CHAPTER 7

2600 Words
Napabaliwas ako ng gising ng marinig kong tumutunog ang phone sa side table na pinaglagyan ko. Tinignan ko muna ang caller bago ito sinagot. "Hello" walang ganang sabi ko. Matagal bago naman ito nakasagot, hindi ko alam kong anong kailangan niya. "Are you free today?" Napakunot naman ang noo ko. It's been two week simula ng magkita kami although dinadalaw ko naman si Eros pero hindi ko ito naabutan. Tapos late na raw itong umuwi. Kahit hindi ko tinatanong sinasabi ng nanny ni Eros saakin. '"Ahm, balak ko sanang dalawin namin sila Mommy sa bahay isasama ko rin sana si Eros. Pupunta sana ako diyan buti natanong mo." Lumabas naman ako sa kwarto habang hindi ko pa rin inaalis ang tawag. It's already 7am. "Ganun ba, sige sasabihin ko kay Eros ngayon na isasama mo pala siya." Sabi nito pero parang dissapointed ang tono nito. "Bakit may pupuntahan ba kayo ngayon na dalawa?" Pahabol ko. Baka kasi may importante silang pupuntahan. "No, wala naman pero nasabi ko sakanya na isasama ko siya sa game namin ngayon. Isasama ko rin sana si Psyche kaso may pupuntahan rin pala kayo." Paliwanag nito. "Ganun ba. Tatanungin ko na lang si Psyche kung gusto niyang sumama sayo." Pumunta naman ako sa kwarto ni Psyche para gisingin siya. Kinusot kusot naman nito ang mata niya at tumingin saakin ng inosente. "Ano po yun Mommy?" "May sasabihin ang daddy mo." Inabot ko naman sakanya ang phone. Hindi ko naman marinig ang sinasabi ni Logan pero sa nakikita ko natutuwa si Psyche. "Opo!! Gusto ko po. Isasama po natin si Mommy ha!" Hyper na sabi nito kaya napataas ang kilay ko dahil nakasama ako sa usapan nila. Hindi ko alam kong paano ako napapayag ni Psyche na sumama. Ayaw ko sanang sumama ngayon dahil hindi naman ako mahilig manuod ng mga ganyang laro. Saka wala naman akong mga kakilala doon ma out of place lang ako. Kasalukuyang pumipili ako ngayon ng isusuot ni Psyche. Dahil naliligo ito ng mag-isa ayaw daw niyang may nagpapaligo pa sakanya dahil dalaga na daw siya. Ewan ko sa batang yun. "Mommy!!! Hindi po yan ang isusuot ko." Sabi nito nakita ko siyang nakabathrub at lumapit ito saakin. May kinuha ito sa maliit na drawer na nakabalot pa sa box. Saan galing yan? "Sabi ni Daddy, ito raw po ang isusuot ko." At nilabas nito sa kahon ang laman nun nakita ko naman ang damit na pinakita niya it's a cute cheerleader dress. Gold and black siya tapos nakaprint naman sa harap Golden Eagles at sa likod niya muse no.1. Sinuklay ko naman ang buhok nito na curly hangang balikat nito. Mamaya ko na lang itatali ang buhok niya kapag tuyo na. Hindi ko mapigilang mamangha ng makita ang university na pinapasukan ni Logan. Actually, kilala ito at madalas ko rin itong naririnig pero hindi ko makapaniwala na makakapasok ako rito. Pagpasok naman namin sa gym nila. Buti na lang kasama namin yung isang guard nila dito, dahil pinasabi raw ni Logan pag nandito na kami ipunta niya kami sa may locker room nila. Naiilalang naman ako dahil sa pinagtitingin nila kami hindi ko alam iba't ibang expression ang makikita mo sakanila and most of them alam kong ayaw nila akong nandito. Hindi ko na lang pinansin ang mga mapanghugas mga tingin nila dahil hindi naman sila ang ipinunta ko rito. "Ma'am dito na po yung locker room nila pasok na lang kayo." Tumango naman ako at nagpasalamat. Ngayon lang rin ako nakapasok rito, I mean may locker room rin sa university namin pero ang pwedeng makapasok lang ay mga athlete lang sa saamin at hindi ako napapabilang doon, masasabing napakalawak talaga ng locker room nila hindi madaling malibot agad. Kumatok naman ako ng mahina. Maya-maya pa'y pinagbuksan ako, halos mapalunok ako dahil iba ang tumabad saakin. "Hi! Miss beautiful. What can I do for you?" Nakangiting