CHAPTER 6

1493 Words
Hawak kamay kaming pumasok sa mall, nasa gitna ang dalawang bata. Kung titignan parang happy family pero ang bata naming tignan. Maraming napapatingin sa dereksyon namin, kaya hindi ko na lang pinapansin. Tumitingin-tingin lang ako sa mga stall pero sa totoo lang hindi ko alam kung saan kami pupunta. Naramdaman ko naman ang pagkalas ng kamay ni Psyche kaya napatingin ako sakanya pero mabilis itong tumakbo. "Psyche, dahan-dahan lang baka madapa ka." Nag-aalalang saad ko. Sinundan naman namin ito nang makitang sa isang teddy bear shop siya pumunta. Hinanap ko naman kong saan ito nagawi at nakita kong nakayakap ito sa isa sa mga human size teddy bear. "Psyche. Halika dito, baka madumihan mo yan." Sabi ko dito. Tumingin ito saglit at bumalik sa pagyakap sa teddy bear. "Mommy, gusto ko po nito." Malambing na sabi nito at nakapout pa ito. Parang sinasabing bilhin ko yun. "Di ba may teddy bear ka pa bahay?. Saka akala ko ba damit ang bibilhin natin ngayon next time na lang yan." Pakiusap ko sakanya. Baka kasi magkulang yung pera ko gusto ko rin sanang bilhan si Eros para fair silang dalawa. "Pero gusto ko po kasi nito. Baka po kasi bilhin na si teddy." -pagmamakaawa niya. "Okay ganito. Mamili ka kung anong bibilhin natin ngayon yan or clothes mo?" Hindi kasi dapat sabay dahil baka maspoiled sila kung parating nasusunod ang mga gusto nila. Nagpout nanaman ito halatang ayaw mamili sa dalawa. Dahil parehong gusto niya. "That's enough, ako ng bibili ng teddy bear mo." Narinig kong sabi ng nasa likuran ko. Hinila naman nito si psyche patayo at binuhat ang teddy bear. Kaya napabuntong hininga na lang ako. Hinawakan ko naman si Psyche at Eros para sundan ang daddy nila na nasa counter. Pagkatapos naman niyang magbayad humarap naman ito saakin. "Ilalagay ko muna ito sa kotse. maglibot muna kayo, tatawagan kita kung nasan kayo." Tumango naman ako sa sinabi niya. Tumingin naman kami sa may bookstore kung anong mga magandang bilhin. Habang tumitingin ng mga educational books para sa mga bata paminsan-minsan ko naman silang tinitignan, nakita kong tumitingin rin sila ng gusto nilang makitang libro. "Mommy, gusto ko po nito." Napatingin naman ako sa hawak na libro ni Eros tungkol ito sa mga planet. "Sige ilagay mo lang dyan sa basket natin." Sinunod naman nito ang sinabi ko at lumapit naman na kami kay Psyche. Hindi ko alam kong anong ginagawa nito. "Psyche!" Biglang sabi ko sakanya nakatalikod ito saamin pero nang makalapit kami saka ko nalaman ang ginagawa nito. May kinukulayan ba naman ito at talagang binuksan niya yung crayons na nakita niya kung saan. Hindi pa naman namin nababayaran ang mga yan. "Amin na yan babayaran mo natin yan bago mo kulay okay." Tumango naman ito at ibinigay ang mga coloring books na gusto nito at talagang nilagyan niya na ng pangalan nito gamit ang crayons na pinangkulay niya. Biglang nagring naman ang phone ko kaya sinagot ko agad ito baka si Logan na. "Where are you?" "Nasa bookstore." "Okay hintayin niyo ako diyan wag kayong aalis." Pinatay naman na nito ang tawag kaya nilagay ko na uli sa bag ko ang phone. Pagkatapos kong magbayad tamang-tama na nasa labas si Logan na naghihintay. "Saan ang sunod nating punta?" Bungad agad nito "Ahm sa kids store. Gusto kong bilhan ng damit si Eros at Psyche kasi." Tumango naman ito at binuhat si Psyche kaya ang hawak ko ang isang kamay ni Eros at sa kabila rin nito sa Daddy niya. Pagkarating namin sa store pumili naman na sila ng mga gusto nilang damit akala mo kung mga marurunong na pero maganda rin ang mga taste na kinuha nila puro mga dress ang pinili ni Psyche samantalang kasama ng daddy niya na pumipili ng damit rin ni Eros. "Mommy, tignan niyo po ito. Ang cute gusto ko po nito. Isuot natin mamayang gabi kapag magsleep na po tayo." Pinakita niya yung pantulog na damit na partner siya isa sa mommy at sa baby maraming pagpipilihang colors. Kumuha naman ako ng pink para saamin ni Psyche tapos blue naman kila Eros dahil may pang daddy rin. Nakalabas na kami ng store dala ko ang mga pinamili namin dahil nagpabuhat nanaman si Psyche sa Daddy niya. Nauna kaming naglakad ni Eros at nasa likuran namin sila. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa mga store ng mga damit na mga gusto ko. Dati puro alam ko lang gastos at lahat ng mga gusto or makita ko bibilhin ko gaya ni Psyche. Pero ngayon kailangan ko silang isipin muna bago ang pansarili ko. "Hey, bakit ang bagal niyong maglakad? May nakalimutan ka bang bilhin?"