Tunog ng camera ang narinig sa buong studio. Ang bawat kislap ng flash ng camera ang pumupukaw sa aking atensyon. Tumitig ako sa lens ng camera at pagkatapos ay ngumiti nang sobrang lawak. Pansin ko ang pag-thumbs up ni Tiffany. Nakatayo siya sa tabi ng softbox. Hindi ko na napansin pa si Kelly sa paligid dahil nag-focus na ako sa photoshoot.
Hinawakan ko ang isang bouquet ng roses. Hinintay kong tumunog ang camera.
“Okay! Good job, Vetari,” wika ng photographer na kumukuha sa akin.
He’s a gay and bago ko pa lang siyang nakatrabaho. He seems mabait naman but I don’t trust his face and personality. Nararamdaman ko ang negatibong aura niya. Minsan kung sino pang tao ang mukhang mabait, sila pa ‘yung mas tatraydor sa’yo. Kung sino pa ‘yung mukhang hindi mapagkakatiwalaan ay sila pa ‘yung makakasama mo sa bawat problema.
Binitawan ko ang bouquet ng roses at umupo ako sa magandang upuan. Ang design nito ay maganda na para bang upuan noong renaissance period. May mga nakaukit na sinaunang design sa upuan. May mahaba ring lamesa sa aking harapan. Itinaas ko ang aking paa at ipinatong ko ang aking hita sa arm of the chair. Habang ang likod ko ay nakasandal sa isa pang arm ng chair. Inilagay ko ang aking kamay sa noo ko at pagkatapos ay pumikit ako.
“Yes! You got it! You’re doing good,” rinig kong sabi ng photographer. If I’m not mistaken, Thony is the name of my photographer. Ang sunod kong narinig ay ang pag-click ng camera.
Iminulat ko ang aking mata at pagkatapos ay kumindat ako sa camera. Kasabay noon ang pagtunog ng camera. Nag-thumbs up si Thony sa akin.
“I got the perfect shot! Very good, Vetari!” puri niya sa aking ginawa.
Ngumisi lang ako sa kaniya at hindi ko na siya sinagot. Ibinaba ko sa lamesa ang roses. Nakita ko na pumalakpak si Tiffany. She’s so supportive as ever.
“Next pose!” magiliw na sigaw niya.
Ibinaba ko na ang paa ko. Umayos ako sa pagkakaupo sa upuan. Inayos ko muna ang aking mga suot na tea-length dress. Napansin ko na lumapit sa akin ang bagong make up artist. Ngumiti siya sa akin ngunit hindi ko siya nginitian. Ni-retouch niya ang make up ko. Mabilis ang bawat kilos niya dahil naghihintay sa amin ang photographer. Itinaas ko ang aking kamay upang patigilin ang pagmemake up niya sa akin.
Tumigil agad siya at pagkatapos ay lumayo sa akin. Ibinigay niya sa akin ang 14 inch na salamin kaya agad kong tiningnan ang aking sarili. Napahawak ako sa aking mukha bago ko ginilid ang aking mukha upang tingnan kung maganda ba ang make up niya.
Napangiti ako noong napansin na maganda naman ang kaniyang pagkakamake up. I gave her a thumbs up sign. Ibinigay ko sa kaniya pabalik ang salamin. Umalis na rin agad ang make up artist sa aking tabi. Sumenyas na rin sa akin ang photographer. Marahan akong tumayo. Kinuha ko ang isang piraso na rosas sa bouquet. May pag-iingat na umupo ako sa sahig at inihilig ko ang ulo ko sa upuan habang tumitingin sa camera.
Inilagay ko malapit sa aking mukha ang isang rosas. I smiled sweetly at the camera. Ilang tunog ng camera ang aking narinig. Ilang segundo akong nakangiti ngunit naging seryoso rin naman ang aking mukha noong nakita kong tumango ang photographer.
Pumikit ako habang sumasandal sa upuan. Ngayon lang ay naramdaman ko ang pagod ko. Kakagaling ko lang kasi kanina sa shooting ng teleserye ko. Wala pa akong pahinga at dumaretso na ako sa studio na ito. Iminulat ko ang aking mata at pagkatapos ay tumingin ako sa camera. I got the fierce face.
Ilang beses kong iniba ang facial expression ko. From being fierce to kagat labi pose. Pati ang pwesto ng aking ulo ay iniiba ko rin.
“Nice shot! I like it!” magiliw na sigaw ni Thony. Tumango lang ako sa kaniya noong puriin niya ako.
“Are we done?” tanong ko sa kaniya.
“Yes. Last shot na iyon,” sagot niya sa akin habang pinagmamasdan ang mga kuhang picture sa maliit na LCD monitor na nasa aming unahan.
Lumapit agad sa akin si Tiffany. Hinawakan niya ako sa aking braso at tinulungan niya ako sa pagtayo. Siya na ang nagpagpag sa aking dress na suot. Kinuha na rin niya ang hawak kong rose at ibinalik niya agad ito sa lamesa. Saglit lang akong tumingin lang ako sa kaniya at nakuha niya agad ang nais kong iparating. Kinuha niya sa bag niya ang alcohol at inilahad ko ang aking kamay. Inisprayan niya ang aking kamay kaya ni-rub ko ang aking hands para mawala ang germs.