sabi pa nito. Hindi ko naman mahanap ang dila ko kung ano nga bang pinunta ko dito. Ano ba yan Missy nakakita ka lang ng abs nawala ka na sa sarili mo. Paano ba naman kasi ang unang bumugad saakin ay isang magandang lalaki na walang damit pang itaas at mukhang isa rin ito sa mga players. "Nandyan po ba ang daddy ko?" Biglang singit ni Psyche. Nabalik naman ako sa katinuan ko ng magsalita siya at tumingin ako sakanya. Mukha siyang malditang bata dahil sa masungit na mukha nito. Bigla namang napatingin ang lalaking nakajersey short lang kay Psyche na hangang ngayon masama pa rin ang mukha nito pero cute itong tignan. Halatang ayaw ang lalaki sa harapan niya. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya ito mukha naman itong mabait. "Ang cute mo naman. Sino bang daddy ang hinahanap mo?" Nakangiting sabi nito at pinantayan ang level ni Psyche. "Si daddy Logan." Masungit pa rin na sabi nito. "Si Captain... Ibig sabihin ikaw si Psyche at kung hindi ako nagkakamali, you're Missy." Turo niya saamin medyo nagulat ako sa sinabi niya pero tumango na lang ako. Hindi ko alam popular pala ako dito. "Excuse me, pero nandyan ba siya?" Nahihiyang tanong ko. "Oo nandito siya. Tara pasok kayo.." nauna naman ito kaya sumunod na lang kami pero hindi pa kami nakakapasok ng biglang napatalikod kami at ganun rin ang ginawa ko kay Psyche dahil baka hindi niya rin kayanin ang nakikita niya. "Captain. Nandito na yung mag-ina mo." Narinig kong sigaw nung kausap namin kanina. "What the fu*k Lee. Bakit pinapasok mo sila sa loob?! Nakikita mong nagbibihis halos lahat ng nandito." Narinig kong galit na sabi ni Logan bigla naman may humawak sa braso ko, palabas ng locker room. Yah, iyon nga ang dahilan kung bakit kami napatalikod agad ni Psyche. "Hintayin niyo ako saglit dito magmemeeting pa kami." Seryosong saad nito tumango na lang ako sakanya. "Palalabasin ko na rin si Eros. Tignan mo yung mga bata." At muli siyang pumasok sa loob. Maya-maya lumabas na si Eros nakajersey rin gaya ng daddy niya at parehong no. 1 at may apelyedo niya naman ang nakasulat sa likod. Naalerto naman ako ng isa-isang nagsilabasan na ang mga players at isa-isa rin nila akong binabati naghi lang ako sakanila or ngingiti lang dahil hindi ko naman sila kilala maliban sa kilala nila ako dahil kay Logan. Huling lumabas naman ay si Logan na seryosong kinakausap ang coach ata nila nang makalabas na sila bigla silang napatingin saakin. Tumango naman ang coach nila at ngumiti kaya ngumiti rin ako at bahagyang yumuko sakanya. "Daddy!!" Matinis na sabi ni Psyche at nagpabuhat sa ito sa daddy niya. Hinawakan naman ni Logan ang kamay ko at tuloy sa paglakad kaya naman hinila ko na rin si Eros. Ingay at mga sigawan ang sumalubong saamin ng makarating kami sa gym pero ito yung mga sigawan na mga nagchecheer. Bigla naman tumahimik ng kunti ng lumabas kami at nakita ang iba't ibang reaksyon nila. Napabuntunghininga na lang ako at hindi na sila pinansin pa. People may be judged easily. "Don't mind them. Dito na kayo umupo." Biglang sabi ni Logan sa tabi ko napansin niya rin pala ang mga tinginan ng mga tao saamin. Pinaupo naman niya kami malapit sa team nila. Tahimik lang ako at nakita kong gaano kasaya sila Eros at Psyche dahil kahit hindi pa nag-isstart ang laro chinecheer na nila ang daddy nila. Hinayaan ko naman na sila sa gusto nilang gawin. Inililibot ko na lang ang paningin ko sa paligid pero mukhang mali ang ginawa ko dahil yan na naman ang mapanghusga nilang tingin saakin. Sabagay masyadong kasing popular si Logan kaya akala nila kong sino akong makalapit sakanya. Bigla namang nagring ang phone kaya kinuha ko ito nang makita ko kung sino ang caller saka ko ito sinagot agad. "Hello Zoey, napatawag ka." Halos isigaw ko na dahil hindi ko marinig masyado, sa lakas ng ingay dito at pati rin ata sa pwesto niya kung nasan siya. "Hoy babae!, hindi mo man lang sinabi na pupunta ka sa laro ng Golden Eagle di sana nagsabay na tayo!" Malakas na sabi rin nito mukha nasa maingay rin siyang part. "Huh! Paano mo alam na nandito ako?" Takang tanong ko. "Duh!! Kitang-kita ka namin dito sa harap at mukha hot topic kayo dito. Kakaway ako para makita mo kung nasaan ako." - Napatingin naman ako agad sa may itaas at doon nakita si Zoey tumayo pa talaga ito para lang makita ko. Sabagay sa sobrang dami ng tao dito at halos wala ng maupuan ang mga tao dahil sa dami. "Pwede ba kami dyan? Hindi kasi namin kita kung nandito kami sa taas malayo masyado." Pakiusap nito. Ayaw ko naman siyang tanggihan kaso nga lang wala ng vacant chairs dito. "I'll try to ask him. Wala na kasing vacant chairs hanap ako ng malapit na uupuhan niyo rito." Nasabi ko na lang. Pinatay ko naman ang phone ko at tinignan kong meron silang pwedeng maupuan na malapit. "Sinong hinahanap mo?" Takang tanong ni Logan kaya na patingin agad ako sakanya. "Ano? Naghahanap ako ng mauupuan na malapit." Sabi ko tas nilibot ko uli ang paningin ko. "May upuan ka naman ha, bakit kailangan mo pa ng ibang upuan?" "Para sa mga kaibigan ko sana nandito kasi sila, kaso nasa malayong part sila hindi raw nila makita. Wala naman nang vacant dito kaya naghahanap ako ng malapit." Paliwanag ko sakanya. Hindi ko naman na ito pinansin pa. "Ian!!" Rinig kong tawag niya sa isa sa mga teammate niya siguro. "Ano yun, Captain?" "Kumuha ka nang stall chair sa labas dalhin mo dito mga 5 lang." Narinig kong sabi nito sa kausap niya kaya napatingin ako sakanya. "Tawagan mo na yung mga kaibigan mo paupuhin mo na sila sa tabi mo." Sabi lang nito bigla namang umalis na ito kaya nakalimutan ko na tuloy magpasalamat. ................. "Sa wakas, for the first time nasa VIP section rin ako." -biglang sabi ni Zoey. Tinignan ko naman ito, kung anu-anong sinasabi. Ang saya-saya nga nila nang sinabi kong nakuhanan sila ng upuan. Sobra naman ang nakuhang upuan dahil tatlo lang sila. "Kaya nga ibang-iba talaga pag may kapit. Char!! Lalo na captain pa sistah." -malanding sabi ni Gabby inirapan ko na lang siya. "Manahimik na lang kayo kung ayaw niyo palayasin ko kayo." "Okay, sabi mo eh. Ikaw ang commander dito ngayon 'cause we owned you a lot. Buti na lang may dala tayong mga pagkain ang ganda ng tanawin ay este pwesto natin."- sabi naman ni Jassy. Nagstart na ang game at kasama sa first five si Logan kaya todo cheer ng mga bata uli. Wala akong alam sa basketball pero alam kong magaling si Logan base sa mga kilos na ipinapakita niya. Hindi siya yung captain na masyadong gahaman pagdating sa shooting dahil teamwork talaga ang ginawa nila hindi lang puro siya ang nagshoshoot parati. "Ang gwapo talaga ni Travis ko."-malanding sabi ni Gabby hindi ko naman alam kung sino yung tinutukoy niya pero alam kong teammates ni Logan yun. Maliban na lang kay Ian at Lee na narinig ko kanina na binangit ni Logan wala na akong kilala sakanila. "Wah ang hot rin Zeus! Go Zeus ishoot mo yan para saakin." Sigaw naman ni Zoey. Napatingin naman ako sa may hawak ng bola, so siya pala yung zeus na tinutukoy ni Zoey teammates rin ni Logan. "Masarap rin si Papa Logan, pero hindi ko na siya aagawin kay Missy. Sakanya niya na baka masabunutan pa ako, ang ichecheer ko na lang si Ian. Go Ian!!" Sabi naman ng bruhang nasa tabi ko na si Jassy. "Hoy! Anong pinagsasabi mo dyan Jassy? Gusto mong sabunutan kita ha!" "Sabi ko icheer mo rin yung honeybunch mo. Kawawa na yung mga junakis mo na nagchicheer diyan oh. Aw, ang cute-cute talaga nilang tignan." Sabi nito napatingin naman ako sa mga bata lalo na kay