- biglang tumabi si Logan saakin kaya napatingin ako sakanya. "Ah wala naman. Tara na." "Mommy gusto ko po yung angel na yun." Biglang turo naman ni Psyche. Kaya napatingin naman ako sa itinuturo niya. Mga figurines. Actually si cupid iyon na may dalang pana mukha lang siyang angel dahil siguro may pakpak ito. "Psyche, wala kang gagawin diyan at hindi natin kailangan yan. Anong sinabi ko sayo dati? Kung hindi mo magagamit wag mong bibilhin. Nakalimutan mo na." Paliwanag ko sakanya. "Pero gusto ko po niyan. Gusto ko po siyang ilagay sa room ko tapos sa room ni Eros para po may guardian angel po kami na nagbabantay." Pamimilit nito. "Okay. Bibilhin na natin yan." Biglang sabi ni Logan. "Logan!" Naiinis na sabi ko. Iniispoil niya kasi yung bata. Alam niyang wala namang gagawin diyan. "What? Gusto nung bata pagbigyan na natin." Sabi nito. "Hindi niya yan kailangan at magagamit. Magsasayang lang tayo ng pera. Wag mong sinasanay na nakukuha yung mga gusto niya." Mariin na sabi ko. "Ngayon lang siya nagrequest, kaya pagbigyan na natin. Ako naman ang magbabayad." Depensa pa nito. "Kahit na. Ang gusto kong sabihin dito ay wala namang katuturan yan at masasayang lang ang pera. Ibili mo na lang sa ibang bagay na mas may pakinabang pa." "Pera KO ang gagamitin hindi MO pera. Kaya walang masasayang sayo." Mariin ring sabi nito. "Kahit na...." "Mommy, Daddy wag na po kayong mag-away. Wag na po nating bilhin yung angel." Nag-aalang sabi ni Psyche kaya medyo naguilty ako dahil halos magsigawan na kaming dalawa. Nakalimutan kong may mga tao pala sa paligid at may kasama rin kaming mga bata. Kinalma ko ang sarili ko dahil alam kong maikli lang ang pasensya ko. "No, bibilhin natin yung Angel mo para may guardian angel ka na sa room mo." - sabi nito at naunang maglakad papuntang store. Hindi na lang kami sumama sa kanila dahil mainit pa rin ang ulo ko. "Mommy wag na po kayong mag-aaway ni Daddy. Natatakot po kasi kami." Napatingin naman ako kay Eros na nasa tabi ko. Lumuhod naman ako para magkapantay kaming dalawa. "Sorry baby, hindi na mauulit. Promise ko." Sabi ko sakanya kaya niyakap ako nito. Naglalakad na kami palabas ng mall maggagabi na rin hindi namin namalayan na napatagal kami dito. Tapos na rin kaming nagdiner sa isang restaurant. Hangang ngayon hindi pa rin kami nag-uusap ni Logan. Alam kong sinusubukan niyang makipag-usap saakin pero sadyang wala akong ganang kausapin siya kumbaga civil lang kami sa isa't isa. Feeling ko kasi kapag nag-uusap kami magbabangayan nanaman kami at alam kong walang magpapatalo saaming dalawa kaya gusto kong itikom na lang ang bibig ko. Hangang sa makarating kami ng apartment ko. Tinangal ko naman ang seatbelt ko. "Sige, thank you uli." Tipid na sambit ko akmang lalabas na ako ng kotse niya ng pigilan niya ang kamay ko. "Wait. I'm sorry.. sa nangyari kanina gusto ko lang makabawi kanina kaya kahit yun lang maibili ko yung mga gusto nila. I know hindi ko dapat sila iispoil pero gusto ko lang talagang makabawi sa pagkukulang ko." Paliwanag nito. Tumango naman ako dahil naiintindihan ko. "I'm sorry rin. Sige goodnight ingat sa pagdrive." Lumabas ako ng kotse at binuksan ang backseat dahil nandoon na natutulog yung dalawa. Dahan-dahan ko namang kinuha si Psyche para hindi magising, at si Logan naman ay pinahiga ng maayos si Eros dahil nakaupo sila kanina na natutulog. Ibinigay naman nito ang mga pinamili namin at iniwan ang kay Eros. "Amin na, ako nang magbuhat niyang mga dala mo." Pag-iinsist ni Logan pero pinigilan ko siya. "Hindi na magaan lang naman. Saka walang kasama si Eros sa kotse baka kung anong mangyari sakanya. Umalis na kayo baka magabihan kayo masyado. Okay na kami. Ingat uli." Tumango naman ito at humarap kay Psyche at hinalikan ito sa noo. Akala ko tapos na ito dahil lumayo ito ng kunti pero hindi ko inaasahang pati rin ako ay hahalikan nito sa noo. "Goodnight." Sabi nito at bumalik na sa sasakyan. Hinintay ko namang makaalis sila bago kami pumasok tamang tama na lumabas si Martha kaya ibinigay ko yung mga pinamili namin. Nakakapagod ang araw na ito pero alam kong masaya ang mga bata. Ako ba masaya sa nangyari ngayon? Ang mahalaga ang mga bata. ************* To Be continued... Happy Reading <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD