Pasimple lang ako napapatingin sa paligid ko baka may makakilala saakin. Kasalukuyang nasa university ako nila Logan. Halos itago ko na ang mukha ko para wala makakilala saakin. Para akong ewan na patago-tago. Bakit ko ginagawa ito? Hindi ko rin alam. Basta ayokong may makapansin saakin. Ang totoo niyan. Nanliligaw saakin ang isa sa pinakasikat na basketball player ng University nila. Hindi pala pati rin sa ibang university kilala rin ito kahit sa university namin matinding kalaban nila ang school na ito. Hindi naman ako interesado dati sa basketball pero dahil ang nanliligaw saakin ay player ng basketball kaya medyo nagkaroon na rin ako ng interst. Hindi pa ako nakakanood ng laro nila dahil recently lang ako nagkainterest kaya pinakwento ko sa isa sa mga adik na manuod ng laro. Ang bestf

