, magaling siyang umarte kaya dapat lang na mag-audition siya bilang artista. Kaso nga lang ay hindi siya tatanggapin dahil sa sobrang kapangitan niya.
“You!” Itinuro ko siya na may pangigigil.
Napansin ko ang pagtaas niya ng kilay pero panandalian lang iyon dahil biglang nagbago ang kaniyang ekspesyon. Nangilid ang mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata.
Mas lalo akong nagngitngit dahil sa kadramahan niya. “Stop saying nonsense things, okay? Huwag kang tsismosa at pakielamera sa buhay ko! Huwag kang peste sa buhay ko, ha!”
“This is the last day mo bilang make up artist ko! You’re fired!” pagpapatuloy na sabi ko.
Humikbi siya pero inirapan ko lang siya. Kumukuha pa talaga siya ng awa sa ibang tao, at ako na naman ang masama sa tingin ng iba.
“Ma’am, kailangan ko pa po ng trabaho,” pagmamakaawa niya sa akin.
Tumaas ang kilay ko noong narinig ko ang mga sinasabi ng mga taong nanonood sa munting palabas namin. Napairap ako dahil may narinig akong nakakaawa raw ang babaeng ito dahil natanggal sa mababa na dahilan.
“So? Do you think that I will bawi my decision na tanggalin ka? Kahit lumuhod ka pa sa harapan ko ngayon, hinding hindi ako maaawa sa’yo. Sana bago mo ako siniraan sa iba ay naisip mo na rin na anumang oras ay pwede kang mawalan ng trabaho,” mariin kong sabi.
Itinaas niya ang kaniyang kamay at pinahidan niya ang mga luhang tumutulo sa kaniyang mukha. Napangisi ako noong biglang tumapang ang kaniyang mukha. Pinanlisikan niya ako ng mga mata.
“Ang sama sama ng ugali mo!” malakas niyang sigaw sa akin.
“Well, matagal ko nang alam yan! Hindi ba at iyan din ang lagi mong sinasabi sa iba? Go, b***h! Cry. I don’t care naman,” nang-aasar ko pa na sabi sa kaniya.
Inirapan ko siya at pagkatapos ay lumakad na ako papasok sa dressing room. Binangga ko ang kaniyang balikat. I don’t care if I’m acting like a child. Ayoko lang talaga na ginagago ako.
Umupo agad ako sa make up chair. Tinanggal ko ang suot kong hair band at pagkatapos ay inihagis ko ito sa lamesa. Malawak na make up table. Nakita ko ang ekspresyon ko sa salamin at kitang kita ko ang pagkainis sa aking reaksyon.
“Kelly, ihanap mo ako ng bagong make up artist,” utos ko kay Kelly.
Nakita ko na bigla siyang nataranta kaya napairap ako. Pansin ko naman sa salamin na napailing si Tiffany habang inilalagay niya ang mga bag ko sa table. Sa kabilang kamay niya ay hawak hawak niya ang mga damit na gagamitin ko para sa photoshoot. Pina-dry clean ko kasi ito dahil ayokong magsuot ng hindi nilalabhan.
Hindi naman kailangan iyon pero maarte lang talaga ako. I want to be sure na malinis talaga ang damit na isusuot ko.
Nakita ko na nagkamot ng ulo si Kelly dahil sa inuutos ko. Padalawang beses na akong nag-utos sa kaniya na maghanap ng make up artist. Hindi na ito ang una kaya alam kong magagawa niya ito.
“Pero matatagalan po ako sa paghahanap. Isang oras na lang po at magsisimula na po ang photoshoot,” wika niya kaya napairap ako.
Naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko. Sobrang bad mood na naman ako.
“Gawan mo ng paraan!” mariin kong sabi sa kaniya habang hinahaplos ang aking ulo. Nakaka-stress sila!
“O-okay,” tipid na wika niya.
Ipinikit ko ang aking mga mata at pagkatapos ay sumandal ako sa sandalan ng upuan. Ilang segundo lang ay naramdaman ko na ang paghawak ng hair stylist sa aking buhok. Hinayaan ko na lang siya na gawin ang trabaho niya. Wala naman siyang sinabi at nanahimik lang siya. Mas gusto ko ang ganito.