Halos gusto kong pasalamatan si Logan ng bigla itong dumating sa apartment ko kanina. His really my savior. Muntik pa silang mag-away na magkapatid pero napigilan ko agad. Sinabi kong si Logan na ang maghahatid saakin sa hotel. Nagtalo pa ang dalawa pero wala ring nagawa si Yohan ng pinili ko si Logan na maghahatid saakin. Kaya naman umalis na rin ito. "Tawagan mo agad ako kapag may hindi magandang nangyari. Or should I stay here for a while?" "Wag ka ng mag-alala sabi. At opo tatawagan kita agad." assurance ko rito. "Bakit ba kasi ayaw mong magstay sa unit ko?" sinamaan ko naman ito ng tingin. Hindi nga ako sumama sa kuya niya. Tapos gusto niya sakanya ako titira. "Baka lang naman magbagong isip mo." "Sige na lumayas ka na. Salamat ulit." "Psh. Pagkatapos mo akong gamitin sa kuya ko