“Good. I’m so tired na,” sagot ko habang hinahawakan ang aking batok. Tumingin ako sa kisame at pagkatapos ay napabuntong hininga ako dahil sa sobrang pagod.
Naglakad ako palapit sa LCD monitor at pinagmasdan ko ang mga shots na kinuha ni Thony. Pina-zoom in ko ang bawat pictures upang pagmasdan kung nakita ba ang maliit kong acne. Noong wala naman akong napansin ay nag-thumbs up ako sa kanila. I think na they will edit my pictures pa rin naman.
“Tiffany!” tawag ko habang pinapaypayan ko ang aking sarili gamit ang hands ko.
“Bakit po?” tanong ni Tiffany sa akin. Lumingon ako at nakita ko siyang nagmamadali sa pagtakbo papunta sa akin.
“I want to change na. Pawis na ako,” wika ko kaya nagmamadali na ibinigay niya sa akin ang towel ko.
“Okay po. Kukunin ko lang po ang damit mo,” sabi niya kaya tumango na lang ako.
Agad siyang umalis upang pumunta sa labas. Kukunin niya pa kasi sa aking car ang damit na pamalit ko. Ayokong ipalabas agad o ipadala sa dressing room ang damit na pamalit ko because baka madumihan ito or maalikabukan. Allergic ako sa germs.
“Good job for today, Miss Vetari. Ang ganda ng mga shots mo. Hindi na kita kailangan pang turuan. Natural na ang bawat galaw mo,” puri sa akin ni Thony kaya napalingon ako sa kaniya.
Inilagay ko sa aking tapat ng dibdib ang aking kamay. “Ako pa ba? I’m so great kaya,” wika ko habang nakangisi sa kaniya.
Napansin ko na napatango ang apat na staff sa tabi namin. Tahimik lang naman sila na sumang-ayon sa akin. Noong napalipat ang atensyon ko kay Thony ay napansin ko na lumawak ang pagkakangiti niya.
“Alam namin ‘yun. I’m feeling grateful dahil nakatrabaho kita,” magiliw na sabi niya sa akin. Tumango ako sa kaniya.
“Masaya naman ako at natuwa ka sa aking kagalingan,” nagmamalaki kong sabi sa kaniya. Pansin ko na panandalian na nawala ang kaniyang ngiti. Hindi rin nakalampas sa aking paningin ang pagsisikuhan ng mga staffs sa paligid namin.
Napangisi ako lalo dahil sa napansin. Mahina akong tumawa habang mabagal na hinahawi ko ang aking buhok.
“Yeah… by the way, aalis na ako. May isa pa akong shoot sa kabilang studio,” tanging wika niya na lang at pagkatapos ay muli siyang ngumiti sa akin. Nagsimula na rin na mag-ayos ng gamit ang iba niyang kasamahan.
“Okay! Bye!” pagpapaalam ko habang kumakaway sa kaniya.
Umalis na rin sila matapos ang ilang minuto. Noong napalingon ako ay nakita ko na dumating na si Tiffany dala ang aking damit na pamalit. Agad kaming nagtungo sa dressing room upang makapagpalit na ako.
*
Noong natapos ako sa pagbibihis ay lumabas na rin kaming dalawa ni Tiffany sa studio. Panandalian akong napatigil sa paglalakad dahil narinig ko ang pangalan ko. Napatigil din si Tiffany sa paglalakad. Lumingon ako sa paligid upang hanapin ang pinanggagalingan ng usapan. Muli kong narinig ang pangalan ko at saktong nakita ko ang dalawang tao na nag-uusap sa may mini garden.
Napataas ang kilay ko noong narinig ko ang usapan tungkol sa akin.
“Narinig mo ba ang usapan namin kanina ni Vetari Arsodal?” tanong ni Thony sa isang staff. Tumawa ang kausap niya habang naninigarilyo.
“Yes. Nakakaloka. Sobrang mapagmalaki sa sarili,” wika nito kaya mas lalong napataas ang kilay ko. Ang aking pandinig ay mas lalo ring luminaw.
“Sa bawat puri ko sa kaniya, bukang bibig din ang papuri sa sarili niya.” Umiling si Thony habang tumatawa nang mahina. “Mataas kamo ang tingin sa sarili. Mahilig magbuhat ng sariling bangko,” pagpapatuloy na sabi niya kaya mas lalong tumalas ang tingin ko sa kanilang pwesto.
“Kaya nga. Sa lahat ng artista na nakita ko ay siya lang ang bukod tangi na ganoon.” Nagtawanan ang dalawa kaya naman naiinis na bumuntong hininga ako. Naramdaman ko ang pagsibol ng inis sa aking kaloob looban.
Nagtawanan pa sila at sinabing feelingera daw ako!
Napahigpit ang hawak ko sa dala kong handy fan na ang design ay hello kitty. Hindi mapalamig ng hangin nito ang umiinit kong ulo.
“Nakita mo rin ba ‘yung nangyari kanina sa dressing room? Grabe, tinanggal niya yung isang babae sa glam team niya,” wika ni Thony. Umiling ang dalawa at nakita ko ang panghuhusga sa kanilang mukha.
“Yung make up artist niya ba?” tanong ng kausap niya.
Tumango si Thony. “Oo. Iyon nga. Maraming nakarinig at nakakita kasi nasa labas sila ng dressing room. Sadyang masama nga talaga ang ugali ng artista na iyon,” mahabang sabi ni Thony kaya napairap ako.
“Hindi siya tatagal sa industriyang kinalalagyan niya kung mananatili siyang malaki ang ulo,” sabi ng kausap ni Thony na akala mo ay alam ang lahat sa akin.
Diyos ba siya upang sabihin niya iyon? Huwag siyang magsalita ng tapos. Alam ko naman na hindi panghabang buhay ang kasikatan ngunit hindi pa ako malalaos!
Lumapit ako sa kanila kahit na pinigilan na ako ni Tiffany. “Ma’am,” tawag ni Tiffany sa akin.
Isang tingin ko lang kay Tiffany ay hindi na siya nakialam pa sa akin. Itinaas ko ang kamay ko upang patigilin ang pagpigil niya sa akin.
Lumapit ako sa dalawang tsismosa na walang ginawa kundi magback stab sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay at kitang kita ko ang gulat sa kanilang mukha noong sumulpot ako sa kanilang tabi.
“Excuse me! I think it’s forbidden to talk behind my back. Kung may gusto kayong sabihin tungkol sa akin, mas mabuti pang face to face dapat tayo. Okay? And by the way, Wala kayong pakialam kung masama ang ugali ko. Nakialam ba ako sa buhay niyo or pinapakialaman ko ba ang pagiging panget ng mukha niyo? Leave my life alone sa pagiging tsismosa niyo!” mahaba kong pangaral na may kasamang panglalait sa kanila.
Malakas silang napasinghap dahil sa aking sinabi. Naging masama lalo ang kanilang mukha dahil kumunot ang kanilang noo. Lumabas ang konting wrinkles na nasa kanilang face dahil sa pagsimangot sa akin.
“Ang sama nga talaga ng ugali mo. Ang taray taray mo pa,” wika ni Thony sa akin kaya mas napairap ako.
Ibinigay ko kay Tiffany ang handy fan na hawak ko. I put my hands on my waist.
“Well? Are you crazy? What do you want me to do? Kung ikaw ba ay makarinig ng paninira galing sa ibang tao hindi ka magagalit? My name is Vetari and I’m not saint! Stop concluding that I’m mabait because I’m not,” mataray kong sigaw sa kanilang dalawa.
Wala naman akong pakialam sa kanila basta huwag lang talaga nila akong pag-uusapan pag nakatalikod ako. Lalong lalo na at negatibong bagay ang sinasabi nila. Kung ako ay mataray then sila ay mga impokrita. Ginagalit nila ako.
Pansin ko na mas lalong tumapang ang kanilang mukha. Magaling lang sila pag nakaharap sa akin but when nakatalikod sila kung ano ano ang kanilang sinasabi sa akin.
“Etong tatandaan mo, Vetari! Ang kasikatan ay may hangganan, lalong lalo na kung may ugali kang ganiyan! Huwag mataas ang tingin sa sarili dahil baka maging masakit ang pagbagsak mo!” malakas na sigaw ni Thony sa akin.
Siya na nga ang may nagawa sa aking kasalanan pero siya pa ang nagagalit. Nahuli ko na nga silang binabackstab ako pero siya pa ang nangigigil?
“Really? Ilang taon na akong sikat kaya just watch me na lang na mas sumikat pa!” hindi nagpapatalo na sabi ko. Inirapan ko sila. Iyong pamatay na irap.
“Hihintayin ka namin na bumagsak at sisiguraduhin namin na nasa akin ang huling halakhak!” malakas na sabi ng kasama ni Thony.
“Whatever!” Madiin kong sabi at pagkatapos ay umirap na lang ako sa kaniya.
Hinawi ko palikod ang aking buhok at pagkatapos ay tumalikod na ako sa kanilang dalawa. Naglakad ako palayo sa kanila at naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ni Tiffany. Noong nakarating kami sa may kalsada ay saktong tumigil sa harap namin ang kotse ko.
Sumakay agad kami ni Tiffany. Umirap ako at ramdam na ramdam ko ang pangigigil sa dalawang inggitera na iyon. Mga tsismosa na tapos backstabber pa!
“Good afternoon, Miss Vetari!” bati ni Lindstrom sa akin pero inirapan ko lang siya.
“Shut the f**k up!” malakas ang boses na sigaw ko.
“Bad mood? Again?” tanong niya kay Tiffany.
Tumango lang si Tiffany sa kaniya.
“Sa mall tayo!” naiinis kong sabi at pagkatapos ay pumikit ako.
“Copy, Miss Beautiful!”
Isang bagay lang ang makakapagpaalis ng galit at stress ko! Ito ay ang pagbili ng mamahaling gamit!