Psyche na malakas tumili. Tapos na ang game at ngayon naman hinihintay kong lumabas na sila Logan sa locker nila. Buhat ko si Psyche dahil nakatulog na, napagod itong sumigaw kanina si Eros naman halatang inaantok na rin. Kung tatanungin kung nanalo sila na satingin ko hindi na big deal sa kanila yun dahil kahit nanalo parang wala lang sa kanila para bang inaasahan na nila yun pati ang mga nanuod. "Let's go." Narinig kong sabi ni Logan sa tabi ko. Binuhat nito si Eros nahalatang pagod rin. Hindi ko namalayan natapos na pala sila kasama na rin niya ang mga teammates niya. Naglalakaad na kami papuntang parking lot at may kanya-kanya silang mundo at pinag-uusapan nakikinig lang ako, ang pinakamaingay talaga sakanila ay yung si Lee. Kahit ano ang tinatopic. Naalala ko tuloy si Zoey na katulad niyang maingay. And speaking of, nauna na silang umalis dahil sinabi kong hihintayin ko pa si Logan at kung makatukso ang mga bakla wagas. "Paano, kita na lang mamaya, Sa dati pa rin ah."- biglang sabi ng isa sa mga teammates nila. Hindi ko naman alam kung ano yung pinaguusapan nila kaya tahimik lang ako. "Hoy! Drake ihanda mo na yung mga iinumin natin doon." Sabi pa nung isa. "Hoy! Hindi yun libre para sayo. Mag-ambag ka." Sabi naman nung Drake dahil siya yung nagreact sakanila. "Kuripot kahit kailan. Hindi naman malulugi yang bar niyo kung magpapainom ka kahit isang gabi lang." -rinig kong sabi ni Lee. "Hoy! Pumunta kayong lahat doon. Sasapakin ko ang hindi pumunta." Dagdag pa nito. "Hoy ka rin. Sige nga sapakin mo si Captain mukhang hindi makakapunta nandito si Commander." Sabi nung isa hindi ko alam pero, ako ba ang pinariringan nila? "Oo nga, Mukha nga." "Shut up, Louie." Mariing sabi ni Logan kaya natahimik silang lahat. Nakarating naman na kami sa tapat ng kotse niya at binuksan niya ito para ibaba ang mga bata sa backseat. "Captain mauna na kami. Sunod ka na lang kung gusto mo." Habol nung isang teammate nila nakita ko naman silang nag-alisan na. Talagang kanya-kanya sila ng sasakyan doon ko narealize na parking lang pala ng varsity ito dahil may nakasulat na reserved for varsity only. Di sila ng mayayaman. Binuksan ko naman ang passenger seat para makaupo na. Hindi ko alam na ganito kami gagabihin akala ko madali lang ang laro. Sorry na first time ko lang makanuod ng laro. Nag-overtime pa kasi kanina kaya lalong humaba yung laro. "Sa apartment ko na matutulog si Eros. Mukhang may pupuntahan ka pa pagkatapos nito wala pa naman siya kasama sa unit mo." Pauumpisa ko. Alam ko kasi day off rin ng nag-aalaga sakanya. "Bakit, pinapayagan mo akong sumama sakanila? " Seryosong sabi nito kaya napatingin naman ako sakanya. Seryoso rin siyang nakatingin saakin. "Huh, hindi ba inaaya ka nila of course ikaw ang magdidisisyon nun kung sasama ka." Paliwanag ko. Wala naman akong karapatan di ba. Buhay naman niya iyon. "If ever, papayagan mo ba ako? " "Ano! Sabi ko ikaw ang magdisisyon, dahil wala naman akong karapatan sa kung anong gusto mong gawin." "Bibigyan kita ng karapatan, papayag ka?" What?! Bakit ba ang kulit ngayon ni Logan? Saka ano raw bibigyan niya ako ng karapatan? Na magdisisyon para saan? Para sakanya? Ano bang nakain nitong lalaking to? "Ano na?" Naiinip na sabi nito. Nakatingin lang ako sakanya seryoso ba siya. "Ang tagal naiinip na ako." "Fine, Papayagan kita. Basta wag kang magdradrive ng lasing. Kung hindi mo na kayang magdrive magtaxi ka na lang. Naintindihan mo?" Sabi ko sakanya nang wala kurap yun. Mukha namang nakumbinsi. Pinaandar naman niya na ang kotse hindi na lang ako umimik. Pero pupunta lang ba talaga siya dahil sinabi ko lang ba? Hindi siguro. **************** To be continued... Happy reading <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD